Chapter 32 Fault

528 12 0
                                    

Chapter 32

Fault

Hindi ko na nakausap pa ng maayos si Javier nang magsimulang dumating ang mga bata. We're helping to prepare everything for the kids with the help of other staffs. Hindi ko alam kung bakit nandito din si Javier kaya kanina pa ako kinuulit ni Casimiro na kunwari pa daw akong hindi ko boyfriend si Javier kahit halata naman.

Ayaw ko naman kwestyunin ang pagpunta dito ni Javier. He brought many things and foods, at para iyon sa mga bata kaya mas sumaya ang loob ko. We introduced ourselves to them to make them comfortable.

Tatlong taon ang pinakabata na nandoon at hindi ko maiwasang pisilin ang kaniyang pisngi dahil ang cute niya. She's a girl and she have bangs that cut short just in the middle of her forehead, halatang bitin, pero ang cute sa kaniya.

There we're about thirty-five children. Buti nalang ay hindi na sila ganoon kaliliit at hindi ganoong malilikot. I was actually having fun, they kept me entertained the whole time. Pagkatapos namin magpakilala ay binigyan namin sila ng ilang activities na gagawin para makapaghanda naman kami sa lunch nila.

I smiled when I saw Javier talking to one of the young boys. He patted his head and turn his eyes to me. He smirks when he saw me and bid his goodbye to the kid. Napakurap naman ako at umayos ng tayo.

"Bakit ka ba nandito?" mahinang tanong ko.

Tumaas naman ang kilay niya, "Nag d'donate? Bawal ba?"

My lips protrude while looking at him. Kapag siya ang nagsasabi, ang hirap paniwalaan e. Mahina siyang natawa sa paraan ng tingin ko.

"I want to spend the day with you but you're busy so I made a way."

Hindi rin naman ako sasama kahit pa wala akong gagawin. Hindi ko na iyon sinabi sa kaniya. Umiling nalang ako at tumalikod upang tingnan ang mga pagkain. Natanaw ko doon si Casimiro na inilalagay sa mahabang lamesa ang mga hinandang pagkain.

"Cachorro! Ano? Tulong tulong din, hindi niyo 'to date ha!" pangaasar niya sa akin.

Lumapit ako at mahina siyang tinampal sa braso. Nakakahiya talaga ang bibig niya kahit kailan.

Napalingon ako kay Javier nang tumabi siya sa akin. He lifted my wrist and folded my sleeves. Nagugulat lang akong tumingin sa kaniya. Seryoso naman siya sa pagtaas ng sleeves ng aking soot hanggang sa aking siko.

His sharp jaw is very defined from my view. Ang maitim at seryoso niyang mata at nakatuon sa pagtutupi ng aking soot. Nang matapos ay kinuha niya ang kabila ko pang pulsuhan at ganoon din ang ginawa.

"You'll get food stain on this..." he whispered and I blinked.

Hindi ko alam na pinagtutuunan pa niya iyon ng pansin. Nang matapos sa ginagawa ay nagtama ang mga mata namin. He smiled and poke my nose. Napaurong naman ng bahagya ang aking ulo. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi nawala ang kaniyang ngiti.

"I'll get the kids..."

Hindi na niya ako hinintay makapagsalita bago umalis. Naramdaman ko nalang ang paghampas ng hips sa akin ni Casimiro.

"Luh luh luh! Ano iyon ha! Ang lalandi?!"

Natawa nalang ako saka pinagpatuloy ang ginagawa. The kids line up after to get foods. Nakangiti naman ako habang naglalagay ng pagkain sa mga pinggan nila. Nang matapos ay sumabay na din kami sa pagkain.

I was getting my food when my phone vibrated.

Kyle

Nasundo ko na sila Tita. Nasa condo na sila. Thanks to me!

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Where stories live. Discover now