Chapter 7 Girlfriend

786 29 1
                                    

Chapter 7

Girlfriend

Masungit kong kinuha ang cellphone niya nang iabot niya sa akin iyon. Naiinis padin ako sa ginawa niya pero nag sorry naman siya kaya papalagpasin ko nalang. Mukha naman siyang nagsisisi.

Lumabas ako kaagad ng office niya ng iabot ko pabalik ang cellphone niya. Natatawa naman siyang humabol. Napasunod pa ng tingin sa amin ang receptionist nang sundan ako ni Javier hanggang sa labas.

"May gagawin ka sa sabado?"

Napatigil naman ako at hinarap siya. "Meron."

"Iyong weekly report mo? Sa café?"

Hindi ko alam kung bakit tama siya doon pero tumango padin ako.

"Oo." Sagot ko at tumalikod na ulit. Sumunod padin naman siya.

I saw some workers looked our way, sa hiya ay mas mabilis akong naglakad.

"Saan ka ba pupunta?" mahina kong sabi kahit naglalakad.

"Kung saan ka pupunta."

"Wala ka bang trabaho?"

"Meron. Kanina. Ngayon wala na."

Huminto ako at tumingin sa kaya. Naningkit ang mata ko at nanatili naman siyang naka ngisi sa akin.

"Huwag mo akong sundan."

"Why?"

"Hindi ba, galit ka sa akin?"

Nawala ang ngisi niya at kumunot na ang noo.

"I'm not mad. I'm just upset. I told you I'm sorry..."

"Why are you upset?"

He sighed and shook his head. Tila alam naman ang rason pero pinipilit huwag sabihin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Parehas kaming napalingon ng may tumawag sa kaniya. From a far, I can easily tell who is she.

Iyong girlfriend niya.

"Javier! Nandito ka lang pala!" sabi nito ng makalapit at hindi pa ako napapansin.

Iniisip ko ngayon na baka iba na naman ang isipin niya sa amin. Pero sabi ni Javier hindi niya ito girlfriend? Ano ang ginagawa dito kung ganoon. Wala pa naman akong sinasabi pero tila nagiging defensive na ang mata ni Javier nang tumingin ako sa kaniya.

Lumingon sa akin ang babae at nagtaas ng kilay ng mamukhaan siguro ako.

"Lucille." Agaw ng pansin ni Javier.

"Aalis na po ako... sir..." I fake a smile and turn away.

"I miss you!" rinig ko pang lambing noong babae.

Mas binilisan ko ang lakad. Hindi girlfriend? Nakita ko pa ang tingin ng ilang trabahador pero wala na akong pakialam. Kung hindi girlfriend bakit bumibisita dito? Singungaling talaga iyon. Not that I expect him to be honest but atleast, right?

Sana sinabi na lang niya ang totoo nang sa ganoon alam ko ang sasabihin kung sakaling sugurin na naman ako ng babae niya. O baka hindi niya girlfriend at fling lang? O isa sa mga girlfriend niya na hindi niya matandaan?

"Kunot na kunot ang noo girl?" tukso ni Casimiro nang makabalik ako.

Hindi ko naman napansin na naka kunot nag noo ko kaya pilit kong itinago iyon.

"Anong nangyari?" tanong ni Joshua nang maupo ako sa tabi niya.

Umiling lang ako at hindi nagsalita. Tahimik na nakamasid si Casimiro kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tinikom naman niya ang bibig na nagbabadya ng ngiti at tila nanunukso.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Where stories live. Discover now