I DON'T KNOW YOU (02)

101 8 6
                                    

***

"Hoy Alex! Ang tanda mo na pero wala ka pang jowa," pang-aasar ni Lily na naging dahilan ng pagkakunot ng noo ko

"Grabe ka sa'kin lily, hayaan mo pag ako nakahanap mas pogi pa 'yun sa jowa mo hmmp" sabi ko nalang at tinapos ko na ang tinatype ko sa computer

"Nakoo kelan pa? Next year? Hahaha" pang-aasar niya ulit pero hindi ko nalang siya pinansin dahil kailangan kong matapos 'to dahil nagbabadya na namang umulan

"Una nako Alex ah? Andiyan na si Jeo sa baba sinusundo naako byee!" Pagpapaalam sa'kin ni lily iniinggit na naman niya ako sa jowa niya na never ko pang nakita

Tinanaw ko ang bintana na katabi ko lang, grabi ang lakas ng ulan wala pa naman akong payong ngayon, kelangan ko ng makauwi sa condo ko

Kinuha ko na agad ang bag ko at binitbit ang mga folders tsaka laptop ko, sa bahay ko nalang 'to aayusin, agad na akong pumunta sa elevator at pagkababa ko naabutan ko ang mga ka office works ko na na e stranded dito sa 1st floor, ang lakas talaga ng ulan grabe

Tinignan ko ang relo ko at 8:30 pm na kailangan ko ng makauwi pero hindi pa tumitila ang ulan

Hindi naako nagdalawang isip pa na lusungin ito at pumunta sa may waiting area, kailangan ko na talagang bumili ng kotse dahil taghirap ngayon ng sasakyan gaya nito na parang babagyo na

9:20 na pero andito parin ako sa waiting area wala pang dumadaan na taxi eh

"Miss?"

Nagulat ako dahil may biglang tumawag sa'kin, agad ko itong nilingon at nakatingin ito saakin kaya medyo kinakabahan ako kasi 'di ko naman siya kilala

"Miss? Wag ka matakot tutulong lang naman ako sayo, tara at ihahatid kita" sabi pa nito at agad lumapit saakin

Lumayo ako ng konti dahil sa kaba, natatakot ako na baka kidnappin ako ng lalaking 'to, pinagmasdan ko ng maigi ang kaniyang mga mata mukhang hindi naman siya nagbabalak ng masama. Tinitigan ko lamang siya mula ulo hanggang paa at nakumpirma kong galing siya sa mayaman na pamilya

"Hoy miss? Okay ka lang?" Sabi ng lalaki at kinawayan pa siya ng kamay nito dahilan para matauhan siya, kanina pa pala siya nakatulala

"Ah-ahh oo okay lang ako" tanging sabi niya at agad siyang napatayo

"Tara na at ihahatid na kita, huwag kang mag-alala wala naman akong balak gawan ka ng masama" dagdag pa nito at agad nalang sumunod si Alexa

"Naka condo ka lang ba?" Tanong ng lalaki sa kaniya

"Ahmm, oo kasi malayo 'yung bahay namin nasa visayas pa " sagot ni Alexa

"I'm Leo nga pala" sabi nito sabay lahad sa kaniyang kamay

"Alexa" sagot ni Alexa nilahad din niya ang kamay niya at nakipag shakehands sa lalaki, ngumiti nalang Ito sa kaniya

"Sige dito nalang, salamat sa paghatid Leo" sambit ni Alexa at agad naman niyang binuksan ang pinto

"Wait teka ako na" tugon ni Leo at bumaba na Ito agad upang pagbuksan siya

Wala namang nagawa si Alexa kundi ang mag stay sa kina uupuan niya

"Thankyou, leo". sambit niya dito at ngumiti naman si Leo

"No worries, hmm would you mind if I will invite you sa birthday ko? This coming Saturday at my place." Pag-aaya nito sa kaniya

"Uhmm, sure wala namang work sa sat eh. Saan ba lugar mo?" sagot ni Alexa

"Really? I'll text you nalang if things are settled na okay? Can I get your number?" Sambit ni Leo at agad namang kinuha ni Alexa 'yung bag niya

ONE SHOT COMPILATIONS ( DIFFERENT KINDS OF LOVE STORY)Where stories live. Discover now