Chapter 5: Sweet Melody

30 3 0
                                    


Xhienzy’s POV

It’s been a week na hindi kami naguusap ni Rhainiel simula nong sagutan namin sa canteen.

I don’t know kung iniiwasan niya ba ako or ako yung umiiwas? Nakakaloka! Nagka banggaan kasi kami ng hindi inaasahan. Basta nagmamadali ata siya tapos ako naman hindi man lang umimik.

Nagkatinginan lang kami saglit tapos umalis na agad ako, hindi ko na nga alam kung saan siya patungo. Medyo naninibago ako sa kaniya kasi hindi naman yan siya ganiyan sa tuwing may misunderstandings kaming dalawa.

Kahit hindi naman kami mag on niyan, sinusuyo niya ako palagi sa tuwing nagtatampo ako kahit kasalanan ko man or hindi. Namimiss ko tuloy siya, siguro nga nasanay lang ako na may nagaalaga sa akin.

Frenny, napansin ko nga palang hindi na kayo nagkakausap ng suitor mo? Hindi pa ba kayo ayos?” bigla namang napatanong  si Jhezzy.

“Baka busy lang sa training nila, pabayaan mo na. Busy din naman ako for the upcoming Math Olympics diba? At least makakapag focus kaming dalawa sa mga ginagawa namin.” Sinagot ko naman ng walang alinlangan at kunyari may binabasa ako sa Phone ko.

“Ay oo nga pala, after prom nga pala yung Math Olympics and Sports Fest no? Ang busy niyo naman, ako ata ang na iistress sa inyo tapos dagdagan pa ng Math nay an. Duh! Nasisira yung beauty ko” pagsang ayon niya naman at kinuha niya sa bag niya yung salamin niya para mag ayos.

Yaaaay! Today is Friday, kaya half day lang yung class namin. Kaya hindi gaano nag lelecture ang mga teachers namin kasi parang rest day ba ng mga student ngayon. Minsan nagpapasulat lang sila or nagpapa film viewing.

Kailan nga pala ulit yung Prom? Napatanong kasi si Mom kasi nga daw gusto niyang siya mismo ang aasikaso sa akin. Nagmukha tuloy akong bata. Hahahaa bigla namang sumagi sa isip ko yun.

Ganiyan kasi talaga ang mommy ko, kailangan anjan siya parati sa tuwing may mga special events sa buhay ko. Actually, pati si dad uuwi din yan para Makita lang din ako.

Mas supportive kasi si dad compared kay mommy kasi kahit hindi special events anjan yan si dad sa school. Kahit Meeting lang yan pupuntahan niya yan pagnagkataon na andito siya sa Mindanao. Madalang lang kasing umuwi si Mommy dito, CEO kasi siya sa business na itinayo niya mismo.

Maliit lang naman ang Xhien’s Emporioum 10 years ago but nang dahil sa sobrang sipag ni Mom,  napalago niya agad ito. Ang main products na ebenebenta namin is mga beauty products and gowns.

Medyo famous ang Mommy ko sa Alegria Trias kasi dito siya nagsimula ng maliit na business namin dati and ito lang ata ang yaman na alam ng mga tao dito. Hindi nga nila alam na apo pala kami ng founder of Organo Gold which is very famous company in Canada.

“Parang hindi kanaman sanay kay Mommy ganda. Hahaha Anyways, it’s on 14th day of February and yes it’s Valentine’s Day. I’m so excited!”
Hindi parin nakalingon sa akin ang bruha, akala niya naman gaganda siya sa kakasalamin niya jan.

And yes sa sobrang close namin nito simula bata, naging close niya na din si Mommy. Kulang na nga lang isama namin to sa Canada tuwing uuwi kami doon kaso hindi pwede kasi nga hindi niya naman alam yung status namin sa Canada.

But wait, ano daw sabi niya? Valentine’s day daw? OMYGASH! Hindi makaka uwi si mommy ko kasi my big event ang Xhien’s Emporium.

“Ito ata ang 1st special event ko na wala si Mommy, alam mo namang matagal ng naka set ang schedule ng Xhien’s Emporium Valentine Season diba? Every year kaya yan but na iintindihan ko naman yun.” biglang sabi ko naman na medyo nalungkot nga sa aking nalaman.

“Naku bitch! Okay lang yan, hindi ka naman bata para kailangan pang asikasohin no.” napatingin naman siya sa akin habang hawak parin yung salamin.

“Oo nga, sabi ko nga.” Sumangayon naman ako sa sinabi niya.

“Frenny tapos ka na? Pa kopya ako please.”Luh ang bruha nag puppy eyes pa. hahaha parang timang.

Oo nga pala, last subject na nga pala namin to and may ipinagawang written activity lang sa amin.

“Naku! Ito na naman ang tamad kung frenny. O ayan na!” bigla ko namang binigay sa kaniya yung activity booklet ko.

“Thanks frenny. Kaya love na love kita eh.” Ngumisi namang kinuha iyon at nagsimula na ngang mangopya.

“Bilisan mo na jan para maka uwi na tayo. Ayoko munang mag review ngayon, wala ata ako sa mood.”sabi ko naman at inilabas ang headset and phone ko para makinig nalang ng music.

After a few moments later…

May napansin akong dalawang lalaki sa labas ng classroom na kanina pa sumisilip. Medyo hindi ko makita ang mukha kasi nga nasa likoran ako pumwesto, wala namang teacher eh.

“Xhienzy, kanina ka pa ata hinahanap ng 4th year sa labas.”Bigla naman akong nilapitan at kinausap ng kaklase ko kaya napalingon ako sa kaniya. Kahit kasi naka headset ako, naririnig ko pa din ang mga tao sa palagid ko.

“Bakit daw? Sinong mga 4th year?” sabay tanggal ko naman ng headset sa tenga ko at tumayo.

“Mga barkada ata ni Rhainiel yun. Basta labas ka na nga lang.”sabi niya naman na parang na iirita na din kasi nga may ginagawa din siya tapos ayun tinalikoran ako at bumalik sa pwesto niya.

Hindi ko nalang pinansin at nagsimulang maglakad papunta sa labas. And guess what? Barkada nga niya, ano kayang ginagawa nito dito?

“Anong atin? Bakit napadpad kayo dito?” Tanong ko naman agad na para bang nalilito.

“We just want to ask favor. Hehehe”sabi namn ng isa at nakangisi pa.

“About what? Kasi kung pera yan? Naku mas mayaman pa kayo sa akin no. Hahaha” napabiro naman ako.

Confusions of Regrets (Mahal ko o Mahal ako?)Where stories live. Discover now