CHAPTER 42:

104 8 0
                                    

JAZMINE POV:

Kumaripas ng takbo si lucas patungo sa mga tumilapon na mga box ng condom niya sa kalsada . Isa isa niya iyon pinulot ng biglang napansin ko ang lalaki nanasa loob ng sasakyan na humarurot sa pag takobo papunta sa ka lucas.

Si dominick

Ibang iba ang ang itsura niya sa mga araw na parati kaming mag kasama dahil ngayon nakikita ko ang mademonyong titig nito kay lucas. 

Tama ba tong pumasok sa isip ko?  . May balak ba siyang sagasaan ang matalik niyang kaibigan pero bakit?. 

Hindi na ako nag isip pa dahil parang may balak talaga niyang sagasaan ito kaya dali dali akong tumakbo sa walang kaalam alam na si lucas.  Sa pag takbo ko ay nakikita ko na malapit na ang sasakyan kaya naisipan kong pumaharap sa sasakyan para pahintuin siya .

Dahil baka kapag nakita niya ko ay itigil niya ang ginagawa niya pero nag kamali ako ng pag litak sa sasakyan niya .

Naramdaman ko nalang ang pag kaka bungo saakin ng kotse at ang pag tama ng aking ulo .

Napahilata nalang ako sa malamig at sementadong sahig habang ang dugo ko sa noo ay rumaragasa pag tulo. 

Umiikot ang paningin ko

Wala na akong nagawa kundi ang pag masdan ang nakatalikod na si lucas.

Narinig kong agad na nakaalis ang sasakyan at kasabay nito ang pag lingon ni lucas saakin.  Nakita ko ang galit na mukha niya nanapalitan ng pag luha. 

Napa upo siya sa gulat at taranta nang nakita ako.

Inianggat ko ang kamay ko sa direksyon niya nanag papakita na nahingi ako ng tulong nang nag didilim na ang panigin ko ay doon ko nakita na gumapang siya papalapit saakin hanggang sa tumuyan na ako nawalan ng malay.

* END OF FLASH BACK *

sa gabing mag kasama kami ni lucas sa kwarto niya nagawa ko nadin sabihin lahat ng detalye na dapat niyang malaman tungkol kay dominick na kung bakit siya balak patayin nito.

Sa mga narinig ni lucas ay halatang nagulat siya at napatanong pa siya kung paano naisipan iyon ni domick. 

---------------

Kinabukasan ay hindi na muna pumasok si lucas at bagkus ay mas naisipan niyang puntahan ang kaibigan upang ipakulong dahil sa pag babanta ng buhay ko. 

Sa pag punta doon ni lucas ay may dinala siyang mga pulis para arestohin si dominick. 

Itinatanggi pa nito ang kasalanan na ginawa pero sa huli ay nakulong na ito.

1 linggo nang nakakulong si dominick at sawakas makakampante na ako na wala na hindi niya muli magagawa iyon. 

Kahit naka kulong si dominick ay hindi maalis sa isip ko kung paano ko sasabihin sa anak namin kung nasaan ang tunay niyang ama. 

Kasalukuyang nasa garden ako ngayon namin, kasama si lucas.  Nag tatanim kasi ako ng mga halaman na natipuhan ko sa bahay ng magulang ko.  Habang abala ako sa pag tanim ay hindi ko maiwasan na mag tanong sa asawa ko . Bumabagabag kasi saakin ang mga maaring itanong  saakin ng magiging anak ko sa pinaharap tungkol aa totoo niyang ama .

" Love ? "

" oh?  , ano yun love?  " sabay lapat ng labi niya sa noo ko.

" papaano ang anak namin ni dominick? Tangtanggapin mo naman ba siya ng buong buo? "

Hindi niya agad sinagot ang tanong ko at bagkus ay mas nagawa niya pang humalakhak.

" ano naman ang nakakatawa doon?  " nandidilat na tingin ko sakanya.

Muli ay hinalikan niya ako sa pisnge. 

" huwag mokong daan daanin sa halik mo!  Dali na sabihin mo na kasi! " atat na ata na maktol ko.

Tinitigan niya ako mg mabuti at sinabing " dont you know that Dominick cant produce baby?  " nakakalokong ngiti nitong sabi .

" huh, bakit namn? " nagugulahang tanong ko.

" baog siya, simple as that. Thats why he was so happy to get the news from you na may baby na kayo. "

" kung ganun sino ang ama ng dala dala ko?  "

" ako "

My Wife has An AmnesiaWhere stories live. Discover now