Wattpad Original
Это последняя бесплатная часть

CHAPTER 13

117K 3.6K 708
                                    

CHAPTER 13: Facing New Dawn


"Good morning, ma'am." Nginitian ko ang guard na sumalubong sa'kin pagdating ko sa MC.

Gaya ng pangako ko sa anak, mag-i-stay ako rito. I'll do everything para sa ikasasaya niya. Labag man sa loob, wala akong magagawa. I live for my son, so I'll give what he wants. He rarely asks and it didn't bother him to be an obedient child. Kaya sino ako para pagkaitan ang katangi-tangi niyang gusto.

Kararating lang namin kaninang umaga and dumeretso ako sa pinagtatrabahuan kahit pagod pa sa byahe.

"Good morning, madam. Welcome back! Na-miss kita." Isang mainit at excited na yakap ang masiglang bungad ni Shara nang makapasok sa opisina ko.

Indeed, a welcome back to hell. Hindi ko mapigilang mapabuntonghininga. Kumalas siya sa yakap at naupo sa harapang upuan.

"Thank you, Sha. Nag-leave lang naman ako ng limang araw. Umuwi kami ng anak ko sa Boracay."

"Luh sana all, ginawang bakasyunan ang Bora. Sa'n kayo particularly nakatira?"

"Sitio Bolabog, malapit sa station 2." Nakangiti kong inayos ang laptop sa mesa upang simulan ang trabaho. "Ano 'yang dala mo?"

Alam kong naglalaman ito ng mga transactions ng kompanya habang wala ako, at mga dokumento na kailangan din ng pirma.

"Ayoko n'yan, Sha. Ibalik mo na 'yan sa CEO," saad ko nang nakanguso.

"Ayoko nga rin nito e. Itapon at sunugin na lang kaya natin?" Nagpanting ang tainga ko sa sinabi ni Shara na kanyang nahalata kaya humagalpak siya ng tawa. "Joke lang, vaklang tow! Regalo sa'yo ng CEO, na-miss ka raw," dagdag niya at inusog palapit sa'kin ang bundok na reports. Napasunod naman ang tingin ko sa kanya hanggang sa makalabas ito.

Alam kong nagbibiro lang siya pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan, natatakot, at nandidiri sa pinaggagawa nila ni Ashley. I also have this feeling na hindi ko maintindihan. Napahawak ako roon at nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga.

Sinimulan ko ang trabaho. The whole day went smooth as I locked myself inside the office. I dashed myself in works I'd left when I had my leave. Deretso rin ang uwi ko sa bahay at ginawan ng presentation ang allocated budget para sa pag-launch ng panibagong produkto na inline sa clothing industry. I was a bit nervous the next day, nagkita-kita na naman kasi kami at ng mga BODs.

"That's impressive, Ms. Evangelista," bati ng isang head at pinalakpakan ako.

I nodded and mouthed my thank you to her. "Is there any questions?"

Hangga't maari, iniiwasan kong magtama ang mga mata namin ni Gade. He's also here and he was attentively listening to the reports, or so I thought.

Hindi ko alam kung saan siya nakatingin, sa akin ba o sa whiteboard kung saan projected ang presentation. Nakatingin sa'kin dahil interesado sa reports o may iba siyang agenda sa isip. Nevertheless, I didn't let myself be disturbed by his scrutinizing eyes. I continued the reports and asked for others' suggestions towards it.

"I'll take note all your concerns. So, if there's no anymore questions. Let's call it a da—"

"I thought you are going to resign, Ms. Evangelista. What happened to it?"

Umikot sa apat na sulok ng conference room ang pagsinghap at bulung-bulunangan ng mga BODs. Kumuyom ang kamao ko at nagtagis ang bagang sa walang-pakundangang pananabotahe ni Gade sa katahimikan ko. Bakit kailangan niya pa'kong pahirapan?! I am doing these for my son's sake.

Mariin akong napapikit at tumikhim bago siya bigyan ng tingin. "We can talk about it personally, Mr. Montreal."

"You're resigning, Miss Evangelista?"

icon lock

Покажите свою поддержку lizz и продолжайте читать эту историю

от lizz
@Amoralizz
Hoping for the advancement of her career as an accountant, Aragen acc...
Разблокируйте новую часть истории. Ваши монеты помогают писателям зарабатывать деньги за истории, которые вы любите.
Посмотрите, как монеты поддерживают ваших любимых писателей, таких как @Amoralizz.
Hiding My Ex- Boyfriend's SonМесто, где живут истории. Откройте их для себя