GROUP STUDY (06)

24 3 0
                                    


***

Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon dahil may usapan kaming mag g-group study doon sa bahay nila Marco, kaklase ko na matalino at saktong magkagrupo kami

"Ella! Bilisan mo na diyaaan! anong oras na oh?" Iritadong sambit ni Karen ang isa sa mga ka grupo ko din

"Oo na andito na nge eh" sagot ko pabalik at inayos ko agad ang mukha ko, naglagay lang ako ng pulbo at liptint para magmukha namang presentable sa harapan nila nakakahiya kung ang panget ko na nga ang dungis pa ng mukha ko

Ilang minuto kaming nag byahe papunta sa bahay nila Marco, napaka ano 'yung lalaking 'yun no ang layo layo ng bahay jusko

Huminto na ang taxi na aming sinakyan dito sa gate nila, at sa kasamaang palad sakto namang bumuhos ang ulan kaya nabasa kami, shiiit! Nakaputi pa naman ako klaro tuloy 'yung bra ko tangi!

"Oh andiyan na pala kayo mga ate!" biglang sabi ng babae rito sa may gate at binuksan kami agad, binigyan niya din kami ng payong. Useless lang naman 'yun kasi basa na kami haha

"Kuya andito na po ang hinihintay niyo" tugon ng babae na nagbukas saamin sa gate, kapatid pala niya 'to ang ganda at ang amo ng mukha, hindi kagaya ni Marco na parang tukmol. Pagkapasok ko biglang tumitig sa'kin si Marco at hindi ko alam kung bakit, tinitigan ko naman siya pabalik pero agad din siyang umiwas ng tingin

"Hoyy Ella! takpan mo dibdib mo klaro bra mo oy!" Pagsiko sa'kin Karen kaya agad naman akong napatingin sa may bandang dibdib ko, shitt! Oo nga! Naka puti pa naman ako at nakabakat 'yung color red kong bra, taena naman kasi ng ulan eh! Nakakahiyaaaa! Kaya pala tumitig siya kanina.

"Ate, ito po damit ko hiramin niyo po muna dahil baka magkasakit kayo niyan" tugon ng kapatid ni Marco sabay abot saamin ng damit na kulay white na may design na yellow.

Agad naman akong pumunta sa banyo upang magpalit ng damit, sumunod naman si Karen at ngayon ay nandito naako sa labas ng banyo inaantay na lumabas 'tong si Karen. Nagulat ako paglingon ko dahil merong isang whole-body size ng mirror dito at nakita ko ang katawan ko, shitt! Ang iksi ng damit na 'to! Naka cycling lang kasi ako kasi nabasa rin 'yung palda ko. Maya-maya lang lumabas na si Karen at sabay na kaming pumasok sa kwarto ni Marco, nasa labas kasi ang mga magulang nito at baka madisturbo pa namin sila sa panunuod nila ng tv.

"Tara na upo kayo dito" tugon ni Marco, may mini table dito sa kwarto niya at sofa kaya medyo okay lang na dito kami. "Uhum uhum" pambabara ko sa katahimikan dahil walanf umimik saamin.

"Akin na laptop mo Marc" sambit ko at kinuha naman ni Karen 'yung book niya. Inabot ko naman ang laptop ni Marco na nilahad na pala niya. " Okay so let's start." tugon ko habang nakangiti, seryoso naman sila nagbasa sa book nila habang inaayos ko ang mga paragraphs dito sa research topic namin, baka kasi mali-mali 'yung mga grammar at pagtawanan pa kami.

"So... Ang kailangan pala natin is ganito...." At itinuro ko na sa kanila ang dapat naming gagawin sa aming research, nagbigayan rin kami ng mga idea at dahil dun natapos namin 'to agad

*Toktok*

Agad kaming napalingon sa pinto dahil kumatok at pumasok ang kapatid ni Marco na nagbukas saamin ng gate at ang nagpahiram ng damit. "Kuya kakain na raw po tayo, mga ate tara na po."
tugon nito kaya agad naman kaming napatayo at sumunod na si Karen, ako naman ay pilit na ibinababa ang dress na suot ko dahil sa iksi nito, Hindi ko namalayang tinignan na pala ako ni Marco at parang na wiweirduhan siya sa ginawa ko. "Ano? Tss!" Iritang sabi ko sabay irap, nakita ko naman siyang ngumisi kaya agad naakong lumabas ng kwarto dahil baka kung ano pa ang gawin niya sa'kin, juskoooo ayoko pa magka baby ng maaga!

"So kamusta naman ang pag-aaral niyo?" Biglang tanong ng papa ni Marco

"Okay lang po tito." Tipid na sagot ko dahil sa kaba, ewan ko pa parang natatakot ako sa pamilya niya haha

"May girlfriend na ba ang anak ko?" dagdag pa ng papa ni Marco at lahat kami natahimik, walang umimik maski si Marco hindi makatangin ng diretso sa papa niya, Malay ko ba kung may jowa na 'yan 'di ko naman siya masyadong close

"Ah, w-wala pa." Utal na sagot ni Marco saka kumain ulit, ngumisi naman ang papa niya at tumitig sa akin, teka anong meron?

"Talaga ba anak? So wala ka pang nagugustuhan?" Tanong ulit ng papa ni Marco at tumingin na naman ito sa'kin ulit, sinipa ko nalang sa paa si Karen dahil ayaw din nito umimik

"Wala nga po papa." angal pa ni Marco at mukhang nakumbinse naman na ang papa niya

Natapos na kaming kumain, pero agad kaming pumunta dito sa kwarto ni Marco may problema kasi sa research na hindi parin namin naayos, kailangan 'tong agapan para maipasa na namin

"Ano ba ang problema... Aayusin na natin ng makapasa na tayo" hirit pa ni Karen dahil kanina pa siya pinapauwi ng mga magulang niya, ako naman nagtxt na si papa pero inexplain ko ng mabuti kaya naging okay naman na sila na gagabihin kami o baka dito na kami mag sleep over

"Sige ito, tapos ganito...." Nagbigayan na naman kami ng aming sari-saring idea upang matapos na

"Ate, kuya meryende muna kayo." Sabi ng kapatid ni Marco na kakapasok lang dito sa kwarto at naghatid ng snacks, ang gara naman nila alagang-alaga sa bisita

"Sige salamat... Oh kain muna tayo" tugon ko sa kanila bago kumuha ng sandwich, gutom na kasi agad ako eh nakakapagod pala kapag ginagamit mo utak mo hahaha

"Teka lang magbabanyo muna ako ah" pagpapaalam ni Karen at tuluyan na siyang lumabas sa kwarto tanging kaming dalawa nalang ni Marco ang naiwan dito sa loob.

Kukuha na sana ako sa juice ko ngunit sakto namang kukuha rin si Marco kaya pareho naming nasamid ang baso at na buhos ito sa lapag, dali dali naman akong tumayo upang hindi mabasa ngunit sa kasamaang palad natapakan ko ang libro na nagkalat sa lapag at naging dahilan upang madulas ako.....

"Ahh...." sigaw ko ng mahiga ako sa sahig at napahawak sa ulo ko, pero pagmulat ko ng mga mata ko nakita kong nadukas din si Marco at nahulog siya papunta sa'kin. Ang pwesto namin ngayon ay nakahiga ako samantalang nakapatong siya sa'kin

"Ah--s-sorry " bulong niya sa'kin ngunit wala akong masabi, nakatitig lang ako sa mga mata niya at parang bumagal 'yung oras...

"MARCO! SUSMARYUSEP! ANONG GINAGAWA NIYONG DALAWA?? " Agad kaming naghiwalay ng marinig ang sigaw ng papa ni Marco, naabutan kaming nakahiga ako at nakapatong pa si Marco sa'kin, nakakahiya!

"Sorry pa-----" naputol 'yung sasabihin niya dahil muling nagsalita ang papa niya

"HALI KAYO DITO SA LABAS! PAG-UUSAPAN NATIN ANG INYONG GINAWA!" sigaw ng papa ni Marco, agad naman akong tumingin kay Marco.

"Lagot ka talaga sa'kin!" inis na sabi ko sa kaniya pero ngumisi lang siya, nakita ko naman si Karen na papalapit saamin at nagtaka kung bakit sumigaw ang papa ni Marco

"Hoy! Anong ginawa niyo ba?" pang-uusisa nito sa'kin, sinungitan ko naman siya ng tingin dahil naiinis parin ako sa nangyari.

"Mahabang explaination 'yun eh basta!"

"KANINA PAAKO NAGTATANONG MARCO KUNG MAY GIRLFRIEND KA BA. TAPOS ILILIHIM MO LANG SAAMIN? KAYA PALA NASUSUKA SIYA KANINA DAHIL MAY LAMAN NA ANG TIYAN NIYA." direktang sigaw ng papa nito sa mukha ni Marco, gulat naman akong napalapit sa kanila. Anong pinagsasabi ni tito? Akala niya ba buntis ako? Hala shitt!

"Pero tito, Hindi po------" naputol 'yung dapat na sasabihin ko dahil sumingit agad si tito

"Shhh, I know. Marco hindi mo dapat nililihim na may girlfriend kang ganiyan ka ganda." Mahinahon na sabi ni at ngumiti ito sa'kin, napangiti nalang ako dahil medyo nakumbinse na si tito na walang masamang nangyari at wala kaming ginagawang masama kanina, nakahinga naman ako ng maluwag at uminom ng tubig

"But, still that's not an excuse. Dahil sa nakita ko kanina. Marco..." Tugon ni tito Kaya agad kaming napalingon sa kaniya

"You need to marry her as soon as possible, ayaw naming lumaki ang apo namin na walang ama." nasamid naman ako agad sa iniinom kong tubig at napanganga...

ANOOOOO!?? KASALLL?!

end.

ONE SHOT COMPILATIONS ( DIFFERENT KINDS OF LOVE STORY)Место, где живут истории. Откройте их для себя