Kabanata 23

8.5K 503 688
                                    

Fall

I thought I could hold as many things as I can.

When I was young, I did ballet, played the piano, studied a lot during the summer, and painted. I was used to doing everything I wanted and did not want. I lived in the illusion that I can do everything and I can win anything.

But now, as I feel things slipping past my hold, I am slowly beginning to feel tired.

"We have to move out, Walter. Hindi ko na kayang protektahan si Yna rito. Masyado nang nagkakagulo ang media—"

I plugged my earphones in and listened to hard rock instead, just so I wouldn't hear anything.

Last week was a wreck. Nakakuha ng tip ang media na pumupunta ako sa provincial jail ng Pampanga. Halos utusan ni Daddy na pagbabarilin ang lahat ng gumugulo sa akin pagkalabas ko sa lugar na iyon.

They were asking me for any statement, to which I never bothered answering and just rode the car right away. Dinoble ni Daddy ang security ng bahay na 'to dahil sa mga nagkukumpulang media kahapon.

Hindi nila kami tinantanan. Sinundan nila kami hanggang sa bahay. May iba pa na naghihintay na pala roon magmula noong umalis kami.

"Even here in Makati is not safe anymore. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko, Manang."

Umiling si Manang Esme at hinagod ang likod ni Daddy. Guilt was creeping in. Ako ang nagpumilit na pumunta. Pero wala man lang akong magawa.

I almost laughed at the thought. Silly. Of course, I know what to do. I very well know how to do it. But I don't have the heart to do so. Kahit na pagod na ako, gusto ko pa ring ubusin ang lakas ko para lang sa hustisyang gusto kong maabot.

"Makakalimutan din 'yan ng media, Fidel. Bigyan mo ng panahon ang mga bagay-bagay. Baka bukas o sa makalawa, wala na 'yan."

But even now, wala pa ring pag-usad ang topic ng media na nakasentro sa buhay namin ngayon. Hindi na ako nakakalabas ng bahay pag araw. Madalang nalang din sa gabi.

Wala akong alam sa kaso nila Chaos. Iniiwasan ni Daddy na mapunta sa ganoong topic ang usapan namin. And I can't blame him. He doesn't want me involved. Pero ako 'tong nagpupumilit sa ngalan ng hustisyang alam ko.

"Hello, Miss Salvacion?"

It was by chance that I found mom's ex-secretary before when I visited a café in Pampanga. Halos hindi niya ako mamukhaan dahil sa ayos ko habang ako ay tandang-tanda pa ang itsura niya mula pagkabata ko. Matagal na siyang umalis sa pwesto at nagtatrabaho na sa munisipyo ng Pampanga.

"Serena? Mabuti't natawagan mo na ako."

It was an emotional day. Umiyak siya nang umiyak. I didn't cry, though. Because I felt like I already cried enough tears, that the pain I feel is the only representation of my grieving heart at this point.

"About the things I asked you last time po, pwede na po bang makuha?"

"Oo, oo! Pupunta ako sa café mamaya."

"Sige po. Thank you," at binaba ko na ang tawag.

Hindi alam ni Daddy ang ginagawa ko. But I'm desperate. Sa bawat patak ng segundo sa orasan, lalo lang nitong sinasabi sa akin na umiikli at lumiliit ang mundong ginagalawan ko.

Nagpalusot ako na bibisitahin si Kir. Kahit na ang sadya ko lang naman talaga ay ang café at wala nang iba.

When I received the files, I reasoned out that I'm not feeling so well and immediately went home. Mabuti nalang at hindi na nagtanong masyado ang mga guard pagkakita sa nakasukbit kong backpack.

A Day in the Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon