Chapter 3: Confusions of intentions🤔

25 3 0
                                    


Third Person’s POV

“Ang ganda talaga ng tanawin dito. Ewan ko ba pero parang gusto ko ata ulit matulog.” Sabi ni Xhienzelle sa kaniyang sarili habang naka higa siya sa ilalim ng puno.

Ang hindi niya alam, may nagmamasid pala sa kaniya kanina pa.

Isang lalaki ang nakatago sa isang malaking puno malapit sa kinaroroonan ng dalaga. Gusto mang lumapit ng binata ngunit nahihiya siya at di niya alam kung anong sasabihin niya rito.

Palaging pumupunta ang binata sa lugar na ito dahil bukod sa nakakapag relax siya dito, nakikita niya din palagi ang magandang dilag sa ilalim ng puno na iyon. Kung minsan nga ay pinagmamasdan niya na lamang ang dalaga hanggang sa umalis ito.

Hindi niya kayang magpakita kasi baka pagnalaman ni Xhienzelle na pinagmamasdan siya nito, baka di na ito babalik sa lugar na iyon.

Bakit ba palagi kong nakikita ang babaeng to dito? Hindi ba to pumapasok?” sabi ng binata sa kaniyang sarili.

Si Xhienzelle naman ay nagpatuloy lang sa kaniyang pag mumuni muni at minsan kumakanta pa sabay ang masarap na hangin.

OMYGASH! NAKALIMUTAN KO NA NAMAN!” bigla namang nagulat ang binata sa kaniyang pagsigaw kaya napatago ito upang hindi siya mapansin ni Xhienzelle.

Naku! Ang sama ko ata, bakit kasi di ko sinagot yung tawag and text niya kagabi?Edi ayun umasa tuloy. Tsk! Ano ng gagawin ko ngayon? Paano ko sasabihin sa kaniya?” bigla na lamang kinausap ni Xhienzelle ang kaniyang sarili habang inaayos ang kaniyang gamit upang pumasok na.

Ang akala ng lalaki ay nandoon pa si Xhienzelle ngunit noong sumilip siya aya nawala na sa kaniyang paningin ang dalaga. Nadismasya naman siya ngunit masaya narin ng dahil sa kaniyang nasilayan sa ilalim ng puno.

Lumingon lingon muna siya bago niya nilapitan ang na iwang gamit ni Xhienzelle upang makasiguro na wala na talagang tao dito.

“Ang tanga naman ng babaeng yun, pati gamit niya na iwan pa. Tsk!” sabay kuha niya sa isang maliit na notebook na hugis puso. Yun bang parang ginawa niya talaga mismo iyon at may mga designs pa na kung ano anong bagay.

Sa sobrang curious ng binata, kinuha at binuksan niya ang notebook. Pangiti ngiti pa siya dahil sa laman ng first page nito.

Nakabasa siya ng mga love quotes dito at ng binuksan niya ulit para Makita ang ikalawang pahina ay sobrang nagulat siya dahil may nakita siyang dalawang pangalan na naka flames.

Krrrrrrnngggggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Bigla naman siyang nagulat ng tumunog yung cellphone niya at kinuha niya ito sa bulsa upang tingnan kung sino ang tumawag. Napangiti siya at sinagot iyon ng walang alinlangan.

Confusions of Regrets (Mahal ko o Mahal ako?)Where stories live. Discover now