50

516 12 19
                                    



"Engaged!? Sinong enganged!? Gagi.. engaged na kayo!?" Gulat na tanong ng mga bruha.


Masaya naman akong tumango. "Yes. I'm getting married," masayang sabi ko.


Narito kami sa coffee shop nila Laurice, sa Laguna pa rin. Napag-usapan namin na dito magkita dahil pare-pareho naman kaming umuwi dito sa Laguna. Napansin agad nila ang singsing na suot ko kaya sinabi ko na sa kanila. Yung tatlo ay parating pa lang.


"Hala! Ikakasal ka na?" Naiiyak na tanong ni Fiona.


Tumango ako. "Ikakasal na ako," lumabi ako, maiiyak na rin.


Niyakap naman nila ako. "Oh my God! Ikakasal ka na talaga,"


"Oo na, paulet-ulet," si Laurice. "Narinig mo na, diba?" Sabi niya kay Fiona.


Sumama naman ang mukha ni Fiona at nagpahid ng luha, natawa naman kami. Nagkwentuhan pa kaming apat hanggang sa dumating na yung tatlo. Umupo sa kalapit ko si Xhenlai at humalik sa pisngi ko.


"Hoy, Eli, ano 'tong nabalitaan ko?" Tinaasan ako ni Tom ng kilay.


"What?" I asked.


"Ikakasal ka na?" Tanong niya.


Ngumiti ako at tumango, ipinakita ko yung singsing ko sa kanya.


"Wow, angganda. Pwede ba 'to isangla?" Tanong niya pa.


Sumama naman ang mukha ko. "Inggit ka lang," I rolled my eyes.


Natawa naman siya. "So? Let's celebrate!" Sabi ni Jenwel.


Tumango naman kami. "Oo nga!" Sabi ni Fiona. "Oh, Aries, bakit ganyan ang itsura mo? Mukha kang nalugi?" Pansin niya kay Aries.


Napatingin naman kami kay Aries na wala sa mood at nakaupo lang, tahimik lang siya doon. Mukhang hindi pa nga nakikinig dahil mukhang malalim ang iniisip.


"Ha? Wala 'to, may iniisip lang." Sagot niya sa amin.


"Babae ba?" Tanong ni Xhenlai. Hindi sumagot si Aries at bumuntong hininga na lang. "Patay tayo diyan, pre, babae daw." Sabi naman niya kay Tom.


"Tara, iinom na lang natin 'yan," sabi ni Tom kay Aries.


"Sali kami!" Sabi namin.


Tumingin naman sila sa amin. "Bawal. Boys to boys to, magplano kayo ng inyo." Sabi sa amin ni Tom.


"Bakit? Bakit bawal kami sumali? Mambabae kayo, no?" Tanong ko at pinanliitan sila ng mata.


Umiling naman sila. "Baliw 'to," sabi ni Tom.


"Okay, okay. Magplano na lang tayo for your bridal shower, Eli! Dapat may boys na sasayaw, yung naka-blind fold ka-"

"Hoy, bakit ganyan? Hindi, hindi pwede!" Sabi ni Xhenlai. "Babe, sa bahay na lang tayo. Gawa na lang tayo ng-"

Pinandilatan ko siya ng mata. "Manahimik ka! Sumama ka sa kanila, kami may sarili kaming plano." Sabi ko. Sumama naman ang mukha niya.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ