Wattpad Originale
Il reste 1 Chapitre gratuit

CHAPTER 12

87.7K 2K 164
                                    

CHAPTER 12: Beauty of Moon

"Waaahh, kumapit ka anak!"

"Mom, relax," aniya at natatawang lumingon sa akin. Sa harap siya nakaupo at ako naman ay sa likod niya. Sa likod ko ay tatlo ring foreigner.

Naiinom ko na ang tubig-daat sa kasisigaw at buka ng bibig. Natatawa naman ako kapag mas malakas na tubig ang humahampas sa mukha namin lalo na kay Alexander dahil kaharap niya ang dagat. Nagba-banana boating kami ng anak ko at kauumpisa lang sa paghila ang speedboat sa banana boat na sinasakyan namin.

"Woaah!" pagpapakasaya ko at itinaas ang dalawang kamay sabay iwinagayway iyon sa hangin. Sunod ang matitining na sigaw at tawanan ng mga foreigner na kasama namin sa banana.

"Hold on, Mom," sigaw ng anak ko, natatawa, nang bumitaw ako.

Tawa na may takot ang isinigaw namin nang biglang bumilis ang paghila ng speedboat sa banana namin. Mas hinigpitan ko ang kapit sa aking anak. Halos nakayuko na rin ako at nagtatago sa tangkad niya upang hindi masyadong mabasa ng tubig.

Malakas akong sumigaw nang nakabitaw at nahulog ako sa biglaang pagliko ng banana boat. May kalaliman na part ng dagat iyon pero may life vest kaming suot. Naihilamos ko ang kamay sa aking mukha nang mapuno ito ng talsik na tubig. All of us fell down, well except for my son na malakas ang kapit. Gaya noong pinagbubuntis ko pa.

"Woah! That's my son!" deklara ko at lumingon sa tatlong foreigner na kasama namin. Malapad ang ngiti ko nang ipagmalaki ang aking anak. Tinuro ko ang banana boat at paulit-ulit na sinambit na anak ko siya. They cheered and mumbled things on how exciting the ride was.

Sinubukan kong tapunan ng tubig ang anak ngunit ito umabot dahil nanatili siyang nakaupo at intact na intact ang suot na shades. Nilingon niya ako ulit at tinawanan. Nag-thumbs up siya nang tuluyang tumigil ang boat.

Umahon kami sa tubig at agad na ibinalik sa rent station ang life vest na ginamit.

I wore my plunging neck see-through above my blended black and blue Bandeau swimsuit, in which I sported a strapless top and a high cut bottom. While my son, Alexander, wore a white beach sando na may tatak ng Boracay and a summer shorts na may kulay asul sa baba at nagbe-blend pataas sa kulay na itim.

"Gutom ka na ba, anak?" baling ko kay Zander at sabay hinagod ang kamay sa likod ng ulo niyang basa.

MAHIGPIT akong napahawak sa gear nang mag-umpisa nang umakyat sa ere ang parasail namin.

"Dang!" sigaw ko na may kasamang halakhak tuwing nadadala ng hangin.

Nakalulula, grabe! We're now 150 meters above the water. A smile plucked in my mouth all throughout the drift. Mariin kong pinikit ang mga mata. Sa mga sandaling ito, naalis pansamantala ang lahat ng problema ko. Nasa ere, sa tabi ng anak ko at tanaw na tanaw ang kabuuan ng isla Boracay. Breathtaking ang view ng papalubog na araw.

"Woahh!" sigaw namin nang sabay ni Zander. Itinaas namin ang mga kamay sa ere at iwinagayway iyon. Mas bumibilis din ang paghila kaya't mas lalong lumalakas ang sigaw namin. Sobrang nakalulula, nakapupuno ng damdamin at nakabubusog sa mata.

PAGKATAPOS ng tatlong activities, nakaramdam kami ng gutom at agad na tumungo sa paborito naming kainan. As usual, seafood ang order namin.

Pagkatapos kumain ay ang surfing station sa backbeach naman ang destination namin. Ito ang paboritong sports ng anak ko. Nag-aaral siya ng surfing sa ibang isla pa. Kasama na rin namin si Bernie na kagagaling lang ng school. We watched the other surfers before my son breezed in.

"Tignan mo si Zander, Tita, focus na focus," litanya ni Bernie na nakaupo sa lilim na bahagi ng buhanginan katabi ko.

"Go Alexander!" sigaw ko.

Nagsimulang mag-surf ang kasabayan ni Zander. Tinaas ko ang mga kamay para makita niya 'ko. Tinaas din ni Bernie ang kamay kaya't kumaway samin si Zander bago sumalang.

His eyes hawked in the water when he was about to start. Perpekto niyang nagawa ang balancing sa board. Other girls, especially some by passers, cheered for my son. I can tell they're referring to him because they keep shouting Gwapong naka-short na blue. My son is the only surfer who wore blue shorts.

Mabenta ang anak ko. Dumantay ang proud na ngiti sa'king labi. Sumimsim ako sa fresh buko juice na hawak ko.

My son balanced himself on the surfing board at matapang na nakipagsabayan sa malakas na alon. He did a bottom turn stunt na nagpahiyaw sa'min ni Bernie at sa mga kababaihan sa gilid. Nakailang stunts pa si Zander, bearing his grim face. Napailing ako. May pinagmanahan talaga, ang daya.

After surfing ay nag-UFO ride pa kami and this time, kasama na si Bernie. We enjoyed today's activity though na-try na namin lahat ng ito. Gano'n pa rin naman ang feeling kahit nasubukan na, mas nakae-excite pa nga!

After a long day, the whole night was spent sleeping. Pagod at bagsak ang katawan sa kama. Bernie slept over with us. Sa bahay lang din kami the next day. The remaining days were spent in food haul. Ang sikat na kainan sa tatlong station ay pinuntahan namin. I ordered food that has high dosage of iron that my son needs.

For our last night in Bora, we decided to stray on the shore and joined the night activities in some resorts. It was fun and thrilling. Malalim na ang gabi at naisipan naming maupo sa sapin na nilagay sa lilim ng mga niyog.

A starry night oscillated above the bright-eyed and bushy-tailed folks of Boracay. Meanwhile, the moonlight brought a soothing glory to the graphite night. It sent a calm and serene moment to some groups who are contemplating like us.

A joyous chaotic crowd shattered behind us. The row of night clubs and resorts have respective gimmicks. May kanya-kanyang live bands, at events na panghila ng turista. Sobrang ingay na magtatanggal ng mga nabaong tutuli.

Tiningala namin ni Zander ang langit na puno ng kumukuti-kutitap na bituin at hitik sa liwanag na buwan.

"May plano na'kong mag-resign sa MC pagbalik natin ng Manila, anak," panimula ko at nilipat ang ngiti sa kanya.

Mabilis na nagsampok ang kilay niya at takang tumingin sa gawi ko. "Why, Mom? Did something wrong happen?"

"Wala naman." Napabuntong-hininga ako. "I just feel so toxic sa loob ng opisina," aniko at binalik ang tingin sa buwan.

"Gaano kalala ang toxicity?"

"Not that bad, son, no worries. Just a misunderstanding between me and the CEO," paliwanag ko na lalong nagpakunot sa mukha niya.

"Mom, can I ask a favor?" The table flipped at ako naman ngayon ang takhang tumingin sa anak. "This will be my first time na mag-request. Sana i-consider mo, Mom."

"What is it? You don't even have to ask, just tell me and I'll do it right away." Agad kong hinaplos ang pisngi ng anak.

"Pwede ho bang huwag ka munang mag-resign sa MC? Can you stay longer? I mean, you can quit if it is really that bad. But if it's just a light argument, can you stay longer?"

Umawang ang labi ko sa request ng anak.

"Uhm..." I actually don't know what to say. "May gusto ka bang mangyari, anak? You can tell me nang magawa natin nang walang paligoy-ligoy."

"Nothing, Mom. I just want you to stay longer at least for the whole year? Pero pag worse na talaga, leave with no doubts, no torns, and no buts. That's all, Mom," paliwanag niya at binalik ang tingin sa kalangitan, "Ngayon lang ako magre-request, so I hope you'll give it a chance."

It's true that Alexander never asked about his whims and craves. Naghihintay lang siya sa mga bigay ko. Never siyang nagreklamo. Never siyang nag-demand at lahat ng sasabihin ko ay sinusunod niya.

Sinasabi niya ang gusto at suhestiyon kapag tinatanong ko, pero kapag hindi ako pumayag, okay lang sa kanya. Mother knows best ika niya nga. Naiintindihan niya raw. Lagi ko siyang kinakamusta at taos-puso akong nakikinig tuwing sumasagot siya. I've always asked for his opinion since he matters and his voice matters.

Napaluha ako nang ma-realize kung gaano kabait at masunuring bata ang anak ko. Baka ako pa ang makonsensya pag hindi binigay ang gusto niya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at humagulgol ng iyak sa kanyang balikat.

"Okay baby, Mommy will stay in that company."

Hiding My Ex- Boyfriend's SonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant