CHAPTER 8

321 15 2
                                    

[JOSH' POV]

Lumuhod na ko sa gilid ni Jah para tanungin kung okay lang siya. Nagka-hika kasi siya nung bata pa lang kami, tas nawala din naman nung high school. Pero mahirap na baka bumalik pa hika nito.

"Okay ka lang Jah?" Tanong ko.

"Oo..." saad nito na hinihingal parin.

"Teka nga, kinakabahan ako sayo ehhh" saad ko naman sabay lagay ng panyo ko sa likod niya.

Napansin ko namang napatingin sila sa akin pero di ko nalang inisip pa, mahalaga hindi matuyuan ng pawis si Jah.

"Ken?"

"Oh?"

"Di mo man lang ba aasikasuhin si Jah?" Tanong ko naman.

"Ahh, wait lang" sagot naman ni Ken.

Hmmm.... ano nangyayari kay Ken? Hindi niya ba alam na may hika dati si Jah? Ang weird niya ah?

"Ako na dyan dre" saad ni Ken at pinunasan ang likod ni Justin.

Umalis naman ako at umupo na sa upuan ko. Habang ang lahat nakatingin naman sa kanila.

"Abaaa, ang caring naman pala ni Ken" saad ni kuya Yani.

-

-

-
Nang matapos na kaming kumain, naging okay naman na si Justin kaya umakyat na kami sa kwarto.

"Upo ka muna Jah" saad ni Ken. Habang ako naman, umupo sa may armchair.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ken kay Justin.

"Oo, okay na ko" sagot naman ni Justin.

"Wait lang ahh? May bibilhin lang ako sa labas"

Lumabas ako at pumunta sa 7/11 para bumili ng ice cream, yun lang kasi nagpapakalma kay Justin sa kahit anong pagkakataon.

Pagbalik ko ay nakit ko si kuya Yani na napatingin nang paakyat na ako ng hagdan.

"Ano yan?" Tanong niya sabay turo sa bitbit ko.

"Ahh, ice cream kuya para kay Jah, baka sakaling kumalma" sagot ko naman.

"Ahhh, actually nabigyan na siya ni Ken ehhh" sagot naman ni kuya Yani.

I don't know pero I felt really really sad and it broke my heart. Bakit ba kasi pili pa akong umeeksena sa kanila? May boyfriend na nga Josh Diba?! Kaya ka nasasaktan ehh!

"Ahhh, sayo nalang kuya oh" saad ko naman at iniabot ang ice cream kay kuya.

"Sure ka?"

"Oo kuya, sige akyat na po ako" sagot ko sabay akyat.

Pagdating ko sa kwarto...

"Oh? Anong binili mo?" Tanong naman ni Justin.

"Ahhh, wala...."

"Huh? Sabi mo may bibilhin ka dre?" Saad naman ni Ken.

"Ahhhh.... actually..... hindi na ko tumuloy, gabi narin kasi ehh" dahilan ko nalang.

"Ahhh, oh! Ayaw mo na Jah?" Saad naman ni ken sabay tanong kay Justin.

[JUSTIN'S POV]

Hmmm... totoo kaya sinasabi neto? Ma-chat nga si kuya.

 totoo kaya sinasabi neto? Ma-chat nga si kuya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
3 Boys in a Love Triangle ||JoKenTin SeriesWhere stories live. Discover now