20

184 13 36
                                    

"Te, okay ka pa diyan? Tapos na ang palabas."

Cara snapped her fingers in front of me. Napabalik na ako sa reality at wala na si Harry sa harapan ko. Hawak ko pa rin ang labi ko ngayon at mabagal na naglalakad pabalik sa couch namin. Nag iinuman na ulit 'yung iba at naglalaro. Nabadtrip pa nga yung mga nagbibilliards nang pinatay daw ang ilaw. Malakas pa rin ang tugtog kaya nagsisigawan ang mga tao kapag nagsasalita.

"Sarap?" Pang aasar sa'kin ni Ander. "Baka naman bumigay ka ulit. Marupok ka pa naman." Inismiran ako nito.

"Whatever." Pagdedeny ko. "But thanks, I liked it." Hindi ko na napigilan ang kilig at ngiti ko kaya nabatukan ako nang mahina ng pinsan ko.

"Confirmed. Marupok ka nga! Ewan ko sayo ha. Mag aya ka na lang ng inom kapag broken ka ulit. Pero libre mo ha!" Tumayo na ito at bumalik sa kinaroroonan ni Tori. Nag birthday chug si Tori ng Cuervo sa pangunguna ng pasaway niyang ate.

Lumabas muna ako ng VIP area para magwash room. Kailangan kong mahimasmasan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

You look hot.

Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko. Obviously, it wasn't my first time kissing pero para akong naka-jackpot sa nangyari. Buti na lang at si Harry talaga ang natarget ko.

When I went out the wash room nakita ko siyang umiinom mag isa sa bar counter. Wala ba siyang ibang friends? I remembered nung college, kaming tatlo lang ni Erina ang palaging mag kasama. May mga friends naman siyang iba pero I wonder where they are.

I just stared at him from afar. Sumandal ako sa railings near the washroom at pinagmasdan ko lang siyang uminom. It looks like may pinagdadaanan siya. Palagi naman siyang may problema. I wish I could help him ease the pain.

I saw him place the back of his hand near her eyes. Umiiyak ba siya? Inabutan siya ng bartender ng isang bote ng Black Label. Kinuha niya ito at naglakad palayo ng bar counter.

Dumaan siya sa gitna ng mga nagsasayawan sa dance floor habang tinutungga ang alak na hawak niya. Lumapit ito sa isang lalaki at nag usap sila. I can't hear them kasi medyo malayo na siya. I absent-mindedly walked near him, still observing him.

He continued drinking the alcohol through the bottle. Hindi na siya gumagamit ng shot glass. I can feel na may malaking problema siya. Sobrang workaholic niya, eh. Tapos nagkaroon siya bigla ng panahon para uminom?

He's hurting, I guess.

It's been half an hour pero pinagmamasdan ko pa rin siya. Mag isa na lang siyang nakaupo sa couch kung saan nandoon ang lalaking nakausap niya. He looks familiar pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita dati. Malapit na niyang maubos ang bote ng alak.

I decided to walk towards him. Tumingala siya nang nasa harapan niya na ako. His eyes are red. It's confirmed. He cried.

Nilapag niya ang bote ng alak sa mesa at tumayo. He tried to balance himself dahil nahihilo na yata siya at ayaw niya ring matumba. I held his arms to help him get up. He's fucking wasted.

He looked me in the eye and was about to say something when I felt something warm on my body.

"Oh my god, Harrison!" I screamed when he puked at me. His puke is all over my dress. I shout in frustration. Nabitawan ko ang braso niya kaya napaupo siya sa couch.

"Damn! You're a mess!" I shouted at him at agad kumuha ng tissue. Pinunasan ko ang sarili ko. "Don't you fucking dare move, Harrison! I'll be back." I pointed my fingers on him. He absent-mindedly nodded his head. Nakapikit na ang mga mata niya at nakasalampak na ang katawan niya sa couch.

Seducing My Ex-Boyfriend (On-Hold)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum