33

318 8 24
                                    



Nandito na ako sa manila. Naayos na rin ang condo ko. Sila Fiona rin ay lilipat na daw sa isang araw dahil nakabili na rin sila. Si Xhenlai ay lilipat na rin bukas. Excited na ako, medyo malayo nga lang yung condo nya sa condo ko pero okay lang.


Habang naglilinis ako nagulat ako nang mag-message sa akin si Gia. Sa instagram nya ako minessage.


giannarae: hey, can we talk?


Kumunot ang noo ko at nagtype ng irereply.


heavenly: about what?


giannarae: just meet me at the coffee shop near your condo.


Sungit naman kala mo maganda.


heavenly: gg lods


Nagbihis ako pagkatapos non saka bumaba sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Kahit malapit yon, magko-kotse pa rin ako dahil mainit. Nakarating naman agad ako doon. Nakita ko agad sya kaya lumapit ako at umupo sa harap nya. Tiningnan nya naman agad ako.


"Ano yun?" Agad na tanong ko.


Umayos sya ng upo. "How are you and Xhenlai?" Tanong nya.


Napabuntong hininga naman ako. "We're good." Sagot ko.


Pinagmasdan nya lang ako. "Did he already told you? Did he already broke up with you?" Tanong nya.


Kumunot ang noo ko. "Told what? At bakit sya makikipag-break sa akin?" Tanong ko.


Natawa sya ng sarkastiko. "Her mom wants us to be together. Alam mo na siguro kung bakit," ngumisi sya.


Hindi ako nakapagsalita. "So? Ano ba talagang gusto mo?"


"Hiwalayan mo si Xhenlai." Sagot nya. "Sagabal ka lang naman, e. Alam mo, kung wala ka, hindi mahihirapan si Xhenlai. He can be an Engineer kung wala ka! Bakit? Kasi we can be together and his mom will approve," mahabang sabi nya.


Tiningnan ko lang sya. What is she talking about?


"I will be a doctor.. e, ikaw? Lawyer? Kung ako yung magiging girlfriend ni Xhenlai magiging Engineer sya dahil papayag ang mommy nya. So don't be a burden anymore!" Sabi pa nya sa akin.


Napairap naman ako. "Pwede ba tumigil ka na sa mga sinasabi mo? Desperada ka talagang makuha yung boyfriend ko, no?" Inis na tanong ko.


"Desperada?!" She hissed. "I'm not! Sinasabihan lang kita para aware ka na nagiging pabigat ka na kay Xhenlai! You're just a distraction!"


Kanina pa ako napipigil na sampalin sya. Bakit ba sya ang nagdedesisyon para kay Xhenlai?! She's too desperate! Napaka-pakielamera pa!


"Sinabi nya ba yun sayo?!" Naghahamon na tanong ko. "That I am a distraction?!"


Hindi sya nagsalita. Umiwas sya ng tingin. "Nakapag-desisyon na sya, e! He really wants to be an engineer pero dahil sayo, nagdadalawang isip pa rin sya!" Galit na sabi nya sa akin. "Kung mahal mo talaga sya, wag mo na syang pahirapan. Let him go!"


"Kasama ba sa desisyon nya ang hiwalayan ako?" Tanong ko. "Hindi, 'di ba? At sino ka ba? Kaibigan ka lang naman, ah. Stop acting like you know so much about our relationship." Tumayo ako.


She glared at me. "Is it hard to respect his dreams, Eli?  Don't be a distraction. Anong klaseng girlfriend ka?" Mariing sabi nya sa akin.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Where stories live. Discover now