MAMA, I LOVE YOU! (10)

18 3 0
                                    


[Take time to read this, for you to be aware! Happy mother's day to all mother's in the world!]

***

"Anak kumain ka muna" tugon ng mama ko pero imbes na makinig ako hindi ko siya nilingon

"Anak, ininom mo naba 'yong tinimpla ko?" Dagdag pa nito

Agad agad kong kinuha ang mga gamit ko dahil ma l-late na'ko sa work ko

"Anak 'di kapa kumain, aalis kana agad?" Sabi niya ulit at agad akong lumabas sa pinto

"Anak, ingat ka " sigaw ni mama pero nakasakay naako sa kotse ko

Sirang-sira na araw ko dahil sa isang client na hindi tumuloy dito, dagdag pa 'tong mga paper works na ako ang inaasahan ng boss ko

"Tang*n*" inis na sabi ko habang hinahanap ang ballpen kong nawawala

"M-maam are you okay? " tanong ni Jenny Isa sa mga katrabaho ko

"Do I look like I'm okay?" I replied to her at patuloy padin ako sa paghahanap

"Chill kalang wag papa-stress" dagdag pa nito kaya mas lalo akong nainis

Agad ko siyang tinitigan

"Umalis kana okay? I don't need you here!" Sigaw ko sa kaniya at nakita ko na ang ballpen ko

Lahat sila nakatingin saamin ni Jenny, gulat na gulat sa inasta ko

The hell I care?

"WHAT?!!!" sigaw ko sa kanila at bumalik agad sila sa mga trabaho nila

After an hour of working, nakaramdam ako ng hilo. Wala pa akong kain pero kailangan kong matapos ito

*KIRO HIROSHI SENT AN EMAIL TO YOU*
: BELLA, I NEED THE CHECKLIST RIGHTNOW PLS SEND IT, ASAP!

Bigla akong nanlumo sa nabasa kong email ni sir, pinapadali na niya ako. Madami namang workers dito pero saakin lang inaasa lahat

Mabuti nalang at malaki-laki sweldo ko kung hindi matagal na akong nag resign dito

*Tok-tok*

Rinig kong katok sa glass door ng office ko

"Ma'am Bella, may naghahanap po sainyo, mama niyo raw po"

Nabigla ako sa narinig ko

What the hell is she doing here? Nagsasayang lang siya ng pamasahe

"A-anak dinalhan kita ng lunch, kasi 'di ka pa kumain kanina" ani ni mama

Ngunit sa halip na sumaya, mas lalo akong nabwiset, Alam naman niyang matanda na siya at masama ang panahon ngayon, pumupunta punta pa dito

Agad akong tumayo at hinarap si mama

"Ma, alam mo namang delikado diba? Nagpunta kapa talaga dito eh pwede naman akong mag order! Sigaw ko sa kaniya

Nagulat lahat ng mga ka office works ko, nabigla din si mama

"S-sorry anak, iniisip lang naman kita."

Nakita kong tumulo ang mga luha ni mama

"Sige anak, alis naako, kainin mo na yan. Sorry at na disturbo pa kita, bye" pagpapaalam ni mama at lumabas na ito

Wala akong nagawa, nabigla din ako sa sinabi ko

Para akong natameme dito, anong ginawa mo Bella? Hindi na ikaw to

Sandali akong natigilan, napaisip ako

Mama, babawi ako sayo, I'm sorry

Kinalma ko ang sarili ko at agad na bumalik sa tinatrabaho

ONE SHOT COMPILATIONS ( DIFFERENT KINDS OF LOVE STORY)Where stories live. Discover now