CHAPTER 7

348 15 12
                                    

[JUSTIN'S POV]

Umakyat naman na kami ni Ken sa 2nd floor ng bahay at dumeretso sa kwarto ko.

"Wala pa naman siya diba?" Tanong ko kay Ken sabay upo sa bago kong kama.

"Wala pa" sagot naman ni Ken sabay sara ng pinto.

"Pano na? Change plan?" Saad ko naman kay Ken.

"Di mo kasi sinabi dito parin siya dre" sagot naman nito na parang ako pa may kasalanan.

"Eh hindi ko alam diba?" Sagot ko naman dito.

Tok* Tok* Tok*

Binuksan naman ni Ken ang pintuan ng kwarto ko at nakita naman si Josh at tumuloy naman ito at iniayos ang gamit niya.

"Oh? Aalis ka?" Tanong ni Ken sa kanya, habang ako nagaayos ng gamit.

"Ha? Ahh hindi, kinausap ako ni tita Bernadette na dito daw muna ako, kasi sila mama may urgent daw na business trip na pinuntahan, walang tao sa bahay." Sagot naman nito.

Sinenyasan naman ako ni Ken na change of plans na daw kami at tinanguan ko nalang.

Dapat kasi uuwi talaga si Ken, magkukunwari lang na dito sa bahay matutulog, pero ipinaalam din naman namin siya sa parents niya na nasa Canada.

"Oh, so pano pwesto natin? Dito nalang ako sa dulo?" Tanong ko naman sa kanila.

"Hindi sige, dun nalang ako sa guest's room" sagot naman ni Ken.

"Hindi sige Dre! Okay lang yan, dito ka nalang diba Jah?" Saad naman ni Ken sabay tingin sakin at binigyan ako ng OO-KA-NA-LANG LOOK.

"Ahh, okay lang yan Josh, ito naman parang di ka naman natutulog dito dati" pagsulsol ko naman kay Ken.

"Sure kayo?" Tanong nito.

"Oo naman!" Sagot namin ni Ken.

"San na yung gamit mo Ken?" Tanong ko naman.

"Ah, ito oh, hanggang bukas lang ang dinala ko" sagot naman ni Ken.

"Siya nga pala anong plano niyo sa Christmas Break?" Tanong ko naman sa kanila.

"Ako, wala sabi ni tita baka hindi agad makabalik sila Mama ehh" sagot naman ni Josh habang busy parin sa gamit niya.

"Ikaw Ken?" Tanong ko naman kay Ken.

"Wala din dre" sagot naman nito.

"Dre?" Tanong ni Josh at narealize naman ni Ken na hindi niya pala ako dapat tinawag na ganun.

"Ahh, gusto kasi namin parang natural lang" palusot nalang ni Ken.

"Ahhhh" saad naman ni Josh at nagpatuloy sa pagaayos nang gamit.


-

-

Pagkatapos namin mag-ayos ng gamit namin, nasakto namang tinawag na kami ni Kuya para kumain.

"Jah? Kain na tayo!"

"Opo kuya nandyan na!" Sagot ko naman.

Bumaba na kami at umupo sa hapag-kainan. Nakaupo si papa sa pinaka-harap sa gitna ng lamesa, habang si mama naman ang nasa kanan niya at si kuya sa Kaliwa, ako naman umupo sa tabi ni mama, si ken naman tumabi kay kuya Yani.

Huling dumating si Josh at mantang uupo sana sa tabi ni kuya pero nandun na si Ken.

"Ahh, ken? Pwede dun ka nalang kay Jah? Tabi nalang kami ni kuya." Saad niya naman.

3 Boys in a Love Triangle ||JoKenTin SeriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora