Kabanata 30

9.6K 555 968
                                    

Drive

My heart wouldn't stop pounding.

Binuka ko ang aking bibig para magsalita. Pero walang namutawing salita mula sa akin. I just closed it and felt my heart race uncontrollably.

There he is with his piercing hazel eyes that seem to be weighing my reactions at this moment.

I was about to speak when someone repeatedly called him.

"Mayor! Saan ko po 'to ilalagay—"

Napaatras ang binatilyong may dala-dalang sako ng bigas nang makita ako. hIndi ko alam kung kilala ba ako nito o naramdaman niya lang ang tensyon mula sa aming dalawa.

"Sa likod ng multicab 'yan, Andoy!" tawag ng kasama niya.

Umalis naman ito agad. I was a little bit distracted by that boy, but now that he's gone and we're left alone, dumoble ata ang tensyon sa paligid.

Or maybe it was just me who's being so tensed now?

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. He looks the same, except that his muscles are well-defined now. His piercing hazel eyes remained underneath his thick lashes, and all the other features of him I could never forget, even in different lifetimes.

Walang nababakas na kahit ano sa mukha niya. Walang iritasyon, walang panlalamig, walang kasiyahan, walang kahit ano. He just looked at me like I'm some... old acquaintance.

He looks the same, yes. But he feels so different. That even when he's only a few feet away from where I was, he's still too far from my reach.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya.

"I... w-was, uh, going to V-Valenzuela," I stuttered.

Nag-angat siya ng isang kilay.

"Hindi 'to Valenzuela."

May idudugtong pa sana siya ngunit sa huli ay umiling siya.

"N-Nasira ang sasakyan ko," maliit na ang aking boses ngayon.

"Wala nang talyer ang bukas ngayon dito. Paano ka pupunta roon?"

"M-Mag-tataxi nalang siguro ako."

He clenched his jaw. May nasabi ba akong mali?

"Or I should just... go home—"

"Lando!" hindi niya ako pinatapos.

Tinignan ko ang tinawag niya galing sa malayo at nakita ko ang tumatakbong binata patungo sa direksyon namin.

"Aalis na ho ba kayo?" magalang na tanong ni Lando.

"May ihahatid lang," aniya habang hindi inaalis ang titig sa akin.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig sa kanya. Hindi pa nakatulong ang pagkalabog ng aking puso.

"Oh?"

Napatingin si Lando sa akin at bahagyang ngumisi.

"Ayos 'yan, Mayor! Gumagalaw ka na rin! Tamang-tama at tumatanda na kayo," biro niya.

Umiling lang si Chaos at pinatunog ang kanyang sasakyan na nasa gilid ng El Hogar. Natanaw ko naman ang mga abalang tauhan na nag-iimbak ng mga sako ng bigas papasok sa gusali at papalabas tungo sa dalawang multicab na nakapwesto malapit sa kabilang poste.

"Halika na, ihahatid kita."

Napunta sa kanya ang atensyon ko at aalma na sana ngunit nakita ko siyang papalayo na. Malalaki ang kanyang mga hakbang tungo sa sasakyan. Hindi ko naman maigalaw ang mga paa ko.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon