THE PERSON I MET ONLINE (16)

16 2 0
                                    

***

Kasalukuyan akong nanunuod ng tv ngayon dahil hinihintay ko na mag online ang boyfriend ko. Yes, tama ang narinig niyo. May boyfriend ako, he is Ceylon na nakilala ko lang sa online and it's fine, totally fine. I met him last year through the help of my friend, Deesten na nagtatrabaho din sa Manila, magkaibigan din sila dahil kasama sila sa work.

"Ceylon mahal? Kumain kana ba?" Message ko sa kaniya, nakita ko kasing online siya. Mga ilang minutes din nakita kong nag 'typing' na siya

"Yes mahal kong Xyn, ikaw ba? Kain na. Huwag papalipas ng gutom ha? Ayaw kong magkasakit kana naman." Reply niya, pagkabasa ko yung mukha ko namumula na at nakangiti para bang gusto ko ng tumalon sa kilig

"Opo mahal, yieee ang sweet mo naman kasi." Reply ko sa kaniya. Nakangiti parin ako at parang sasabog naako sa tuwa

"Good mahal, I love you." Reply niya ulit. Mabilis pa sa alas kwatro akong nagpalundag-lundag sa kama, ewan ko ba na sa tuwing babanat siya sa'kin kilig na kilig ako. Talagang malakas yung tama ko sa kaniya , tagos to the bones talaga eh

"I love you too Mahal." Nakangiti ako habang tina-type ko 'yan at sinend ko sa kaniya.
"Ahm mahal, kailan ba tayo magkikita? Almost 1 year na tayong puro chat's and video call's lang" tanong ko sa kaniya, ilang minuto din bago siya magreply

"Mahal, wait lang ah. Tinawag ako ni mommy." Reply niya. Malungkot naman akong humiga sa kama ko, ganito nalang siya lage eh. Kapag magtatanong ako kung kailan kami magkikita bigla-bigla nalang siyang e-exit at mag ri-reason out ng kung ano-ano. Like ang sakit lang kasi antagal na ng relasyon namin pero hindi man lang siya gumawa ng paraan para magkita kami. Nandito kasi ako sa Cebu, siya naman sa Manila.
Yes, malayo kami pero hindi naman yun ang hadlang upang hindi kami magkita diba? Kung mahal niya talaga ako gagawa siya ng paraan upang magkita kami.

Days, months and years had passed. Finally we reached the 2nd year of our relationship. Everything went fine. Walang halong drama dahil masaya naman kami kahit sa online lang kami nagkakilala at nag-uusap. But you know the feeling na magtataka ka at mapapaisp kung loyal ba siya sa'yo? Kung ikaw lang ba talaga ang mahal niya or may iba na siyang kalandiang iba hindi ba? We all know na hindi natin 'yan maiiwasan lalo na pag sobrang mahal na mahal mo yung tao.

We celebrated our 2nd year anniversary but as usual through online, nothing change at all haha.
I was shocked literally kasi sinurprise niya ako, the fact nga na malayo siya is nag effort pa talaga siya diba? Ang sweet, ma-iinlove ka lalo.
Ewan ko ba ganiyan talaga ako kahit simpleng effort lang masaya na ako. I was so lucky to have him, to the point na ayaw ko na siyang pakawalan pa dahil baka hindi na ako makahanap pa ng kagaya niya

"Love nagustuhan mo ba ang surprise ko?" bungad niya na tanong sa'kin pagkabukas ko sa laptop, nagsend kasi siya ng video containing of our sweet pictures na inedit lang niya. Pero masaya ako, swear!
"Oo naman love, ang galing mo naman mag edit huhuhu" sabi ko nalang, tumulo kasi ng kusa ang mga luha ko.

"Don't worry love, next time magiging totoo na 'yan at hindi na puro edited hehehe" sabi niya sabay tawa, tanaw ko naman ang mga mapuputi niyang ngipin na mas lalong nakadagdag sa kapogian niya, isabay mo pa ang malalim niyang dimples kaya mas lalo akong nahulog sa kaniya.

"Love, you're so beautiful." dagdag pa niya, pinunasan ko naman ang mga luha ko habang natatawa, kahit kailan talaga mapagbiro siya. Halata namang ang haggard ko na dahil sa pagod sa work ko eh.

"Tse! Huwag mo nga akong pinagloloko. Haggardo Versoza nanga ang peg ko ngayon eh." Sabi ko nalang habang nakangiti sa kaniya, kumunot naman ang noo niya
"Hey! Stop that! You're beautiful okay? I love you." Dagdag niya pa na mas lalong nakapag pakilig saakin, he never failed to make me smile.

ONE SHOT COMPILATIONS ( DIFFERENT KINDS OF LOVE STORY)Where stories live. Discover now