22

299 10 2
                                    



"GO DEL MUNDO!!!"


"MARTINEZ ANGGALING MO!"


"GONZALES MARRY ME!"


"FERRER I LOVE YOU!"


Sobrang lakas ng sigawan. 3rd quarter na at mas lalong umiinit ang laban. Parehong magaling kaya mas nakaka kaba. Nasa kalaban ngayon ang bola, sila Xhenlai ang lamang pero kaunting puntos lang.


Pinanood ko si Xhenlai at ang bawat galaw nya. Sobrang focus sya, mabilis ang galaw at laging nakabantay sa kalaban. Pinanood ko rin kung paano nya sabihan ang mga kateam nya everytime na makakapuntos ang kabilang team. I can see how he encourage and cheer his team. He is a great leader.


Naagaw ni Aries ang bola sa kalaban at agad na ipinasa kay Tom. Drinible ni Tom ang bola habang humahanap ng tamang tyempo. Ipinasa nya ito sa kateam nya at tumira, hindi ito pumasok pero lahat kami ay napaawang ang labi ng biglang sumulpot si Xhenlai at sinalo ang bola, tumalon at shinoot muli ang bola. Pasok!


Lahat kami ay napatili.


"GO XHENLAI!" Sigaw ko.


"GO ARIES! GO TOM! GO XHENLAI!" Sabay sabay naming sigaw.


"GO SIHS! GO SIHS! GO SIHS! GO! GO! GO!"


Sabay sabay naming sigaw pati ng crowds.


"GO LNC! LABAN!"


"KAYA PA YAN!"


"HABOL TAYO!"


"LNC FOR THE WIN!"


Sigaw ng kabilang side.


Nagsimula muli ang laro nila. Hawak ni Aries ang bola at pinasa kay Nathan. Tumakbo ito habang nagdidrible. Patagal nang patagal ang laban at natapos ang 3rd quarter na lamang ang kalaban.


Nasa bench na sila Xhenlai. Nakaupo sya at nakayuko. Sobrang pawis na ng katawan nya, nakapalibot ang towel nya sa leeg. Uminom sya ng tubig bago tumayo at hinanap ako sa crowd. Nang makita nya ako ay bigla na namang syang nagpout. Napabuntong hininga ako at naglakad ulit pababa, lumapit naman sya.


Malungkot na agad sya. Hindi pa naman tapos ang laban, kaya pa nilang habulin yon dahil anim na puntos lang ang lamang ng kalaban.


"Huy, anong mukha yan?" Natatawang tanong ko.


"Paano kung matalo kami? Unang laban pa lang, Eli." Sabi nya.


Kinuha ko ang towel nya at pinunasan ang pawis nya sa mukha. "May isa pang quarter, kaya nyo pa yan! Anggaling mo kaya!" Sabi ko pa at pinunasan ang pawis na tumulo sa leeg nya.


"Grabe, ramdam ko pagiging single ko."


"They look cute together!"


"Psh. May boto pa rin ako kay Rica."


"True! Rica is so nice!"


"Yeah, agree! Mas bagay si Rica kay Xhenlai."


Sumama ang mukha ko at napansin agad ni Xhenlai yon kaya natawa nya.


"Oh, tinatawa tawa mo dyan?" Tanong ko. "Magpunas ka mag isa mo!" Sabi ko sa kanya.


"Selos ka?" Tanong nya, nang aasar.


Umiling ako. "Hindi, no! Bakit ako magseselos?" Sabi ko.


"Okay lang yan, babe.. naiintindihan ko. Don't worry, sayo pa rin naman ang bagsak ko." Sabi nya saka kumindat.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora