Chapter 1 Kiss

1.4K 35 5
                                    

Chapter 1

Kiss

"Aio!" napalingon ako sa tumawag.

Kababa ko lang nang footbridge at nagmadaling lumapit sa tumawag. Natanaw ko kaagad doon ang aking kaibigan. Masaya akong ngumiti at lumapit.

"Casimiro!" irap kaagad ang binalik niya sa akin.

"Nakakaloka ka talaga Aio! Cassy nga! Jusko hihimatayin na ako sa Casimiro na iyan napakatagal na nating magkaibigan!"

Natawa ako sa kanya at nahiya din dahil napakalakas nang boses niya. Iyong mga nagmamadaling pumasok ay napapabaling pa nang tingin sa amin. Siniko ko siya.

"Ang ingay mo. Nakapasok nga pala ako sa La Granja de Flores..."

Nalalaki ang mata niya akong hinawakan sa braso. Niyugyog niya pa ako na tila tuwang tuwa.

"Omg! Ako din Aio! We're super galing talaga my gosh!" hindi ko talaga alam kung kailan ako makakapag adjust sa ingay niya.

Sa tahimik kong ito hindi ko din alam bakit ako nagkaroon nang kaibigan gaya niya. Madaming maingay na babae pero wala na yatang iingay sa mga bading. Well, hindi naman lahat.

"Ang ingay mo talaga!" mahina pero may diin kong bulong sa kaniya saka hinila sa student's pathway.

Chineck noong guard ang mga ID namin at saka kami tumuloy sa loob.

"Para namang hindi ka pa sanay sa'kin!"

Natawa ako habang naglalakad. We've been friends since the first year college at hanggang ngayon na graduating na kami. Una niya akong inaaproach noon dahil magisa ako. Sabi niya ang ganda ko naman daw pero bakit wala akong friends?

Natawa lang ako pero hindi ko alam na sasamahan na niya ako since then. Palagi niya nga lang akong pinapagalitan dahil sobrang mahiyain ko daw samantalang kasi siya, sobrang makulit, maingay at friendly.

May friends naman ako noong high school pero hindi iyong tipong pang matagalan. Nagkikita parin naman kami noong iba dito at nagbabatian naman. Iba iba na rin kasi kami nang course at ako lang ata ang nasa agribusiness na course sa mga naging kaklase ko dati.

"Hala ang yummy!" bulong niya sa akin nang mahinto kami sa science and technology na building.

Naka tingin siya sa may parking at napailing nalang ako at hinatak siya.

"Ma lalate tayo."

Sumimangot siya at bahagya akong tinampal sa braso na nginitian ko nalang. Nang makarating kami sa main building na nasa bandang kaliwa ay ang daming tao. Kahit sa basketball court na nasa gitna nang main building ay may naglalaro kahit ang aga pa.

Pumanhik kami ni Casimiro sa third floor para sa unang klase namin. Tungkol iyon sa aming internship dahil ito na nga ang gugugulin naming para sa second sem. Isang thesis nalang at internship.

"Excited na talaga ako sa OJT natin! We're so like destiny! Feeling ko kasi pretty tayo kaya tayo ang nakuha nila." Salita nang salita si Casimiro habang nakatingin sa compact foundation niya at nananalamin.

Wala pa kasi iyong prof namin kaya puro daldal lang siya. Ang iba kong kaklase ay nag k'kwentuhan at nagtatanungan din tungkol sa pinag apply'an nila para sa ojt.

"Puro ka talaga kalokohan."

"Duh! That's the truth kaya!"

"Nakapasok kayo sa La Granja Aio?" tanong ni Nollan nang marinig kami ni Casimiro.

Ngumiti ako at tumango. "Oo..."

"Ang galing naman! Congrats Aio!" masaya niyang sabi habang nagaayos nang gamit niya sa mesa.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Where stories live. Discover now