11

193 33 43
                                    

"Ma'am Celine, sinong partner mo sa kayaking?" Tanong sa'kin ni Dana.


I shrugged. Wala pa akong napipili. For sure, partners na sina Erina ar Travis.


"Ikaw, may partner ka na ba? I can join you if you want." I told her.


"No, ma'am. Hindi po ako sasama. Dito lang po ako." She smiled at bumalik na sa hall.


Andito na kami ngayon sa beach. Matapos ang seminar, free day na raw ngayon since bukas uwian na.



"Umi, partners tayo?" Nagulat ako sa 'pagdating ni Harry galing sa likod ko.


"Sure." We went to the shore to get our kayaks. 2 persons per kayak lang daw kasi kaya dapat by pair.


Habang kinukuha at inaayos namin yung kayak, medyo awkward ako. Hindi ko kasi sure kung narinig niya yung sinabi ko kagabi. I don't know kung nakatulog na siya agad non, or he chosed not to mention it kasi hindi naman big deal sakaniya. 



Pinagsuot kami ng lifevest at nagdemo na rin kung paano ang tamang pagsagwan. 



"Hindi ba masama yung panahon?" I asked Harry while fixing my lifevest. Parang uulan kasi. Tinignan niya ang phone niya, to check the weather perhaps.



"Medium chance of rain. We can manage. Hindi naman tayo lalayo, eh." Tinulungan niya akong sumakay at nagsimula ng magsagwan. 



Nakikita ko rin na medyo malayo na 'yung iba sa beach. Nasa bandang gitna na yung iba. 



"Huwag tayong lalayo ha?" Paalala ko kay Harry habang nagsasagwan kami. 



"Bakit takot ka ba?" He chuckled. "Ba't ka matatakot, eh andito ako." 



"Duh. That's the point. Baka mamaya ihulog mo ako!" I rolled my eyes on him. He just laughed. 




Mabilis lang kami sa kayaking dahil magi-island hopping pa raw. Medyo duda ako sa activity ngayon. Parang hindi maganda yung feeling ko dito. Mahangin kasi at maalon. Hindi naman sila papapigil kaya go lang.



Ganon pa rin ang set-up sa island hopping, by pair pero apat sa isang bangka. Sina Erina at Travis ang kasama namin sa bangka at isang bangkero. Magaganda raw ang island dito kaya sulit kung mapupuntahan namin lahat.



"Girl, picturan kita diyan. Pang-IG mo." Kinuha ni Erina ang phone niya at nagtake ng mga shots. 




"Buti pa si Celine, pinipicturan," nakanguso si Travis at parang nagtatampo pa. 

Seducing My Ex-Boyfriend (On-Hold)Where stories live. Discover now