Chapter 38 Doing

583 15 0
                                    

Chapter 38

Doing

I didn't go to office the entire day. Hindi rin ako umuwi sa condo. I stay outside, rode a taxi and told the driver to drive me anywhere. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung kanino ako pupunta.

I don't want to go to Casimiro, it'll be unfair that after I left him for years, I'll bother him for another problem. Ayaw ko rin pumunta kay Kyle, he's probably tired carrying my problems with him all these years. I can't even go to my cousins, wala rin silang alam.

With my shattered heart and heavy eyes, I keep it all to myself, thinking and wondering around. Kahit sabihin kong hindi ko na alam ang gagawin, may nananaig sa aking isip na dapat noon ko pa ginagawa, o may mga bagay akong pinagsisisihan na sana hindi ko ginawa.

Of course, wala naman akong magagawa sa gusto ng Mama ni Javier. Hindi ko siya kayang labanan. Malaking takot ko na iyon noon pa man. Alam kong ayaw niya sa akin, maybe even before all of this happened, inisip ko na na baka ayawan niya ako. They are just too far from me. At ngayon, mas lalo na.

I was spacing out the whole day. Wala akong sinasagot na tawag o text. Madilim na, nang makarating ako sa building ng condo. I was walking wearily, after hours of thinking, hindi ko pa din alam ang sasabihin kay Javier kung magkikita kami. Isa lang naman ang kahahantungan ng lahat ng ito.

Isang mainit at mahigpit na kamay ang bumalot sa aking braso, dahilan para magulat ako at mapalingon. Javier's dark, gloomy and sorrowful face greeted me, making me gasp. Napakurap ako at inisip pa kung totoo bang nasa harap ko siya ngayon. Matagal ko siyang tinitigan bago ako umiwas ng tingin, marahang inalis ang pagkakahawak ng kaniyang kamay, at humakbang palayo.

I looked away hoping my tears will stay where they should be. The cold wind blew, the soft talks of few people makes everything so natural and simple, pero hindi para sa akin. I feel like we're at the end of a cliff, end of a diving spot, last page of a book. Kailangan nalang ng isang hakbang, isang beses na lipat at pagsara, para matapos na ang lahat,

"Let's talk..." he uttered in a gentle voice.

Muli akong tumingin sa mga mata niyang naninimbang at puno ng pagiingat, habang hindi niya inaalis ang mariin niyang nakatitig na mga mata. Umiling ako ng bahagya, hindi makaipon ng lakas ng loob para sumambit ng mga salita.

"About the news..." he didn't let me speak. And I wish, sabihin niya nalang na totoo iyong balita, para mas mapadali ang lahat. "It's not true. Hindi mo naman pinaniwalaan iyon di'ba?"

Tanong niya sa huli na puno ng pagasa na sana nga, hindi ko iyon pinaniwalaan.

"I know you're upset. But you should know that it's not true. Azalea, hindi ako magpapakasal sa iba."

Hindi ko alam kung bakit naginit ang sulok ng aking mata, sa katotohanan na iyon talaga ang gusto kong marinig, o sa pagsusumamo na nakikita ko sa kaniyang mga mata na dapat, hindi naman niya ginagawa para sa akin.

"Javier," I called when I finally found a courage to speak. "Tigilan na natin 'to..."

His mood quickly changed. His eyes became darker that it almost scares me. Kumunot ang kaniyang noo at inilang hakbang ang pagitan namin. Hindi niya ako hinayaang makalayo, he held my elbows, and look at me straightly.

"Tigilan na talaga natin ito Azalea. Stop running away. I won't marry anyone else, I know I made you upset because of that but what you're saying is too much." He said with brows furrowed, and clenching jaw.

I tried to moved away but he didn't let me. Umiling ako at halos magmakaawa sa harap niya.

"Ayaw ko na. Tigilan mo na 'to... we s-shouldn't see each other again..."

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Where stories live. Discover now