20

349 10 1
                                    



"Sa sitwasyon ko, Eli.. wala akong panahon para mapagod." Sagot nya.


Humiwalay na sya sa yakap. Pulang pula ang mga mata nya. Hindi nya ako tiningnan. I think she felt awkward. Wala namang masama sa yakap. Sa totoo lang, natuwa ako. I felt happy when she hugged me.


"Instead na mapagod ako, kailangan ko maging malakas." Sabi nya. Pinunasan nya ang mga luha nya.


"My point is.. hindi ba nakakapagod maging malakas?" Tanong ko.


She looked away. "Nakakapagod. Pero I have no choice." Tumingin sya sa akin. Napaawang ang labi nya nang makita ako. "Umiiyak ka ba?" Tanong nya.


Nagulat naman ako at agad pinunasan ang luha ko. Hindi ko namalayan yun, ah?


"Ikaw kasi! Nakakahawa ka kaya!" Sabi ko sa kanya.


Tumawa naman sya. "Iyakin ka talaga," Tumatawang sabi nya.


Inis akong tumingin sa kanya. Pero nahawa rin agad ako sa tawa nya. Ngayon ko lang sya nakitang tumawa sa harap ko. Palagi kasing mataray ang tingin nya.


"Tara na nga. Malate pa tayo." Sabi ko.


Sabay kaming naglakad papunta sa building namin. Nakasalubong pa namin si Rica at Juliah. Kita ko ang gulat sa mga mata nya na para bang hindi nya inaasahan na magkasama kami ngayon ni Heather. Hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy na lang hanggang sa makarating kami sa classroom.


Nagulat rin ang mga kaibigan ko nang makita kaming magkasama. Puro sila tanong pero wala akong maisagot kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung sasabihin ko ba na nag open sa akin si Heather, lalo silang magtataka dahil hindi naman kami close ni Heather.


Hindi dumating yung susunod naming lecturer kaya wala kaming ginagawa. Tahimik lang ako at nag iisip. Iniisip ko si Xhenlai. Sagutin ko na ba sya? Charot. Masyadong mabilis. Katatapos lang namin mag usap ni Jerrold tungkol sa amin tapos biglang sasagutin ko agad si Xhenlai. Hindi naman ako atat pag ganon, no?


Natapos ang araw. Kinabukasan ay exam na namin. Maaga ang klase namin kaya maaga akong pumasok. Saktong naroon na rin ang mga bruha. Hindi na rin kami nakapag usap dahil dumating na rin yung lecturer namin at nagsimula na ang exam.


Madali lang naman ang exam lalo na kapag nag aral ka talaga. Ilang oras lang ang lumipas at natapos na rin kami. Dumaan ang lunch, break time at uwian. Dalawang araw ang exam namin kaya nang mag thursday ay busy pa rin ang mga teachers dahil sa pagchecheck ng papel namin.


Free cut namin ngayon at nasa bench kaming magkakaibigan. Si Jenwel ay wala dahil may pupuntahan daw muna sya. Ilang araw na rin ang nakalipas tungkol sa issue ni Miss Arellano at Heather at marami pa rin ang nag uusap tungkol dito.


Bakit Miss lang ang tawag namin kay Miss Arellano, wala ba syang ibang asawa? Yun rin ang usapan ng mga estudyante, e. Kung may anak na nga si Miss Arellano bakit Miss pa rin ang tawag namin, hindi ba sya kasal? Sila nung tatay ni Heather.


"Eli," lumapit sa amin si Rica. "Admit it, ikaw ang nagpost nung tungkol kay Heather at Miss Arellano." Sabi nya sa akin.


Nangunot naman ang noo ko. "Hindi ako ang nagpost non." Sabi ko.


Napadaan si Heather at mukhang narinig nya ang pinag usapan namin. Lumapit sya sa amin at hinawakan sa braso si Rica.


"Anong sabi mo?" Tanong ni Heather kay Rica.


Binawi naman ni Rica ang braso nya bago magsalita. "She's the one who posted it-"


"Do you have proof?!" Fiona interrupted them.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Where stories live. Discover now