Chapter 3

0 1 0
                                    

Chapter 3: Ate

"It is senseless to pay tuition to educate a rebel who has no heart for truth.__Proverbs 17:16 TLB"
🍀🍀🍀🍀
.
.


"Hoy, ano yan."

Sabay-sabay silang lumingon sa banda ko. Galit sila nang sumulyap sa kinaroroonan ko mula sa kanilang likuran pero kalaunan kita ko ang gulat sa kanilang mga mata.

"Huwag kang makialam dito Calderon. Labas ka sa gulong ito." Sabi ng may katangkarang lalaki sa gitna. Si Bruno.

Humalukipkip akong nakatingin sa kanya.

"Huwag niyong hayaang magbilang pa ako, Bruno. Kilala mo ako."

Tinagilid ko ang ulo ko at tinignan ang nakaupong lalaki. Tsk. Hindi pa ba siya tatakbo habang kinakausap ko tong mga ungas na to?

"Sabing huwag kang makialam dito. Babae ka lang. At pumapatol ako sa babae."

Tinuro ako ng kasama ni Bruno. Hindi niya ba ako kilala o hindi ako napakilala ng asungot na Bruno na to. Tsk.

Pinatunog ko ang mga daliri ko at inunat ang mga braso ko. Lumakutok ang mga buto ko sa pag-stretch. Hayy... ang sarap sa pakiramdam.

"Ano bang atraso ng isang iyan sa inyo?" Sabay pasok ng kamay ko sa bulsa ng jacket ko.

"Wala ka na dun. At pwede ba umalis ka na. O baka gusto mong ikaw ang unahin namin?"

Nakangising pinasadahan ako ng tingin ng isa pang kasama niya. Payatot. Tss.

I smirked. Matagal tagal na rin akong walang practice. Basic lang tong tatlong to.

Nainis lalo sila nang nakitang ngumisi ako sa kanila. Sumugod bigla ang isang payatot sa akin.

Umilag ako sa suntok niya at sinipa siya sa tagiliran. Napasubsob siya sa lupa. Nagulat ang dalawa kaya't sunod silang umambang sumuntok sa akin. Sinipa ko ang braso niya patagilid at sinuntok naman si Bruno sa tiyan. Ni-sidekick ko naman ang isang nakabangon na payatot nang subukan niyang suntukin ako sa mukha.

Yumuko ako ng sinubukang suntukin ako ni Bruno. Sunod-sunod ang suntok niya sa akin na agad ko namang inilagan. Nang natiyempuhan, agad kong sinipa ang kanyang likuran nang umikot siya.

Ilang beses din kaming nakipagbuno sa isa't isa. Natamaan ang panga ko nang hindi ko napaghandaan ang sipa ni Bruno sa akin.

You learn a bit Bruno. I smirk. Nang-iinis akong tumingin sa kanya. Umamba na naman siyang suntukin ako pero sinipa ko ang gitna ng mga hita niya. I kicked the "where-it-hurts-the-most" to boys. Sorry not sorry to future Bruno. Huh! Mabaog ka sana, gago!

"Arggg! Puta!  Walang hiya ka talaga Calderon."

Habang hawak-hawak niya ang sinipa ko kanina. Namimilipit sa sakit. Yan ang bagay sayo, Bruno. Pati bata kinakanti niyo.

"Sinabihan na kita, Bruno. Hindi ka talaga nagtatanda. Baka gusto mong mangialam din ako sa hawak mong grupo."

Nakita ko ang takot ng sinabi ko sa kanya yun. Nagtaka naman ang kasama niya. Bagong recruit siguro.

"H-hindi. Wag na. P-pasensya na Calderon. Hindi na mauulit. Hindi na talaga."

"Huwag kang matakot sa kanya Bruno. At anong pinagsasabi niyang grupo? Anong alam niya!"

"Gago, Huwag ka na lang mangialam. Tara na!"

Susugod pa sana ang mga kasama ni Bruno kung hindi niya nahatak ang dalawa.

At kumaripas na sila ng takbo ng humakbang ako sa harap nila. Hawak-hawak pa rin ng gago ang gitna niya at paika-ikang tumakbo.

"S-salamat p-po."

Loving SecretlyWhere stories live. Discover now