CHAPTER 18:

106 8 0
                                    

JAZMINE POV :
MORNING:

Binuksan ko mata ko at tumingin sa paligid . Wala na sa loob ng kwarto ko si lucas. Umupo ako sa kama ko at kinusot kusot ang mata ko.

Anong oras na ba?  Tumuon ang atensyon ko orasan ko at nakita ko na 02: 05 PM na . Grabe,  seryoso ba to?  . Nag overslept  ako ano bayan.  Ibigsabihin nito pumasok na sa opisina si lucas kaya pala wala na dito siya dito.  Hayst ano bayan.

Tumayo ako sa kama ko at ngayun nag tungo ako papunta sa pintuan ko para lumabas pero hindi ko iyon mabukasan. Ilang beses kong sinubukan na buksan yung pinto pero  hindi parin na bukas.

Hindi kaya nagalit si lucas saakin kagabi?  . May masama kaya akong ginawa sakanya?  .Pero wala naman akong ginawang bagay para ikasama ng loob niya saakin.

" lucaas!?  "  sigaw ko mula sa loob ng kwarto .

Sira ka jazmine.  Bat mo tinatawag yung taong wala naman sa bahay.  Malamang pumasok na yun. I feel hopeless.

Bumalik ako sa pagkaka upo sa kama ko ng biglang naramdaman kong kumulo tyan ko sa gutom.  Sumilip ako sa ibaba ng kama ko para kunin sana yung maleta doon dahil alam kong may mga biscuit doon pero biglang natigilan ako dahil bumakas ang pintuan ko. Mabilis kong tinulak papasok ang maleta sa kama ko at tinignan yung tao na pumasok.

" jazmine ito na yung pagkain mo oh " sabi ni ate norah na inaabot ang tray ng pagkain saakin .

" thank you ho " sambit ko habang kinikuha yung tray mula sa kamay ni ate norah.

" galit po ba saakin si lucas?  " pag tatanong ko.

" hindi ko din alam iha basta pinag bilinan lang samin ni sir lucas na napatilihin ka nanasa kwarto mo. "

Ano bayan hayst

Lumipas ang ang dalawang araw pero nandito parin ako sa kwarto ko.  Buti nalang talaga may mga bagay ako dito na pwedeng pag libangan . Sa tagal ko dito may nakita akong mga photo album na kasama ko si hector na mag kahawak ang kamay namin.  Which is normal lang naman dahil katulad nga ng sabi niya,  kaibigan ko siya since college . Nakita ko din ang larawan ko kasama magulang ko nung maliit palang ako at may napansin din akong litrato ng mga hindi ko matandaang mga tao . Mga picture na nasa grocery store ako kasama ng dalawang babae.  Madami akong nakitang picture ko na kasama sila sa photo album. Sa pinaka dulong parte ng album may nakita akong larawan ng isang babae na sobrang pamilyar saakin.  Para bang nakita ko na siya kung saan. Kinuha ko mula sa lalagyanan ito at sa di ko sinasadyang naihulog iyon sa sahig. Dahil sa pag kakahulog nito nakita ko ang likuran ng larawan at may nakasulat dito.

" I hate you " ayun ang nakasulat sa likuran nito.  Dinampot ko ngayun yung papel at binalik ko iyon sa lalagyana Nito.

Nakakapag taka lang bat sa dami dami kong nakitang picture bat si lucas wala sa mga iyon. 

Gabi na pero naisipan ko parin maligo nang matapos ko maligo pagkalabas na pagkalabas ko bumungad sa harapan ko si norah,  abby at hindi ko kilalang babae. 

" b-bakit kayo nasa loob ng kwarto ko?  " pag tatanong ko.

" jazmine aayusan ka daw ni maam Jennifer. " sabi ni ate norah saakin.

Nakikita ko na pareho silang tatlong naka ngiti saakin.  Bakit naman nila ako aayusan ? . Gabing gabi na ahh para sa mga ganyang bagay. 

---------------------------------------

JAZMINE POV :

Pinag mamasdan ko ngayon ang sarili ko sa salamin dahil sa hindi ako makapaniwalang himalang ginawa ni Jeniffer sa mukha ko. Nilapit ko mukha ko sa salamin para mas makita ang pag babago sa mukha ko. 

Bumukas yung pintuan sa gilid namin at nakita ko sila ate norah at abby na bihis na bihis . Napaka laki ng ngiti ngayon ang nasa labi nila kaya nakakapag taka.  Anong meron?  May pupuntahan ba kami sa ganitong klaseng oras?  .

" ang gaganda niyo naman bat ba bihis na bihis ata kayo ngayon?  Anong meron? " nag tatakang ako.

lumapit saakin si abby at binigay saakin yung gown na fanback( fishtail)  na kulay pula.  Sinuot ko naman iyon at ganun din yung heels na inabot ni ate norah saakin.  Nang matapos ako sa pag bibihis kinulot naman ni Jeniffer ang buhok dahilan para mas lalong umayon paningin ko yung itsura ko ngayon.

Hinatak na ako ni abby papunta sa labas ng kwarto ko habang si ate norah naman ay sumusunod saamin sa likuran.

Nang maka baba kami ngayon ko lang napansin bat parang mas lumiwanag yung bahay at may mga puting dekorasyon sa bahay namin. Napuna ko din na bat ang daming tao dito.

Nag punta kami ngayon sa bakuran at natuwa ako sa mga nakita ko.  Punong puno ng mga halaman at ilaw ang paligid . Hindi ko alam na may garden pala kami. 

" HAPPY BIRTHDAY JAZMINE !" 

My Wife has An AmnesiaWhere stories live. Discover now