Wattpad Original
There are 5 more free parts

CHAPTER 8

89.3K 2.4K 507
                                    

CHAPTER EIGHT: A Hint of Blunder

"A freaking two-timer." 

Mahinang sambit ni Gade sa gitna ng halik. Mabilis ko siyang tinulak nang malakas at isang dumadagundong na sampal ang natanggap niya sa'kin. Nilulon ko ang mabigat na bagay na bumara sa lalamunan ko habang hindi naalis ang nanlilisik kong mata sa kanya.

Pinunasan niya ang dugong lumabas sa kanyang labi gamit ang hinlalaki at pilyong ngumiti nang magtama muli ang mata namin.

"D'you like it?"

"Fuck yo—"

Hindi ko pa tapos ang sasabihin nang bigla na siyang hinila ni Maddox mula sa likod at pinasalubong niya kay Gade ang naninigas nitong kamao. Gade did not fight back, instead, he smirked rascally that turned Maddox to hit his focal point.

I knew it, nang-aasar lang siya.

Mukhang mapapatay ni Momo si Gade dahil sa nanggagalaiti niyang panununtok. Si Gade naman ay patuloy sa pagngisi na para bang wala siyang pakialam kung ilang suntok na ang natamo niya.

"Maddox!" sigaw ko. I ran closer and I was very grateful when the guards came in. They helped me wean the two. My shaken tears streamed extra as I assisted Momo to stand up.

"Okay lang po ba kayo, Sir?" the guards asked their CEO.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Gade nang maitayo si Momo. He mouthed weak while his eyes were on Maddox. Inayos niya ang coat at tumalikod na parang walang nangyari. Gano'n din ang ginawa ni Momo. Nakaalis na siya sa pwesto ngunit ako ay nanatiling tigang sa kinatatayuan.

"Aragen!" Momo shouted from the driver's side of his car.

Gulat na bumalik ang paningin ko sa sasakyan. Humihikbi akong tumakbo palapit at tumalima ng upo sa passenger seat. I hastily buckled my seatbelt and checked my son from the backseat.

"Are you okay there?"

"Yes, Mom."

Mabilis na umayos ang pag-upo ko nang ipaharurot ni Maddox ang sasakyan. Madilim ang tingin niya sa harap at ramdam ko ang pagkadiin ng kanyang kamay sa manibela dahil sa galit.

Tahimik ang buong biyahe at walang may lakas ng loob na magsalita. Ang bigat-bigat ng paghinga ko at patuloy sa pagbagsak ang munting luha. I really got scared when Gade was too close to my son. Ngayon lang pumasok sa isip ko kung gaano kadelikado ang sandaling iyon.

Kung sakaling binuksan ni Zander ang bintana sa likod ko ay tiyak na magtatama ang mata nilang mag-ama. Gaano man katigas si Gade, alam kong mararamdaman niya ang lukso ng dugo na tinatawag nila.

I can't foresee what will happen next if that happens. Is he going to ignore it like he felt nothing, make my life even worse for hiding his son or he's going to take my son away from me?

Natutop ko ang bibig at buong-lakas na pinigilan ang pagkawala ng iyak. I can't. I can't lose Zander.

Nakarating kami sa condo ni Momo nang hindi man lang nabawasan ang tensyon. Agad kong inutusan ang anak na umakyat na muna sa taas at magbihis. I want to talk to Momo first.

"Momo, let's tal—"

I stopped halfway when he violently cleaned my lips with his palm. He rubbed it until the lipstick disappeared. I winced in pain but I just let it go. He's fuming mad; I don't have the bravery to butt in.

"I'm sorry hindi ko nasabi," anang ko sa kalagitnaan dahilan para matigil siya.

Kumuyom ang mga kamao nito at bago pa man lumipad sa'kin ang kamay niya ay tumalikod na ito at marahas na sinuklay ang buhok. He shouted his frustration in a deep and croaky voice.

Hiding My Ex- Boyfriend's SonWhere stories live. Discover now