Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

CHAPTER 11

85.9K 2.4K 92
                                    

CHAPTER 11: Beauty of Sunset


"Good afternoon, ma'am."

Sunod-sunod ang naging pagbati ng mga empleyado. Mabilis akong bumaba ng kompanya, deretso lang ang lakad, nakatungo at hinahayaang pumatak ang mga luha. Nang makalabas sa lobby at papasok na sa parking lot, nanghina ako. Napaluhod ako sa damuhan at hinawakan ang aking dibdib. Umiyak ako nang walang boses.

Bakit nasasaktan ako?

Is it because of the fear with the thought that they might cheat behind me? Is it because I dislike them having relationship? Or is it because I'm scared that they found each other in the middle of my healing?

Did they have secret relationship ever since para iwan ako ni Gade at magsama sila nang ganito katagal? Did they cheat behind me? Did they fall in love while he's still with me?

Did they...

Mas humagulgol ako ng iyak. Ang gulo! Wala akong maintindihan at hindi ko alam kung ano pa ang paniniwalaan.

I should have no feeling towards it na. Lumipas na ang panahon. Malaki na ang anak ko. Pero tangina, bakit kasi nasasaktan pa rin ako? Is it the latter? Then it isn't cheating anymore. We're off when they get on.

Or maybe it hurts because we didn't actually break up. We didn't. In fact, we haven't had the closure. Gade just left with no words.

Nilamukos ko ang damit kong nasa dibdib banda. I cried silently and endured the pain of the striking sun's rays.

Pinilit ko ang sarili na magpakatatag at pinunasan ang aking mga luha. Nasa sasakyan si Zander, hinihintay ako. Hindi dapat makita ng anak ko na pinanghihinaan ako. Tumayo ako at muliing humakbang ngunit napatigil din nang biglang may tumawag mula sa likod ko.

It was Ashley.

She's running towards me. Kita sa mukha nito ang walang humpay na pag-iyak. Bago niya pa ako mahabol ay mabilis na akong naglakad. Dere-deretso! Bakit ngayon pa ako nag-park sa pinakadulo. Napatigil ako sa paglalakad nang bigla niyang haklatin ang kamay ko. Napaharap ako sa kanya at nadurog ang puso ko nang makita kung gaano siya ka-miserable tingnan. She's really scared. Her lips trembled.

"Kaibigan Ara!" umiiyak na tawag niya "Please, kaibigs talk to me for a while, please." Nagbadya pa itong lumuhod sa harap ko.

"Itigil mo 'yan!" sigaw ko at napatigil naman siya. Umayos siya ng tayo at patuloy pa rin sa pag-iyak habang nakahawak nang mahigpit sa kamay ko "Anong pag-uusapan natin, ha? Wala ka naman dapat ipaliwanag e. Ano ngayon kung may relasyon kayo ni Gade?"

"No, kaibigs. Makinig ka muna." Nanginginig siya.

"Tama na, pwede ba!" sigaw ko na kanyang ikinagulat. Ngayon ko lang siya nasigawan sa tanang buhay ko. "Stop calling me, kaibigan, because I'm not sure at the moment, if we really are."

"Yes, we are, Aragen. We really are. We're best of friends, don't ever doubt that—"

"Ash pwede ba, hayaan mo muna ako. Hinihintay ako ni Zander sa sasakyan at ayokong makita niya na nag-aaway tayo. Naguguluhan ako," litanya ko at tumalikod sa kanya.

Patuloy pa rin siya pag-iiyak. Hindi ko maikaila na nadudurog akong makita ang best friend ko sa ganoong kalagayan. Pinalis ko ang luhang naiwan sa pisngi, inayos ang sarili bago pumasok sa sasakyan.

"Mom, are you okay?"

"Yeah! May nangyari lang sa office. Shall we go?" tanong ko nang makabit ang seat belt. Tumango naman ang anak ko dahilan para lisanin ko ang lugar.

Hiding My Ex- Boyfriend's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon