45

416 14 31
                                    



We finished eating at seafood island. Naglilibot na lang ulit kami dahil sobrang ganda rin dito kapag gabi. Habang naglalakad kami ay may nakasalubong ako.


"Je.." usal ko sa pangalan niya.


Napatingin naman siya sa akin. "Eli," ngumiti siya at lumapit sa akin para mayakap ako.


Niyakap ko naman siya pabalik. "Kumusta?" Tanong ko sa kanya nang humiwalay siya sa yakap.


"Eto, busy palagi," sagot niya. "Sinong kasama mo?" Tanong niya.


Tinuro ko ang mga kaibigan ko. "My friends," sabi ko. Napatingin naman kami pareho sa mga kaibigan ko, they waved at us.


Tumango siya. "Mukhang hindi ka stress ngayon, Attorney," ngumisi siya. "Kasama nyo si Xhenlai? Nagkabalikan na kayo?" Tanong niya.


Umiling ako. Alam niya kasi na nagkahiwalay kami. We're okay now, nagkausap na rin ulit kami para linawin ang nangyari sa amin noon. Minsan nagkikita kami sa bar or clubs, we drink together at hanggang doon na lang ulit yun. We learn to accept what happened to us, noon pa man. Mas naging okay lang talaga kami ngayon sa isa't isa.


"No.." sagot ko. "Sino nga pala ang kasama mo? Wala kang duty?" Tanong ko.


Umiling siya. "May sinundo lang. Wala, bukas pa ulit ang duty ko." Sagot niya.


Tumango naman ako, nag-usap pa kami saglit at nagkamustahan. "Sige na. I'm happy to see you again after a month," natawa ako. "I'll see around, Doc." Paalam ko.


He smiled and nodded. "Hm, take care, Attorney!" He waved at me.


Ngumiti ako bago muling maglakad palapit sa mga kaibigan ko. Xhenlai didn't even look at me. Tumahimik rin siya habang naroon kami. Nag-aya na rin silang bumalik sa hotel dahil maaga pa kaming uuwi sa Laguna bukas. Kay Xhenlai ulit ako sumabay pero tahimik lang siya buong byahe.


"Xhenlai," tawag ko sa kanya.


"Hm?"


"Bakit tahimik ka?" Tanong ko. He didn't respond. "Pagod ka?" Tanong ko ulit.


Tumango siya. "Yes, I'm just.. tired." Sabi niya.


I pursed my lips before nodding. Humarap na lang ako sa bintana at tumingin sa labas. Baka nga pagod siya, buong maghapon ba naman kaming naglilibot. Masakit na nga rin ang paa ko, e. Nang makarating naman kami sa tinutuluyan naming hotel ay dumeretso kami sa unit namin. Magkalapit lang naman ang unit namin at nila Aries.


Pumasok na yung mga kasama namin, papasok na rin sana ako sa loob ng unit namin ng pigilan ako ni Xhenlai. Napatingin naman ako sa kanya, pagod na nga yung mga mata niya at mapungay na rin ang mga ito, mukhang inaantok na.


"Hey, take a rest na." Sabi ko sa kanya.


Tumango siya. "Can I hug you?" Biglang tanong niya. Natigilan naman ako at dahan-dahang tumango. He leaned and pull me closer. "Good night, Eli." He whispered.


"Goodnight,"


Bumitaw siya sa yakap. Tumingin muna ako sa kanya bago magpaalam na papasok na sa loob. Tumango naman siya at hinintay ang na makapasok sa loob. Napahawak ako sa dibdib ko at napasandal sa pintuan. Pinigilan ko ang mga ngiti ko.


Dumeretso ako sa kwarto at kinuha ang pantulog ko para maglinis na ng katawan. After ko maglinis ng katawan ay humiga na ako sa kama ko, si Laurice ay busy sa phone niya. Binuksan ko naman ang phone ko at inopen ang instagram ko. I posted the photo of the sunset earlier.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Where stories live. Discover now