Wattpad Original
There are 8 more free parts

CHAPTER 5

96.2K 2.5K 487
                                    

CHAPTER FIVE: Ashley Vell Carson


[Hoy gorl, kamusta ka na? Parang tanga, si Ashley to.] Masiglang niyang pagbati.

Nang makumpirma ang boses ng kaibigan ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. May kung anong tinik ang nabunot na kanina pa nagpapabigat sa'king dibdib.

[Hoy tangek! Okay ka lang ba riyan? Humihinga ka pa ba?]

"Ashley."

[PRESENT!" Ramdam kong nagtaas pa ito ng kamay na akala mo'y nasa paaralan. "The one and only, best among the rest, and the never fading beauty of Ashley Vell Carson is on the way.]

Di ko maiwasan ang mapangisi dahil sa kaliksihan ng best friend ko. She's Ashley Vell Carson, childhood best friend mula sa Boracay. Di na nga lang kami masyadong nakakapag-communicate dahil parehong busy sa adulthood.

[Mukhang busy ka yata, speechless e! Don't worry, ako lang to, si Natoy na mahal na mahal ka. Kita tayo mamaya ah, lunch tayo, treat ko. Miss you kaibigan, mwa!]

Pinutol niya agad ang tawag. Dumantay ang ngiti sa labi ko sa kabila ng takot na nadama kay Gade. Tamang-tama ang pagdating ni Ashley. I badly need a friend right now.

Tinungoko ang restroom at inayos ang sarili. Pinaanod ko sa tubig ang lahat ng sama ngloob. Bumalik din naman ako sa lamesa at itinuloy ang trabaho. If this isGade's revenge, then I won't let him win.

Kasasakay ko lang ng sasakyan nang i-text sa'kin ni Ashley ang address, and in my awe, she's the owner of the restaurant na kinakainan ko. Iyong sa tapat ng MC or Montreal Corp.

"Kaibigan!" As soon as the glass door opened, I was immediately greeted by a tight hug from her. "Grabe, na-miss kita." She kissed both of my cheeks and I let her pull me in.

Ramdam ang excitement sa higpit at liksi ng kaibigan ko. Her smiles almost reached her ears that brought too much energy inside the restaurant. Lahat ng bumabati sa kanya ay nginingitian niya pabalik. She introduced me to her staff, from the cashier up to the kitchen. Pinaupo niya ako sa VIP area at pumihit sa kusina para personal na asikasuhin ang pagkain namin.

Ilang minuto lang ay bumalik siya, may dalang tray ng pagkain at may nakasunod pang dalawang waiter na may tray din. Nilapag niya sa mesa ang pagkain at kusa rin iyong isinalansan. Umupo siya sa harap ko at maloko pang hinampas ang aking braso.

"Ebarg talaga pag-Aragen, lalong gumaganda. Malayo pa lang, tumitingkad ang kagandahan, eh."

"Small things," pabiro kong sabi. Binaba ko ang tingin sa pagkaing isinalansan ng dalawang waiter. "Ang dami naman nito."

"Patatabain kita para naman kahit sa katawan may panlaban ako. Grabe, kaibigs. Miss na miss talaga kita."

Napangiwi ako nang abutin niya ng kurot ang pisngi ko.

"Aray!" Napanguso ako habang hinahaplos ang pisngi. "Wala ka paring pinagbago." We shared the laughter.

"Ay ganito na lang, kuwentuhan mo na lang ako tungkol kay inaanak. Bilis! Kamusta na si Zander?" Pinagsalikop niya ang mga kamay at inihilig sa lamesa. Napakatamis ng kanyang ngiti.

"Tangkad na bata, lalong gumagwapo."

Kinuha ko ang phone at pumunta sa gallery, proud kong pinakita ang mga candid shots ng aking anak. Agad niya ring inagaw ang phone sa kamay ko.

"Oh my gee! So papable naman this," aniya habang nakatitig sa picture ni Zander na kagagaling lang sa tubig-dagat ng Boracay, may hawak na surfing board at topless. Candid pagkuha ko n'on, nakatingin siya sa gilid at nililipad ng hangin 'yong buhok niya. "Geez, Ara itago mo 'tong anak mo. Paniguradong habulin."

Hiding My Ex- Boyfriend's SonWhere stories live. Discover now