CHAPTER 2

412 26 17
                                    

Pagdating namin sa room as expected pinaupo nga ni Justin si Ken sa tabi niya.

Hayy nakoo, puro sila kwentuhan, sana pala lumipat nalang ako ng upuan noh?

"Uhmm... Josh okay ka lang?" Tanong naman ni Justin sakin.

Mukha ba kong okay sa ginagawa niyo?

"Ah, oo" sagot ko naman kahit hindi naman talaga.

"Sure ka?"

"Oo nga..."

"Basta wag kang magseselos tulad ng sinasabi nila ah? Nandito parin naman ako para sayo eh, diba nga walang iwanan?" Saad niya naman sa akin dahilan para mabawi ang pagka-beast mode ko.

Niyakap ko naman siya at niyakap niya din ako.

"Okay lang ako promise." Sabi ko naman sa kanya.

-

-

Matapos ang klase namin agad naman kaming pumunta sa parking at as expected kasama nanaman tong si Ken.

"Ken, dito nga pala kami nagkikita kita kapag uwian, dito din nakapark ang sasakyan na gamit namin kapag pumapasok kami" paliwanag ni jah.

"Ahh, sige may sundo naman ako ehh kaya okay lang kahit walang parking" sagot naman ni ken.

"May sundo ka?" Tanong ko naman. Pano ang laki na niya, de-sundo pa siya?

"Ahhh oo, hindi ko pa kasi kabisado dito sa Pilipinas ehh, lumaki kasi ako sa states" sagot naman ni Ken.

May dahilan naman pala...

"Ahhh, kapag gusto mo maglibot-libot sabihin mo lang sakin ah? Nasayo naman na number ko diba?" Saad naman ni Jah.

"Ahh oo"

What?! Pati ba naman number?

-

-

[JUSTIN'S POV]

Nakarating na nga kami ni Josh sa bahay nila. Sabi ko stay muna ako saglit sa bahay nila bago ko umuwi sa bahay.

Tapos niyaya ko siya sa kwarto niya para maglaro ng games. Pero ang totoo kakausapin ko sana siya tungkol sa kanina.

"Josh?"

"Oh?" Sagot niya habang nasa CR at nagbibihis.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko naman.

"Huh? Oo naman" sagot naman niya habang lumalabas ng CR.

Umupo naman siya sa tabi ko habang ako nakatingin lang sa kanya.

"Okay ka lang TALAGA?" Sabi ko naman.

"Hmmm.... bat mo ba nasasabing hindi?"

"Kasi tahimik ka lang kanina ehh, tas parang beast mode ka"

"Medyo nagselos lang ako kasi parang all the time si Ken nalang yung kinakausap mo eh"

"Ahhh, sorry..." saad ko naman.

Yun naman pala ang dahilan, hayy nako... kung kami lang nito? Hindi na lang talaga ko lalapit sa iba. Eh kaso wala eh, mukha namang kaibigan lang ang tingin ni Josh Sakin.

"Wag kang mag-sorry jah, okay lang naman..." saad naman niya sabay hawak sa mga balikat ko bilang comfort sa akin.

Nginitian ko nalang siya at niyakap ng mahigpit.

"You will always be important to me, alam mo yan." Saad ko naman.

Na sa totoo lang gusto kong sabihin na importante siya sakin kasi... mahal ko siya, hindi lang bilang Kaibigan kundi higit pa.

3 Boys in a Love Triangle ||JoKenTin SeriesWhere stories live. Discover now