Kabanata 7

10.6K 678 1K
                                    

Rest

Matulin ang takbo ko palapit sa end zone namin habang tinatanaw sa likuran kung saan nakaposisyon ang handler. Pinasa niya ang disc sa isa pang teammate.

We're playing ultimate frisbee in the open field for our PE with another section. Kaharap ko ngayon ang isa sa mga player nila na nakabusangot at ngumingiwi sa akin. I raised a brow. What did I ever do to you?

I shoved her out of my mind at binalik ang paningin sa teammate kong nahihirapan sa pagpasa sa akin. The wind is harsh at natatakot siyang ma out-of-bounds ang pag-receive ko.

I tried to step sideways pero nilakihan ng kalaban ang agwat ng dalawang paa niya at bahagyang niyuko ang katawan. I dashed to the right before she could react, just in time for my teammate's pass. I felt a slight pain somewhere near my ankle at my sudden movement pero binalewala ko 'yon at tinuon ang pansin sa pag-receive ng disc.

Tumalon ako para sa disc and it was worth it after I heard the cheers of my classmates and the silence of the opposing team na kanina pa sigaw nang sigaw ng 'boo' sa amin. I inwardly smirked.

"Ayos ah, pwede ka na!"

I glanced at Gio, our team captain. "Para lang naman 'to sa activity. No need to make it serious."

"Totoo, Yna! Pwede ka ng maglaro sa team namin!" Aniya habang sinusundan ako.

Gio has been persistent in making me join the school's frisbee team. Hindi naman 'yon official. And it's that very reason why he wants me to join. Maybe he acknowledges my skill. But I'm pretty sure that's what he's after.

"The team's not even official." Uminom ako ng tubig.

"Maybe you can do something about it?" Ayon.

I put down my water bottle and turned to him.

"I can't really adjust anything for you, Gio. Vice President ako ng student government pero hindi ako miyembro ng sports faculty o ng school administration." Diretsong saad ko.

Napakamot naman siya ng batok. "Well, I know that. Sorry. But I really acknowledge your skill, Yna. It would be a pity 'pag 'di ka sumali. It's your last year in junior high."

Tipid lang akong ngumiti bago siya iniwan sa kiosk at tumakbo papunta sa mga kaibigan ko.

"Wow! 'Wag kang lumapit dito! Mga lampa kami! Sporty ka na!" Paunang untag ni Adel.

"Turuan mo kami!" Ani Vin na agad naman nginiwian nina Adel at Nadie. Maging ako ay napabusangot ang mukha sa kanyang sinabi.

"Hindi ka naman lampa. Bakla lang." Sabi ni Nadie sabay hair flip.

Sarkastikong tumawa si Vin. "Hindi niyo lang talaga matanggap na gwapo akong nilalang."

Hinayaan ko silang magtalo at tahimik na inayos ang gamit ko. Manang Esme called me to come home early awhile ago. May mga bisita raw at kailangan nandoon kaming lahat.

This visitor must be very important. Maski si Mommy ay maaga raw na aalis sa office to accommodate the guests for tonight.

I picked up my bag at nagpaalam na sa mga kaibigan ko. Hindi ko na sila hinintay pa na umalma at dire-diretsong umalis.

"Madapa ka sana hoy!" Malakas na sigaw ni Adel na tinawanan naman nina Nadie at Vin.

Umirap lang ako saka nagtungo sa waiting area ng school namin. Pagkarating ko malapit sa parking lot ay tanaw ko na agad si Manong Tonyo.

The car ride was uneventful. Pagkakalas ko sa seatbelt ay agad akong pumasok sa bahay. Mukhang wala pang tao. I guess I can still change into a comfortable dress. Nakagawian na kasi namin ang magbihis nang maayos para sa mga bisita sa bahay.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon