CHAPTER 1

677 33 19
                                    

[JUSTIN'S POV]

Papunta ako ngayon kila Josh gamit ang kotse ko para sunduin siya dahil hindi niya pa daw napapalinis yung sasakyan niya.

Nang makarating nako sa tapat ng bahay nila Josh ay bumusina ako ng tatlong beses sign na nandito na ko.

Sakto namang lumabas na si Josh ng bahay nila at nakita ko si Tita Dawn na lumabas din kaya lumabas ako ng sasakyan para mag-hi sa mama ni Josh.

"Hi Tita!" Sigaw ko sabay kaway kay Tita Dawn.

"Hi Justin! Bantayan mo yang best friend mo ah!"

"Hahahaha opo tita, wag kayong mag-alala mabait naman yan ehh, diba Josh?" Sabi ko sarcastically.

Tumingin naman ng masama si Josh sakin at nag-paalam na kay Tita at sumakay sa Kotse.

"Uy, mamaya akalain ni mama pasaway nga ako sa school" saad niya.

Hindi naman talaga siya pasaway sa school eh, katunayan isa siya sa mga laging nage-excel sa klase namen. Kaya nga minsan naiinis ako eh, pano lagi ko siyang kalaban.

"Hahahaha, wag kang mag-alala alam naman ni tita na hindi ka pasaway ehh, kahit kelan hindi ka pa nagkaroon ng ni-isang bad record sa school natin." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Nginitian niya lang ako at nag-cellphone na.

-

-

Bago pa kami makarating sa school, napansin kong busy siya sa Cellphone niya.

"Uy ha, busy ka ah! Sino yang ka-text mo?"

"Ha-ha? Anong ka-text? Wala..."

"Anong wala? Eh kanina ka pa nakangiti dyan eh"

"Ha? Hindi ah, marami lang akong nakikitang memes sa fb ko"

"Ahhh... okay, we're here!"

Bumaba naman agad kami ng kotse at sa hindi kalayuan ay nakita na namin sina Sejun at Stell. Actually, matagal na naming nahahalata na merong something sa kanilang dalawa, pero hindi nalang namin sila pinangungunahan.

"Josh! Justin!" Sigaw ni Sejun sabay kaway sa amin ni Josh.

"Uyyy!" Sabi ko naman at sabay nakipag-apir sa kanila ni Stell.

"Oh so pano? Didiretso muna kami sa room ahh, may group thesis pa kami ehh, di pa namin tapos ehh" saad ni Stell.

"Ahh, o sige. Basta mamayang lunch ahh?"

"Oo jah, ito naman kelan ba tayo kumain na hindi kumpleto?" Biro naman ni Sejun.

"Oh sige na pumunta na kayo sa room niyo, lilibot lang kami ni jah" sabat naman ni Josh sabay akbay sakin.

"Uy ha, may date kayo ah"pangaasar ni Stell sa amin.

"Anong date? Date ka diyan, tara na nga Josh" saad ko naman para maputol ang usapan.

-

-

Pagkatapos ng first until third class namin ay nagpunta na kami ni Josh sa Cafeteria para mag-lunch.

"Oh, bat meron na kayo?" Tanong ko nang makita kong may pagkain na sila Sejun.

"Ha? Eh ang tagal niyo ehh" sagot naman ni Stell.

"Uy Jah oh!" Biglang sabat ni Josh nang makita kong may dala na siyang pagkain naming dalawa.

"Oh ayan naman pala eh, kinuha na ng jowa mo pagkain niyo" pang-aasar ni Stell sa amin.

3 Boys in a Love Triangle ||JoKenTin SeriesWhere stories live. Discover now