HANGAD KO ANG KASIYAHAN MO (04)

31 7 2
                                    

***

"Babe? Ayaw mo na ba talaga ?" Pagpupumilit ko sayo habang nag iimpake ka

"Babe? Akala ko ba mahal mo pa ako?" Dagdag ko pa habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko

"Babe please don't leave me." Sabi ko at hindi ko na napigilang lumuhod sa harapan mo, habang ikaw nakatingin lang saakin na parang wala kanang pakialam

"I don't love you anymore! Ikakasal naako kay Erick, please Kyle let me go!" Diritso mong sabi, wala man lang halong reaksiyon mula sa mukha mo

Bumuhos lahat ng mga luha ko mula sa mga narinig ko, alam ko naman na 'to dati pa eh pero bakit ang sakit parin sa'kin? Alam kong dadating ang araw na'to pero bakit ang hirap parin tanggapin

"Mahal please maawa ka sa'kin" pagsusumamo ko pa, ayoko siyang mawala

Lalabas kana sana sa pinto ngunit hinawakan ko agad ang mga kamay mo, at agad kitang niyakap ng napakahigpit

Hindi ko nakikita ang mga mukha mo pero ramdam kong nasasaktan ka din, naramdaman kong tumulo ang mga luha mo at palihim kang humikbi

Agad kong binitawan ka at hinawakan ang mukha mo, kasabay nun ang pagtitig ko sayo

"Hindi mo na ba ako mahal? Papano na 'yung mga pangarap natin?" Sabi ko sayo pero tumitig kalang at nakita kong pumatak ang luha mo, ramdam ko din na nasasaktan ka sa sitwasyon natin

"Kyle please I need to go, I don't love you anymore. Wala ng pagmamahal na natira sa puso ko sayo, ayoko ng makulong sa taong hindi ko naman na mahal." Sabi mo sabay iwas ng tingin saakin

Napakasakit ng mga salitang binitawan mo, para akong salamin na binabasag ng ilang beses at nadurog, nadurog ang puso ko

"Sasayangin mo lang ba ang tatlong taon?" Tanong ko sayo pero hindi ka lumingon

Hindi naako nag dalawang isip pa kaya agad kitang hinila at hinalikan sa labi, mga labing hindi ko na muling mahahalikan pa, ilang segundo lang kumalas kana at pinunasan mo ang labi mo

Tumingin ka sa'kin ng matalim at agad mong kinuha ang mga bagahe mo

"From now on, let's forget about everything. Kalimutan mo naako Kyle at kakalimutan na din kita, alis naako naghihintay na si Erick sa labas." Sabi mo sabay labas ng pinto, kumunot agad Ang noo ko ng makita ang lalaking umagaw sayo sa'kin

Hahabulin pa sana kita kaso para akong na istatwa sa kinatatayuan ko, ayokong makita kang umalis ayokong iiwan mo ako pero wala akong nagawa, wala akong nagawa kundi hayaan kang ikakasal sa lalaking 'yun. Bumagsak ako sa sahig kasabay ng pagbagsak ng napakaraming luha ko, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil wala na ang babaeng matagal kong iningatan, wala na ang babaeng pinakamamahal ko

Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong 'to, lahat ng parte ng kwartong ito ay nagkaroon tayo ng mga masasayang ala-ala.

Pinikit ko ang mga mata ko at sa sandaling 'to inalala ko ang mga masasayang ala-ala nating dalawa, ang sakit lang kasi 'yung memories natin andito pa pero ikaw wala na-wala na tayong dalawa.

Hindi ko maiwasang maglasing dahil sa nangyari, uminom ako ng napakaraming alak at 'yun ang naging dahilan upang makatulog ako sa sahig

-----

After 1 week

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata, natagpuan ko ang sarili kong nakahalumpasay sa sahig katabi ang mga botelya ng alak na ininom ko kagabi, ilang araw na ang lumipas ngunit naaapektuhan parin ako sa nangyari

"Aggh" sabi ko ng maramdamang sumakit ang ulo ko

Agad akong tumayo papuntang kusina ngunit bago ako makarating sa kusina may nasapo akong isang bagay at nahulog 'yun sa sahig

ONE SHOT COMPILATIONS ( DIFFERENT KINDS OF LOVE STORY)Where stories live. Discover now