CHAPTER 44:

201 5 0
                                    

JAZMINE POV :

Matapos sabihin ni lucas ang mga bagay na itinanong ko sakanya ay pareho kaming humiga sa kama habang akap akap ang isat isa.

Nag kwentuhan lang kami ng mga karanasan noong college pa kami at matapos ang lahat ng iyon ay sabay kaming nakatulog.

-----------------------
AFTER 1 YEAR PASSED :

Isang taon na ang lumipas at sa mga buwan nanag daan ay ipinanganak ko na ang aming anak na si Cassandra
Nakakatuwa dahil tisay ito at kailong nito ang kanyang ama .  Ang ganda niya sobra ,siguro kapag naging dalaga na siya madaming mabibighani sakanya .

  Naalala ko tuloy nung mga araw na isip bata pa ako.  Hindi ko akalain na mapapasunod ko si lucas na i breast feed ang manika na nag ngangalang Cassandra.

Pareho kami ngayon na nasa simbahan ni lucas at nag bibigayan ng sarit sariling wedding vow. 

Ikinasal muli kami ngayon dahil sa kagustuhan namin pareho ,para simbolo na din ng bagong simula . 

"I, lucas martin collins , take thee, jazmine Dela cruz , to be my wedded wife , to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith." abot langit ngiting wika ni lucas habang isinusuot ang singsing saakin .

Hindi ko mapigilan ang mapaluha sa saya dahil sa muling pag papakasal namin.

"I, Jazmine Dela Cruz , take thee, Lucas Martin Collins , to be my wedded husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge thee my faith." tugon ko habang dahan dahan na pinapasok ang singsing sa daliri ng aking asawa. 

" you may now kiss the bride " sambit ng pare.

Lumapit saakin ng kaunti si lucas at kasalukuyang iniaalis ang belo na nakatakip sa aking mukha. Nang natanggal na ito ay binigyan muna niya ako ng isang napaka tamis na ngiti at ganun din ako bago mag lapat ang aming mga labi. 

Puros hiyawan at tilian ang narinig namin .

Nang mag lalakad na kami palabas ng simbahan ay nakita ko si abby at marlon sa kabilang gilid na mag ka holding hands.

Kaya siguro sunud sunuran itong si marlon kay abby nung mga panahon nanasa bahay bakasyunan kami nito ay dahil may pag tingin na ito, dito. 

Sa pag tingin ko sakanila ay pumasok sa isip ko ang unang araw na sila ay nag kakilala . hindi ko maiwasan ang matawa.

Mag kasama na kami ngayon ni lucas sa kotse ganun din si baby cassandra.

Nag vibrate ang cellphone ko kaya tonignan ko iyom. nakita kong nag text saakin si angela. 

" Congratulations 😒"

" thank you. dont you worry, hindi ko sasabihin kay lucas ang muntik ko nang pag kamatay ng dahil sayo☺ "

" ANONG PINAG SASASABI MO!?  "

" Alam kong alam mo na hindi ako marunong lumangoy at alam ko din nanag sinungaling ka kay lucas ng araw na sasagipin niya tayo dahil alam kong marunong kang lumangoy.  Diba nga mahilig kang mag participate sa mga swimming competition since high school to college ..."

" kaya ngayon huwag mo na ulit isipin pang bumukaka sa asawa ko or manggulo man saakin o sa pamilya ko kung ayaw mong ipakulong kita katulad ni dominick ☺ "

" nalaman ko din sa mga kaibigan ko na kaya mo pala ako pinag iinitan ng mula high school at college pa tayo ay dahil sa insecurities mo saakin. Hindi lang din iyon ang natuklasan ko . Alam kong hindi mo talaga gusto ang asawa ko kaya huwag kang umarte na parang gusto mo siya.  Nagagawa mo lang lumandi sa asawa ko dahil gusto mo akong inisin.  Gulat ka dahil nalman ko noh? ."

Pag katapos ko isend lahat ng text ko sakanya ay hindi na nito nagawa pang mag reply sa sinabi ko. 

---------

Kasalukuyan kaming nasa loob ng aming tahanan kasama ang aming anak na si baby Cassandra.  Hindi na muna namin naisipan na mag honeymoon dahil sa kakagaling ko lang sa panganganak.

Giliw na giliw na pinag mamasdan ni lucas ang kanyang anak na mahimbing na natutulog sa bisig nito. 

Lumapit naman ako sa asawa ko na naka upo sa gilid ng kama. 

" Love,  i cant believe that were atarting a family now.  " banggit nito habang patuloy na naka titig ni lucas sa anak nito. 

" kaya nga eh. Kahit ako din hindi makapaniwala na mag kakaayos tayo.  " nakangiting sabi ko habang ang mata ay nasa mag ama ko.

Nanatiling tahimik ang paligid ng ilang minuto ,nang biglang may sinabi si lucas.

" i love you " ang mata niyang kanina ay nakay cassandra ay napunta saakin.

Sa ilang taon namin mag kasa ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kilig sa sinabi niya lalo nat may sensiridad sa tono nito.

" i love you too " ngiting tugon ko naman sakanya.

Marahan niyang Inilapit ang mukha niya saakin at hinalikan ang noo ko.  Kahit ilang beses na niya iyon ginagawa saakin ay may iba parin itong dala saakin.

Madaming problema ang dumaan saamin.  Kahit buhay ko dalawang beses nang napahamak.  Mga bangayan namin ,mga ala ala namin mag kasama noon na sarap ibaon sa limot pero may mga alaala din noon na naging malaking parte ng buhay namin kung kayat kami ngayon ay nandidito.

Mga maling tao na dumating sa buhay ng isat isa.  Lalo na ang mga tao na akala mo mabuti ang intensyon sayo, yun pala hindi.  Kung sino pa itong madalas nakaka away mo ,ayun pa pala yung taong mas nag papahalaga sayo at gusto kang mapabuti gaya nalang kamj ni lucas sa isat isa.

May sari sarili kaming dahilan kaya nanatili kaming tahimik nalang sa mga kanya kanya namin na raramdan. 

Hindi man maganda ang una namin pag kikilala lalo nat nung nalaman namin na kami nakatakda nang ikasal balang araw ang mahalaga ngayon kung anong meron at kung ano kami ngayon ni lucas. 

                         -THE END -

My Wife has An AmnesiaWhere stories live. Discover now