CHAPTER 6

368 15 6
                                    

[JOSH' POV]
Dahil sa narinig kong pinagusapan nila Stell at Sejun about 'something' sa social media, nang umalis na kami sa tambayan namin, habang paounta sa Room, ay napansin kong nagtitinginan ang mga tao sa amin. Napansin siguro nila na mas close na si Ken at Justin.

Kaya naman, habang nalilibang sila Ken at Jah, lumapit ako kila Sejun at Stell.

"Stell, ano yung nakita niyo kanina?" Tanong ko kay Stell.

"Huh? A-ahhh.... a-ano wa-wala hehe" sagot nito na nauutal at parang kinakabahan.

"Eh bat parang kabado ka?"

"Ano kasi ehh... teka, ganito kausapin ka nalang namin, Jah! Ken!"

"Oh?" Saad ni Jah sabay lingon, hindi parin talaga ako makapaniwala na sila na.

"Pupunta lang kaming canteen ahh?"

"Ahhh, sige" sagot naman ni Jah at umalis na.

"Ano ba yon?" Tanong ko kay Stell.

"Kasi ano... ayaw ni Jah na ipaalam sa ibang students na sila na ni Ken" bulong nito sa amin ni Sejun.

"Oh? Tapos?"

"Kasi mukhang nakakapansin na yung ibang students, may mga nakikita akong tweets na parang hindi na nga raw kayo close ni jah, kasi alam mo naman diba? Since senior high pa yung issue sa inyo ni Jah? Lalo na sayo?"

"Aling issue?"

"Yung kesyo may gusto ka daw kay Jah, ganito ganyan.... kaya maraming mga nabuong supporters niyo dito sa school. Ngayon, napapansin nila na si Jah at Ken ang mag-close ngayon, kaya yung iba malungkot, yung iba disappointed, tas ayun...."

"Anong ayun?" Tanong ko kay Stell.

"Nagsimula nang kumalat yung rumors na si Ken at Jah na" pagpapatuloy ni Sejun sa sinabi ni Stell.

"Oh, eh ano naman masama? Sila na diba?" Saad ko naman at napatingin sila sakin. Mukhang napansin nila na sinabi ko yung bitterly.

"Ahh, ayaw nga kasi nila na ipaalam sa ibang students diba? Maybe, they want privacy?" Saad ni Stell.

"Bat naman nila gagawin yun? Don't tell me pati sila Tita Bernadette hindi alam toh?"

"Ano... hindi, ata... hindi ko alam!" Sagot naman ni Sejun na nalilito na.

"Hindi ba magagalit si tita netoh?" Tanong ko naman sa kanila.

"Bat naman ako magagalit?" Rinig naming salita ng isang tunog babae na nanggagaling sa likuran ko.

At... si tita Bernadette nga iyon.

"Ay! Tita.... hehe wala ho"saad ko nalang.

"Hahahaha, okay lang. Alam ko naman na sila na ehh" saad ni tita na ikinagulat ko naman.

So official na talaga sila?! Tsss...

"Teka ano pong ginagawa niyo dito?"
Tanong ko naman para maiba ang usapan.

"Ahhh, dadalhan ko sana ng extra shirt si Ken ehh, pinadala ni Justin, eh nasakto papunta ako sa office tas dadaan din dito, kaya ako na nagdaan" paliwanag ni tita Bernadette.

Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Feeling ko ang sakit-sakit, kasi dati sakin ginagawa ni Jah yun, ngayon... wala kay Ken na. Hanggang ngayon pinipilit kong gisingin ang sarili ko sa panaginip na toh, pero mukhang totoo nga lahat ng toh. Hindi ko inaasahang dadating sa point na ganito. Yung point na maiisip ko na, sana pala dati pa lang inamin ko na, baka nagka-chance pa, baka ngayon palang kami na..

3 Boys in a Love Triangle ||JoKenTin SeriesWhere stories live. Discover now