Chapter 6

7 1 0
                                    


Chapter 6: Bad Dog

"Laughter is the sun that drives winter from the human face."
🍀🍀🍀🍀
.

.

Friday have passed. Mabuti at week end na. Hindi ata ako matatahimik kung wala ako dito sa bahay. Kapag sa paaralan naman, pakiramdam ko palaging may nakamasid sa aking hindi ko kilala.

Saturday afternoon came. Time to practice. Naligo ako at nagbihis ng sando at jogging pants. Bumaba ako ng hagdanan habang pinupunasan ang basa kong buhok.

Agad akong sinalubong ni manang Fely nang makarating ako sa kusina.

"Magandang umaga, Haru. Kain ka na."

Nakangiting lahad niya sa mga nakahandang pagkain sa lamesa. Tipid na ngiti ang iginawad ko sa kanya nang naupo ako sa harap ng lamesa at sinimulang kumain.

"Manang yung..." hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin nang sumabat siya sa akin

"Kape.. oo nga pala..." nagkamot siya nang ulo at inasikaso ang gusto kong timpla ng kape. Natatawa pa siya nang iabot niya ito sa akin. Alam na ni manang iyon na ganoon ang gusto ko. Hindi niya lang siguro naalala ngayon. Minsan nakakalimutan niya ito kung hindi ko ipinapaalala... siguro sa katandaan na rin.

Every saturday at sunday lang ako umiinom ng kape dahil magpa-practice ako. Nakasanayan ko nang ganoon. Every weekdays naman ay hindi ako nagkakape kundi pineapple juice.

Humigop ako ng kape at sumubo na rin ng pagkain.

"Nga pala Haru, nasabi ko na sa mama mo at pumayag naman siya at ipapasama niya rin ang butler mo."

W-what? Siya ba? Siya ba ang laging nakaaligid sa paaralan? Pero hindi. Kilala ko na siya. Kilalang-kilala ko ang bawat galaw niya.  Maaring iba. Pero sino ?

"Hindi na kailangan. Anjan naman kayo."

"Baka hindi pumayag ang mama mo kung hindi natin siya isasama."

"Mas lalo akong mapapahamak kung andoon siya."

Wala na siyang naging imik pagkatapos ng sinabi ko. Natapos akong kumain at dinala ang kape sa sala. Naghintay ako ng ilang minuto bago pumanhik sa taas at nagtungo sa mini gym namin dito sa bahay. Stretching muna ang ginawa ko. At nang natapos ay sinimulan ko na ang dati ko pang ginagawa...una ang pagbato ng tennis ball sa dingding at sasaluhin ito. Dulo ng kabilang dingding ako nakatayo at paunti-unting lumalapit sa pinagbabatuhan ko ng bola. Dito nasasanay ang bilis ko sa pagsalo at pag-ilag. Minsan natatamaan ang katawan ko sa lakas ng pagsalo sa bola. Kadalasan nasasalo ko at sumasakit ang palapulsuhan ko.

After that, my next practice. Target. Using different kinds of pointed things like knife.....

Napahinto ako sa paghagis ng maliit na patalim ng may kumatok sa pintuan.. ibinaba ko ang dalang kutsilyo sa maliit na mesa at inabot ang maliit na tuwalya. Pinunasan ko ang mukha at braso ko gamit nito. Pumunta ako sa pinto at pinagbuksan siya.

"N-nagdala po ako ng m-meryenda. P-pinapatanong po ni manang Fely.... k-kung siya na po ba ang mag-e-empake ng ...ng  d-dadalhin niyo sa b-biyahe?" Nauutal na sabi ng isang katulong namin. Natakot siguro sa nasulyapan niyang mga patalim sa lamesa.

Itinuro ko naman ang lamesa kung saan niya dapat ilagay ang dala niya. Nanginginig siya habang dinadala ang bitbit niyang tray sa isa pang lamesa malayo sa mga ginamit ko sa practice at nilapag ito.

"Hindi na. Tapos ko na. Pakisabi yung mga dadalhing pagkain na lang."

"S-sige po." Wika niya at umalis na sa harapan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving SecretlyWhere stories live. Discover now