Kabanata 22

8.4K 508 926
                                    

Pieces

"I-I came here again to—"

"Ibalik niyo na po ako."

Walang pasubali akong tinalikuran ni Chaos. Napayuko ako at pinakiramdaman ang sakit na nanuot sa akin.

I've been repeatedly visiting him for the past few days. Walang patid. Araw-araw. Kinailangan kong magmakaawa sa ama ko para payagan akong pumunta kahit na sobrang tutol siya.

Last week, I visited him again at night. But I stopped when I realized I've been becoming a burden for the director. At baka rin naiistorbo ko ang pahinga ni Chaos.

So, I decided to visit when the sun is out, in the hopes that he'll finally open up to me when he's well-rested. Unfortunately, his treatment to me got worse. Along with his case.

"Yna, pakiusap, anak. Tumigil ka na."

Umiling ako.

"No, dad. Hindi pwede. Chaos needs to get out of there. Sila ni Kir at ang iba pang nandoon—"

He massaged the bridge of his nose.

"Ilang beses ka nang pabalik-balik doon. Pati Lunes na imbes ay bawal bumisita, ginagawan na ni Arman ng paraan. Wala namang nangyayari."

Natahimik ako. It's true that I've been a pain in the ass for the repeated favors I asked of them. Nilulunok ko nalang ang hiya at pride para lang makausap nang masinsinan at maayos si Chaos, kahit na ilang ulit na at wala pa rin akong napapala na kahit ano.

"Yna, I know you care for Chaos. But please, choose yourself, too. Kahit ngayon lang."

Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. Is that so? Am I being selfless again? Bakit hindi ko naman 'yan maramdaman?

I still went anyway.

I trudged the path again. Pamilyar na sa akin ang mga mukha ng mga pulis dito. 'Pag nakikita nila ako ay may awa sa kanilang mata. Mayroon ding mga umiiling nalang sa ginagawa ko. Minsan din ay naririnig ko silang pinag-uusapan ako sa kabila ng mahihina nilang boses at ingay na nagmumula sa mga selda.

"Kawawa naman. Siguro gusto niya lang talagang makausap nang masinsinan 'yong suspek. Alam mo na, dagdag ebidensya."

No, you got it wrong. I'll never do that. Not to them.

"Pero parang hindi naman? Wala nga raw 'atang balak magsampa ng kaso ang mga Amante."

"Shh! Baka marinig ka! Pero totoo ba 'yon..."

Their talk drowned in the sea of voices and other noises in the place. Hindi ko 'yon inalintana at sinunod lang ang mga yapak ni Daddy tungo sa pribadong visiting area.

Hinila ko nang marahan ang dulo ng kanyang polo. Agad naman siyang lumingon sa akin at nag-alala.

"What is it, darling?"

"Thank you, Daddy," mahinang usal ko.

I know how selfish I've been for the past weeks until now. And still, even when he's hurting, he never failed to make me feel that I'm not alone.

His eyes softened.

"Anything for you, Yna. Pero sana, sana matauhan ka na, anak."

I can only look down. I'm sorry, daddy. Pero ilalaban ko 'to. Hindi ko kayang tanggapin ang maling hustisya. Kung may laban ako, ilalaban ko 'yon.

"Hintayin niyo na po muna si Sir Arman," ani babaeng pulis.

Tumango naman kami. Ganito palagi ang eksena. Bawat araw na narito ako ay walang bago sa nagaganap. Ganoon pa rin. Iniiwasan pa rin ako ni Chaos. Pero hindi pa ako nawawalan ng pag-asa.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon