MALAY MO TAYO SA DULO (15)

14 2 0
                                    

[Author's note : Pakinggan niyo ang 'Malay mo tayo sa dulo' by: Tj Monterde, habang binabasa mo ito. /*Smiles;  ]

Dedicated to : CheskaMelitar

***


Anong gagawin mo pag pinagkasundo kang ipakasal sa lalaking hindi mo naman gusto? Masasaktan ka ba? o papayag ka nalang ikasal sa taong hindi mo naman mahal?

'yan ang aking iku-kwento sa iyo, ang malungkot na karanasan ko.

--
Taon 1890

"Luna! bilisan mo na ang iyong kilos, ma hu-huli na tayo sa kasal mo!" sigaw ng matandang kasambahay namin, naiinis naako sa kakabulyaw nito saakin. Ayaw ko pa naman na binubulyawan ako.

Inirapan ko nalang siya bago padabog na tumayo at nagbihis ng aking magarbong damit pangkasal. Pero alam niyo ba kung bakit nagdadabog ako? Kasi ikakasal lang naman ako sa lalaking hindi ko naman gusto. Pero wala akong nagawa dahil ito na ang nakasanayan ng buong kamag-anak namin simula pa sa kanuno-nunuan namin.

"Andito na po ako." Usal ko habang hawak-hawak ang laylayan ng aking damit upang maayos na makababa, pagdating ko sa unang palapag ng aming bahay, bumungad sa 'kin si ina at ama na nakabihis pam-pormal na. Halatang pinaghandaan talaga ang kasalan na ito, samantalang ako na ikakasal hindi man lang magawang makangiti.

"Kay gandang binibini." sambit ni ama ng nasulyapan niya ako, tanaw ko din ang ngiti ni ina na abot tenga.
"Tunay na mamahalin ka ng iyong mapapangasawa anak, dahil sa kislap ng iyong mapupungay na mga mata tiyak akong mahuhulog siya lalo sa iyo." Pagbibiro sa'kin ni ina, hinawakan niya pa ang mukha ko habang naluluha siya. Hindi ko naman magawang mag-inarte sa harap nila dahil alam kong ikakasama 'yun ng kanilang loob na kahit masakit saakin at mahirap tatanggapin ko nalang dahil wala naman akong magagawa.

Maluha-luha akong nakaupo dito sa kalesa habang nakadungaw sa bintana, tanaw-tanaw ko ang magagandang ulap ng langit pero ilang sandali lang ay kumulog ito at dahan-dahang bumagsak ang ulan. Kasabay ng pagbuhos ng mga ulan ay ang pagbuhos din ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo.
"Mahal, bakit hindi ka dumating? Sabi mo ay itatakas mo ako upang hindi matuloy ang kasal ko ngayon?" Mahinang sambit ko habang nakatingin sa hawak kong litrato ng aking minamahal. Si Lukas, ang aking tunay na mamahalin habang buhay. Nag-usap kami noong isang araw na bago gaganapin ang aking kasal ay pupunta siya sa bahay upang itakas ako, ngunit hindi siya dumating...
"Mahal? Pasensiya na kung wala akong nagawa... Hindi ako makatakas, hindi na kita makikita pang muli. Kung alam ko lang na 'yun na pala ang ating huling pagkikita ay sana sumama nalang ako sayo, magkasama na sana tayo ngayon." sambit ko habang humihikbi, niyakap ko naman ang kaniyang litrato.

"Anak, ito na ang araw na pinaka-hinihintay namin ng iyong ama at ng buong angkan, sana'y mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal niya saiyo." bulong saakin ni ina habang nakatayo dito sa labas ng simbahan. Tumila na rin ang ulan, sirado ang pinto dahil nasa loob na sila nag hihintay na makapasok ako. Ngumiti naman si ama at hinalikan ang noo ko.
"Anak, pagbubutihin mo iyong sarili. Mahal na mahal ka namin." bulong pa ni ama, kasabay ng pagbukas ng pintuan ng simbahan.

Bumungad naman saakin ang napakadaming tao na nakatitig lang saakin habang papalapit sa altar. Nakita ko na ang lalaking papakasalan ko sa may altar, makisig siyang nakatayo doon ngunit hindi ko masulyapan ang kaniyang mukha dahil nakatalikod siya. Malungkot akong naglakad habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha, inalalayan naman ako ni ama't ina papunta sa harap ng altar. Sa paglingon ko nakita ko ang mga ngiti ng mga tao ngunit sa kabila nun ay ang mga kalungkutan at hinagpis ng puso ko, dahil mayroon akong nasaktan at naiwan na taong pinakamamahal ko.

ONE SHOT COMPILATIONS ( DIFFERENT KINDS OF LOVE STORY)Where stories live. Discover now