Chapter 2

0 1 0
                                    

Chapter 2: Chadwick Mercader

"Men are alike in their promises. It is only in their deeds that they differ."___David Cook
🍀🍀🍀🍀
.
.

Akala ko hindi na niya ako lalapitan at kakausapin. Nagkamali ako. Pasaway nga pala siya. Batang pasaway pero edad dise-otso.

Napahilamos na lang ako sa mukha nang nakita ko siya sobrang ngiti habang palapit sa akin. Mukha siyang clown sa pagkakangiti niya. Hindi ko siya pinansin as usual. Patuloy ako sa paglalakad papuntang next class.

Sumabay naman siya ng walang imik. Mabuti naman at tahimik lang siya. Pero ba't siya ngiting-ngiti jan sa tabi. Hindi ba siya nakainom ng gamot niya ? Baka naman nasobrahan na siya?

"Hoy, Seah. Bakit kasabay mo na naman yan?"

Wala ba siyang ibang intro kundi "hoy"? Si Seah na naman. Syempre sa ugaling chismosa naman tumigil siya. Ususera naman yung ibang kaklase namin. Ewan ko lang ha. Pansin ko, wala ding pinagkaiba ang mga studyante kahit saang school ka pa mapunta, meron at meron talagang ganyan. Chismiss o di kaya bullying ang ginagawa nila.

"Ano ba kayo? Siyempre friends kami noh. At tsaka mabait naman siya." Sabi niya habang pinapaikot niya yung dulo ng buhok niya. Ugaling bata talaga.

"Anong mabait jan? 'Di ka nga niya kinakausap eh." Natatawang utas ng kausap niya sabay ngisi sa banda ko.

Pakealam ko sa inyo. Ususerang palaka. Kapal- kapal din ng mga make-up. Kulang na lang pulang ilong para maging clown na talaga sila.

"Jan na nga kayo. Baka mamaya maabutan pa ako ni prof dito"

Nagmartsa siya papunta sa silyang katabi ng akin. Nakangisi na naman siya sa tabi ko. Seryoso, anong nalaklak niya ba't ganyan siya makangisi?

"Good morning class." Prof. Magdaleo said while putting the books in her table.

Nakasanayan na niyang ilibot ang mga mata niya bago mag-umpisa sa klase.

" Oh, we have new transferee nga pala kahapon. Si miss Eleanor Seah and Chadwick Mercader. Right?"

Hawak ang classcard ng dalawang nabanggit.

"Yes, Prof." Sabay-sabay silang sumagot sa kanya. Ako nakatingin lang sa kanya.

"I expect you treat them well. Be friends with them. Okay?"

"Oo naman po prof." Yung iba naghagikgikan at meron din nag high five sa katabi.

Nagpatuloy ang klase pagkatapos nun. Lumipas ang ilang minuto at ni-dissmissm na kami.

Nagligpit agad ako ng libro at sinukbit ang bag sa balikat at umambang aalis na.

" San ka magla-lunch Harumi?"

May balak ba siyang sumama ? Linagpasan ko na lang siya at sumunod naman siya sa akin.

" Gusto ko sanang kasama kang mag-lunch. Wala pa kasi akong kakilala dito. Maliban sayo. If you want lang ah. My treat."

She offered while smiling ear to ear. Nakalabas na kami ng building, kasabay ko pa rin siya. Hindi na ako nag-abalang sumagot sa kanya. She's persistent on following me around. Impossibleng wala pa siyang kakilala dito. Magaling naman siya makihalubilo. Kilala naman niya yung grupo ng mga sosyalerang chismosa. Bakit ako pa?

Nakarating kami sa canteen at pinagtitinginan na naman kami. Wala ba silang magawa kundi tumitig at pagtsismisan kami.

" May biktima na naman yang si Calderon. Baka wala pang kalahating taon, mag-isa na naman yan. Hahaha"

Loving SecretlyWhere stories live. Discover now