Chapter 2: Problem Solving

38 5 5
                                    

Kienth’s POV

Xhienzy Lutang (Message Received)
6:45pm
Lutang your face! Sige babush!
Na didistract ako sa pagiging Alien mo!
Umuwi ka na sa outer space!
Wag mo na akong gambalaen!

Itong babaeng to talaga! Bully talaga to sa akin. Sa gwapo kung ito? Kung ganito ang mga mukha ng Alien naku baka di niya na ako pa uwiin sa outer space at aalagaan nalang ako dito sa earth.

Kaya gustong gusto kong kasama tong babaeng to kasi palaban, di ko basta basta ma asar pwera nalang pag tinitingnan ko siya sa mata. Diyan lang ata siya naasar, ewan ko ba sa babaeng yan! Parang lutang palagi, siguro sa kakadaldal yan.

Uyyy.. Hi Readers! Alam kung Alien ang pagkakakilala niyo sa akin ng dahil sa lutang kung bestfriend na yun. Anyways, I’m Xhavione Kienth Sy Javier and I’m 16 year old. 4th year in my junior high and same school with Xhienzy. Actually, classmates kami since Grade 2 until 2nd year of junior high but mas ahead kasi yung age ko and may acceleration exam for us para maging 4th year na kami pagpasukan.

So ang ibig sabihin, noong 3rd year si Xheinzy 4th year na ako kasi nakapasa ako sa exam. Wait? Hindi niya ba nashare yan? Naku! Yung babaeng yun talaga, madaldal nga pero makakalimutin.

Nagkakasam parin kami minsan kasi parehas kaming Math Quizzer sa school namin since Grade 7 palang kami which is 1st year of junior high namin. Naalala ko nga noon na nanalo pa kami sa isang Math Olympics division level as 3rd Runner up and it’s a team quiz kasama ko yung kakambal ko.

Yes may kakambal ako and wag na natin siyang pag usapan, mas gwapo parin ako don. Oo nga pala, medyo malapit lang din yung bahay namin sa bahay nila Xhienzy kaya minsan magkasama nadin kami after review namin, madadaanan ko din kasi ang bahay nila eh.

Actually, childhood bestfriend ko si Xhienzy and yung isang luka-luka na kaibigan niyang si Jhezzelle. Magkatabi lang din ang bahay namin ni Jhezzelle pero mas nakakasama ko sa school palagi si Xhienzy, siguro nagsasawa ako sa mukha ng kapitbahay ko HAHAHA

(N// Aysus! Iba lang talagang kasama yung isa kaya ganyan. Ayyyyieee) Miss Author, wag ka na ngang makisingit jan! di ko to itutuloy sige ka!

(N// mag bestfriend nga talaga kayo. Bully kayo! Baka di ko ituloy tong story niyo) Hahaha syempre joke lang, ang ganda kaya ng author ng story na to.

Okay let’s move on and go back to the story.  Ayun nga, di kami magkasamang umuwi ni Xhienzy kasi hinatid ko pa si Labidab ko. Yaaaak! Para akong bakla. Hahaha

Btw, magkaklase si Xhienzy at ang labidab ko. Siya ang Valedictorian sa batch namin noon until now and si lutang nasa 4th honor na ngayon. Matalino naman talaga sana yung lutang nay un kaso ang tamad tamad. Happy go lucky kasi yun and di ata nag iisip ng mataas na rank kahit alam ko namang kaya niya pa yun.

Haaaist. Naaalala ko na naman ang reaction ni Xhienzy kanina . Hahahaha di ko talaga makalimutan ang lutang na mukhang yun. Parang ang big deal ata nong problem na iyon. Alam kong curious din kayo kung ano yun.

Ganito kasi yan, every year nagkakaroon ng Junior and Seniors Promenade sa school namin and nagkataon na 3rd year siya and 4th ako. So ibig sabihin, sila ang batch na e mimix sa mga Seniors which is batch ko ngayon.

Flashback...

Habang pinapanood ko yung lutang kung kaibigan na nag de-day dreaming. Naisip ko bigla na wala pa nga pala akong first dance sa JS Prom no. Alam kong may labidab ako pero na unahan na din kasi ako sa first dance niya eh and napag usapan namin yung mga bestfriend nalang namin ang magiging 1st dance.

Actually, si labidab ko parin naman ang first dance ko kasi kasali kami sa Cotillion Dance and yun ata ang unang dance na magaganap sa ball. But may formal dance din kasi after the Program which is isasayaw ng boys freely yung mga babaeng gusto nilang isayaw.

Hindi ko kasi alam paano siya mapapayag eh, baka kasi 1st dance niya na yung ka MU niya. Kaya may na isip akong ganitong style ng pag invite.

“Hoy zelle tapos ka na ba jan? nahihirapan ako sa huling problem, patulong naman oh para maka uwi na agad tayo.” Hala ewan ko ba kung anong iniisip ng babaeng ito. Lutang na lutang kakatingin sa labas habang naka headset kaya  hinila ko yung isang headset niya para mapansin niya ako.

“Wait lang! Yan kasi and daming mga extrang ginagawa. Hindi nag fo-focus sa ipinapagawa. Akala ko pa naman na ipasa mo na kay sir.” Actually, kanina ko pa na ipasa kay sir yung reviewer na ipinagawa niya sa amin. Sobrang lutang na ata talaga ng babaeng to kasi di niya napansing kami nalang dalawa sa classroom.

Minsan talaga naiisip ko tuloy kung baliw ba tong babaeng to or lutang lang talaga palagi.

Ayan na siya binasa niya na…

11. Answer the given questions. LOGIC
a.) Michelle is holding a Can of Sardines while James is holding a frying pan to cook the Sardines. If james cooked the sardines? What’s the thing Michelle was holding?
 CAN

For b & c
U= (BC, CU, UB, MY, FY, UV, GD, DX, EG)
A= (UB, BC, CU, DX, EG, FY, GD, UV)    
B= (HU, IB, JA, UB, LC, UD, VX, UN)

b.) A∩B = UB

c.) A’ =MY

d.) Junior vs. Sophomore are competing to win the basketball match. If the Junior got 2nd, what place is sophomore?
 1ST

e.) Connect all of your answers and put “DANCE IN JS PROM?” in the end to make the final question.
 
CAN  UB  MY  1st  DANCE IN JS PROM?
   a.     b.     c.      d.                  e.

“Anong trip mo? And dali lang ng mga problems. Pinagloloko mo talaga ako no?”Oh ayan tapos na! Tara uwi na tayo” sabay sabi niya after niya nasagotan except sa huling tanong. Ano ba tong babaeng to? Wala atang common sense, nakakainis. Di niya ata gets ang huling tanong.

“Di pa naman tapos yan eh! May last question pa oh.” And napatingin siya ulit sa papel and bigla nalang akong binatukan.

“Aray naman! Ansakit huh, ganyan ka ba talaga pag kinikilig?”Luh! di na ako pinansin ng loko. Lutang na naman yung kaibigan ko. HAHAHA nakakatawa yung mukha niya, di ko alam kung gulat lang or natatae ba siya.

“Hoy Xhienzy!!! Tara na uwi na tayo, para kang timang jan. HAHAHA”di niya parin ako pinapansin at nakatingin lang siya sa papel na parang natatae then biglang naka ngisi. Hala anong nangyari sa babaeng to? Baka sinapian na to, aalis na nga lang ako baka maabutan ko pa labidabs ko.

“Ewan ko sayong lutang ka!” aalis na sana ako ng biglang may nakita akong isang magandang anghel na nakatayo sa pintuan.

Haaaist! Ang ganda ganda talaga ng anghel na ito, ang sarap e uwi sa bahay.

“Nandito pa pala kayo? Gabi na ah. Tapos na ba kayo? Tara sabay na tayong umuwi, pauwi na rin kasi ako galing review din for the upcoming Science Olympics.” Hala! Nagsalita na ang anghel at nakangiti pa, ang ganda ganda niya talaga. Feeling ko nasa langit na ako.

“Hoy Kienth! Para kang timang jan. Wait, si Xhienzy pala kasama mo? Hi! Xhienzelle, tara na uwi na tayo. Gabi na kaya.”pero walang imik parin ang lutang, di man lang pinansin si labidab ko.

“Hi Norxhy, tara hatid na kita sa bahay niyo. Kanina ko pa di maka usap yang babaeng yan. Busy ata, tara na kaya niya na yang umuwi mag-isa.” Sabay kuha ng mga books niya at nagsimulang lumabas sa room pa uwi.

Nakalimutan ko ng magpaalam sa lutang. Itetext ko nalang yun mamaya, alam ko naming maiintindihan ako non eh.

Ayun nga, ang saya-saya ko kasi nakasama ko na naman ang anghel ng buhay ko.

“So? Si Xhienzelle naba ang 1st dance mo sa formal dance?” habang naglalakad kami, bigla niya nalang natanong.

“Ah oo sana, kaso di pa ako sure eh. Kanina ko pa kasi tinanong sa kanya yan.” Sinagot ko naman agad habang nakatingin sa kaniya.

“Alam mo bagay kayong dalawa, ewan ko ba pero sa tuwig nakikita ko kayong magkasama parang ang saya niyo lang tignan. Iba yung ngiti mo sa kanya compared sa akin.” Hala ano bang pinagsasabi ng labidabs ko.

Syempre iba talaga yung ngiti ko sa kanya kasi with love yung para sa kaniya and yung para kay Xhienzy pang timang na ngiti yun.

“Syempre naman babe no, este norxh. Iba talaga kasi magkaiba naman kayo kasi ikaw gusto ko siya bestfriend ko lang. Iba talaga diba?” bigla nalang siyang napangiti at di na nagsalita.

Gusto ko pa sana siyang kasama kaso malapit na kami sa bahay nila. Nakakainis naman, sige na nga lang magkikita pa naman kami bukas eh.

“Thank you sa paghatid Kienth! Ingat sa pag uwi.” Bigla nalang siyang tumalikod, sayang may sasabihin pa sana ako kaso mas una na siya tumalikod.

Back to reality…

Hanggang ngayon di ko parin maintindihan kung bakit nasabi ni labidabs yun kanina. Bagay daw kami ni Lutang? Hahahaha mas bagay kaya kami ng labidabs ko. Pero parang kinikilig ata ako, para kasing nagseselos si labidabs ko.

But at the same time napapaisip ako kung bakit nga ba gustong gusto kong kasama si Lutang. Ewan ko ba, Masaya lang talaga ako sa tuwing nakakasama ko siya kasi ibang iba siya kausap. Yung tipong sobrang comfortable ka sa tuwing may kinikwento ka sa kanya.

Para na nga akong bakla minsan pag siya ang kasama ko kasi lahat ng bagay na gusto kong e kwento ay nasasabi ko.

Actually,introvert akong tao mas gusto kong mapag isa pero simula ng naging kaibigan ko si Xhienzy. Nagbago lahat yun, dumami ang mga friends ko and minsan madaldal na din ako sa mga friends ko especially pag siya ang kasama ko.

Kay Norxhien lang ata ako nahihiya, nababakla talaga ako sa tuwing kasama ko yung labidabs ko.

Wait, tatawag nga muna ako pero baka di na sumagot 12 am na kaya pero try parin natin.

Xhienzy’s POV

Nakakainis naman, di ako makatulog ng maayos. Take note, 12am na po, tsk! Hanggang ngayon, yun parin ang umiikot sa isipan ko.

Gusto ko siyang itanong kung ano ang ibig sabihin ng tanong na yun pero nahihiya ako kasi baka niloloko lang naman ako ng Alien nay un.  Pero sana nga totoo yun, my gash ako na ata ang pinakamasayang babae sa Prom.

Magpapa music na nga lang ako. Di kasi ako makatulog ng maayos pag walang music. Para bang sleeping pills ko yung music. Hehehe

(Insert Megan Trainor : No Excuses)

Huh! What you sippin’on that got you talking crazy?
Lookin’’ at me sideways, always coming at me,
Why you, you acting hard when you just a baby?
Boy, I keep it real with you, but you are trying to play me

Have you lost your mind?
Open up your eyes.
Huh!

[Chorus ]
[(Someone Else) you must have confused me, confused with me]2x
(Someone Else) there ain’t no excuses, excuses, babe
(Someone Else) Cause your mama raised you better than that, huh!

Krrrrrnnggggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Krrrrnnnnnnnnnggggggggggggg……

Tsk! Dinagdagan pa ng letche! Sino kaya tong mukong natu? Madaling araw na kaya tapos tumatawag pa.

Krrrrnnnnnngggggg……

Sa sobrang inis ko, tinakpan ko nalang yung tenga ko ng unan. Ayokong sagutin, gusto ko ng matulog kasi baka ang pangit ko na bukas.

Bitch! You have a text message (Ringtone ko po yan hahaha)
(1 Message Received)

“Sino kaya tong caller nato? Hmmmm Bahala siya! Matutlog na talaga ako. Wag mo ng tignan Xhien, baka mas lalo ka pang di makatulog.”

Yes, minsan kinakausap ko talaga sarili ko, bukod sa nag iisa ako sa kwarto, mas gustong gusto ko lang talaga kausap ang sarili ko. Hahhhaa parang timang.
Huh! What you sippin’on that got you talking crazy?
Lookin’’ at me sideways, always coming at me,
Why you, why you acting like you never met a lady?
I don’t disrespect you, don’t you disrespect me

Have you lost your mind?
Open up your eyes.
Huh!


Hindi ko nga pinansin o tiningnan man lang kung sinong punchopelato ang tumawag at nagtext. Nag continue nalang yung music.

ZZZzzzzzzzz…..

Kinabukasan

“XHIENZYYYYYYY!!!!!!!”

“HOY XHIENZANG KURDAPYA KA! GUSMISING KA NA!” ang ingay2 naman kasi eh. Ang sarap pang matulog. Tinakpan ko nalang ng unan yung tenga ko.

“HOY BRUHA KA! Anong oras ka na naman bang natulog? Alam mo namang may pasok ka pa! BANGON NAAAAAA!!!!”

“5 minutes” Antok na antok pa kasi talaga ako. Ganyan kami araw-araw, parang siya ata yung human alarm clock ko.

She’s the Supervisor of Organo Gold here in Alegria Trias, just a small branch of my grandparents business. Ang main kasi is nasa Canada which is inaalagaan nila ngayon.

“Ayan ka na naman sa 5 minutes mo! Bahala ka nga jan. Aalis na ako, may meeting pa ako with our investors. Kumain ka na jan, nakapagluto na si Nana. Umalis kasi siya, may pupuntahan lang daw siya saglit.”

At bigla nalang sinara yung pinto ko. Haaaaysss na istorbo na nga ata tulog ko, babangon na nga lang.

Before ako tumayo, kinapa kapa ko muna yung phone ko sa side table habang papikit pikit parin ang mata.

Tiningnan ko kung anong oras na ba, 8am pa naman ang klase ko baka pwede pa namang matulog ulit.

“Tsk! Grabi naman to si ate. Ang aga-aga pa ginising na agad ako. 6am palang naman eh, ang lapit lang din kaya ng school.”

Kaya ayun chinarge ko muna tapos natulog ulit.

Zzzzzzzz…..

Krrrrrrrnngggggg!!!!!!
Krrrrrrrrrnnnnnnnngggggg!!!!!!!!!

Nagising nga ako sa ingay ng cellphone ko and sinagot ang tawag habang di tinitignan kung sino ang tumatawag.

“Hello?” Antok na tanong ko. Antok na antok pa kasi talaga ako.

“ HOY! XHIENZY! GAGA KA TALAGA ANONG ORAS NA BADIDAY! KAKAGISING MO PA LANG? KAHIT KELAN TOLOGO LATE KA PARATI!” nilayo ko ng kaunti yung speaker ng phone ko sa sobrang lakas ng boses niya. Tinignan ko naman kung sino yung tumawag, tama nga akoyung lukarit kong babaeng bestfriend.

“HOOOOOY! HINDI KA PA BA BABANGON? ALAM KO KUNG GAANO KA KATAMAD PERO JUSKO! WAG NAMAN ARAW-ARAWIN! PATAY KA NA NAMAN KAY MA’AM PEDREGOSA NIYAN.”

“Pwede naman kasing hindi sumigaw eh. Di naman kasi ako bingi, at mas lalong di mo ikinaganda ang pagsigaw jan.” Sabay stretching ng konti tapos bumangon na nga para maligo at mag prepare for school.

“Pasalamat ka nga tinawagan pa kita, yung suitor mo kasi kanina pa naghahanap sayo. Tumawag and nagtext daw siya kagabi, hindi ka naman daw sumasagot.” Ni loud speaker ko nalang at inilagay sa kama para kahit may ginagawa ako, nag uusap parin kami.

“Ewan, baka tulog na siguro ako noon. Sige na, maliligo na ako. Babosh! Salamat sa pag gising.” Habang namimili ako ng susuotin sa closet ko.

“Okay fine! See you frenny. Goodluck sa IR mo. HAHAHA.” bay end call. And bigla nalang may nag pop up sa lock screen notification bar ko.

“OMYGASH! AS IN OMYGASH! BAKIT DI KO KASI SINAGOT TO KAGABI! AYAN TULOY NAGALIT NA.”
Sabay sabi ko habang sinisigawan yung sarili ko.

“Gaga talaga ako, hindi ko man lang na isip. Pina asa ko pa yung tao. Ang sama-sama ko ata.”
Kaya ayun, nagmadali nalang ako papuntang school pero late parin. 8:25 na ako nakarating kaya di nalang ako pumasok sa first period.

Umupo ako sa ilalim ng puno para hintayin ang next subject ko. Dito talaga ako tumatambay sa tuwing gusto kung mapag isa.

Ang aliwalas kasi ng lugar na to eh. Oo nga pala, nasa likoran nga pala to ng Guard house namin which is medyo tago and dito ako dumadaan sa tuwing na lalate ako para di ako mapagalitan ng guard namin. HAHAHA ang talino ko no?

Ang sarap kasi ng hangin dito, samahan mo pa ng magandang tanawin. May mini forest pala dito and dito kami palaging naglalaro ng bestfriend ko noong mga bata pa kami. Hindi ko alam kung naaalala pa ba nila tong lugar na ito.

Hanggang ngayon di parin ma alis sa utak ko yung tanong ni Alien kahapon, hindi ko padin alam kung totoo ba talaga yun. Nahirapan tuloy akong sumagot kanina sa text message na inignore ko lang kagabi.

Haaaissst ang hirap talaga ng buhay pag maganda tayo no? hahahaha joke


(A/N : Sino kaya yung nagtext?)

To be continued...

Confusions of Regrets (Mahal ko o Mahal ako?)Where stories live. Discover now