Chapter 7: Meet the Fam🤗

40 0 0
                                    


Xhienzy’s POV

Ansarap ng tulog ko, medyo malamig nga ng dahil sa aircon sa room ko isali mo pa ang maulan na panahon. Kahit gising na ako, nakapikit pa rin ako kasi nga gusto ko pang matulog ulit. Sunday naman ngayon kaya no worries kahit buong araw pa matulog.

“Shhhhh…wag mo na kasing gisingin Xhiendrea. Ansarap ng tulog oh.” May bigla akong narinig habang binubuksan ng dahan dahan ang pintuan ng room ko.

“Ano ba Xhammeul, alis ka nga jan. Hindi ko naman gigisingin eh, sisilipin ko lang naman.” Sabi naman ng isang familiar na boses tapos bumagsak ulit ang pintuan na para bang sinarhan ito kaya napalingon ako.

Wait… OMG! Anjan sila mom and dad! Kaya tumayo ako agad at lumabas ng kwarto.

“MOM? DAD?” sumigaw ako sa sobrang saya kaso na dismaya ako nang hindi ko nasilayan ang inaasahan ko. Haaaays, guni-guni ko lang ba yun o nananaghinip ako? Tsk!

“Hoooy! Xhienzang kurdapya, anong sinisigaw sigaw mo jan? Bakit hindi ka pa naliligo? Sunday ngayon remember, magsisimba tayo sabi ni Nana.”
Bigla naman napadaan sa kinatatayuan ko ang ate kong kurdapya din. Magkatabi lang kasi yung room namin, bali nasa right side ng room ko ang room niya then nasa left side naman yung room nila mom and dad.

“Okay fine!” sabay dabog ko naman at pumasok sa room ko para nga maligo na at pumunta ng simbahan.

“Tsk! Akala ko pa naman umuwi sila Mom and Dad.” Malungkot naman na sabi ko habang kausap ko yung sarili ko sa harap ng salamin sa banyo ko.

Oo nga pala, malabong maka uwi yun kasi nga next week na yung Xhien’s Emporium Valentine Season and it’s going to be a big event of our company kasi nga may e la-launch din atang bagong product si Mommy kaya nga sobrang busy nila. Kahit spoiled ako, hindi naman po ako brat para hindi ma intindihan yun no.

Kaso nga miss ko lang din sila, kasi nga mag-iisang buwan na silang hindi nakaka uwi ng dahil sa event na yan, pagkatapos kasi ng new year season ng Xhien’s Clothing Apparel which is also an event where we hold a fashion show for the new products of our clothing apparel.

Ganito kasi yan, Xhien’s Emporium is consist of 5 different businesses.
1. Xhien’s Clothing Apparel (mga outfits and other garments ang binibenta),
2. Xham’s Homes Realty (it is a business of my Dad na nagbebenta sila ng house and lot or mga condominium units),
3. Xhiendrea’s Perfect Glow (Beauty products which is kakabukas lang din last year),
4. Milkitty Next Door ( it is like a coffee shop but mas mabenta ang Milk Tea namin dito and this store is my favourite coz it is a hello kitty themed store, I’m a HK lover tho) and,
5. Minnie 24/7 (it is a Minnie Mouse themed convenience store and ito ata yun ang pinakamadaming branches all over the Philippines)

Those businesses is in Xhien’s Emporium in Batanggas, it’s like a private mall and medyo expensive nga yung mga bilihin kasi halos mga mayayaman lang ata ang pumapasok doon. Ewan ko ba kila mama kung bakit ang mamahal ng mga products doon, business nga naman.

Anyways, katatapos ko nga lang palang maligo, sheet ang lamig talaga buti nalang may heater ang shower ko kasi kung wala ewan ko lang baka naging ice na ako. Hahahaha

I blow dry my blonde long straight hair and after that pumunta ako sa walking closet ko to get my outfit of the day.

[A/N; Hahaha parang timang, kailangan talaga yun no?]
Of course! Makakaharap ko kaya si lord, dapat presentable and pretty ako no. Nagpapaganda nga tayo sa ibang tao, kay lord pa kaya?

Confusions of Regrets (Mahal ko o Mahal ako?)Where stories live. Discover now