Chapter 4 : Choose the one☝🏾

27 3 0
                                    

Kienth’s POV

“Wala yun pre. Sige bye!” hindi ko na nilingon si Rhainiel pagkatapos niyang magsalita.

Sana naman hindi magselos yun, alam niya naman sigurong matagal na kaming magkaibigan ni Xhienzy diba?

Oo nga pala papunta na nga pala akong office ni Madam Principal kasi sabi ng kaklase nila kanina pinatawag daw si labidabs ko.

Yes, hindi naman kasi talaga si Xhienzy ang ipinunta ko doon, dapat si Norxhy yun kaso wala nga siya tapos nakita ko naman si lutang kaya naisipan kong kulitin nalang din siya.

And buti nalang pumayag na ang lutang na yun.

Wait… kinapa kapa ko pa yung phone ko sa bulsa. Bakit parang wala dito? Saan ko ba nalagay yun?
Babalik na nga lang ako sa classroom nila lutang baka nahulog ko kanina doon.

Habang naglalakad ako pabalik sa classroom nila, nakita ko bigla si Xhienzy na tumatakbo papuntang canteen na mag-isa. Tsk! Akala ko ba magkasama sila ni Rhainiel kakain?

Ayun sakto namang nakita ko din si Jhezzel palabas ng classroom nila.

“Hoy Gasul! Nakakita ka ba ng cellphone dito sa labas ng classroom niyo? Nawawala sa bulsa ko eh” Ayun nga nakabusangot naman ang kapitbahay kong lukarit.

Ikaw tukmol ka! Kaya hindi ka pa sinasagot ni Norxhy dahil napaka bully mong tao.” Sabay irap niya naman.

“Hahaha ikaw na ang nagsabi na hindi pa pero malapit na uy. Teka nga, bakit hindi kayo magkasama ng lutang nating kaibigan?” sabi ko naman na parang normal na tanong lang.

Aysus! Kunyari ka pa, sino ba kasi talaga sa kanilang dalawa? Si Xhienzy or si Norxhy? Isa – isa lang kasi, wag pagsabayin. TWO-TIMER!” sabay ngisi niyang mapang asar

“Excuse me gasul, never ako ng two-time okay? And magkaiba silang dalawa no, alam mo naman bestfriend lang natin yung lutang and pinapangarap ko yung anghel ko. Kaya wag kang ma issue jan!”sabi ko naman na parang proud na proud ako sa sarili ko.

“Excuse me ka rin, sa taas kong to gasul padin ako? Ewan ko sayong tukmol ka!” sabi niya na parang na aasar na

Sagotin mo kasi ako ng matino, bakit nga hindi kayo magkasama?” sabay pangungulit ko na naman sa kaniya.

Confusions of Regrets (Mahal ko o Mahal ako?)Where stories live. Discover now