08

404 10 0
                                    



"Ano ka ba?" Tanong ko kay Xhenlai.


"What? I'm telling the truth." Sabi nya.


Wala naman syang sinabi na nililigawan nya ako ah. Kaloka to. Ano sya magdedesisyon?


"Oh ano? Narinig nyo yon?" Si Jenwel. Inirapan na naman nya yung mga babae.


Inis syang tiningnan nung mga babae bago pairap na inalis nag paningin at naglakad paalis.


"Hay nako, mga bata nga naman." Si Jenwel.


"Ikaw, isip bata!" Si Laurice. "Ikaw naman, imbis na awatin mo, aba chineer mo pa talaga." Sabi naman nya may Fiona.


Nagpout naman yung dalawa. Nagpipigil ako ng tawa habang pinapanood silang pagalitan ni Laurice. Bumalik sa court yung tatlo dahil nagsimula na ulit sila.


"Hay nako, it's always the lip tint girls." Sabi ko naman.


"Tama na." Si Laurice.


"What?" Tanong ko.


Sinamaan nya na ako ng tingin kaya tumigil na ako. Nang matapos sila Aries ay nag bihis muna sila, at oo, dito talaga sila sa court nagbibihis. Wala silang pake kung may ibang tao talagang naghuhubad sila para magbihis.


Habang nagbibihis sila ay lumabas muna ako dahil nakita ko si Heather na tumatakbo. Nagtataka ako kung bakit sya tumatakbo kaya lumabas ako pero hindi ko na alam kung saan sya lumiko kaya pumasok ako ulit sa loob ng court na malalim ang iniisip.


Habang naglalakad ako palapit sa mga kaibigan ko na malalim ang iniisip hindi ko napansin na matatamaan na ako ng bola.


"Ahh!" Tumama ang bola aa ulo ko kaya napa higa ako sa sahig. Pakiramdam ko nahilo ako, minulat ko ang mata ko at umiikot ang paningin ko.


"Hoy, si Eli!"


"Hala!"


"Eli!"


Agad na lumapit ang mga kaibigan ko pero naunahan sila ng isang lalaki. Nag angat ako ng tingin kung sino ito at nakita ko si Jerrold na nag aalalang nakatingin sa akin.


"Are you okay?" Tanong nito at tinulungan akong tumayo.


"Eli! I'm sorry," sabi nung nakatama sa akin.


Lumapit sa kanya si Jerrold, sinundan ko lang sya ng tingin. "Next time kasi, mag ingat ka!" galit na sabi ni Jerrold.


"Bro, hindi ko sinasadya. Eli, I'm really sorry." Sabi ko.


Tumango ako. "It's okay. Jerrold, hayaan mo na." Sabi ko.


Medyo nahilo ako, sinubukan kong lumakad pero muntik na akong matumba pero may sumalo sa akin. Napatingin ako kung sino iyon, si Xhenlai.


"Eli.." tawag nya sa akin. "Are you sure you're okay?" Tanong nya.


Sasagot na sana ako nang hawakan ako ni Jerrold at ilapit sa kanya. "Saan masakit? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Tanong nya.


Umiling na ako. "I'm okay." Iniwas ko ang mukha ko sa kanya bago muling lumapit kay Xhenlai.


"Let's go.." sabi ko at hinawakan ang kamay nya.


Tumango sya. Sya na din ang nagdala ng mga gamit ko. Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay tinanong ako ng mga kaibigan ko.


"Eli.. are you sure you're okay? Baka magka side effect yan?" Nag aalalang sabi ni Fiona.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon