Chapter 36 News

551 11 0
                                    

Chapter 36

News

Tahimik ako hanggang sa makarating sa unit ni Javier. I can't help but roam my eyes around as I stepped in. His unit was a mixture of grey and white and a little touch of brown. Malaki ang living room niya at nakahawi ang kulay abong kurtina, dahilan upang makita ko ang veranda.

Napakurap ako ng mapansin na nakatingin sa akin si Javier. My heart is pumping fast and hard continuously. Kahit anong pilit ko sa kaniya kanina na huwag kami dito ay hindi niya pinakinggan.

"I really want to make you food," he uttered in a soft voice.

Naningkit ang aking mata, iniisip kung totoo ba ang sinabi niya. Lumapit siya sa akin na hindi pa din gumagalaw mula sa bukana ng pinto at marahang inalis sa aking katawan ang sling bag ko. Napatitig lang ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon.

"I'll put this on the sofa. Can you watch me cook?"

Wala na akong nagawa kundi ang tumango nalang. Mabagal ko siyang sinundan sa sala at papuntang kitchen. Napalinga ako bago bumaba ang tingin sa kaniya na nagsimulang magayos ng mga gagamitin.

I was intently looking at his huge and broad built as he swiftly moves, grabbing things he will use to make us food. Naupo ako sa highchair at tahimik siyang pinagmasdan. His kitchen is so neat I will mistake it for a girl's unit.

"Uh... ang dami mong stock? Lagi ka bang nagluluto?" mahina kong tanong.

Lumingon naman siya sa akin at ngumiti habang tinutupi niya ang kaniyang sleeves hanggang siko. Hindi ko maiwasang mapatingin doon at pagmasdan ang kanyang braso. His veins are protruding in simple move that I think it's not normal.

"I bought yesterday. I cook sometimes."

"Bought yesterday? Pinaghandaan mo ba ito?"

He shrugged and grin, "You can say that."

Napailing nalang ako at sinabihan siyang gawin na kung ano man ang kaniyang lulutuin. Nakasunod lang ako sa bawat galaw niya. Hindi ko maiwaglit ang aking tingin kahit pa wala namang kakaiba sa kilos niya.

I just can't help to be amaze that I can now look at him without thinking too much. Marami akong pangamba, hanggang ngayon. Pero ang matitigan siya ng ganito ay parang nakakapagpawala ng lahat ng iyon. Parang ayos lang. Parang ayos na.

"Stop staring too much." He said without turning to look at me.

My lips pouted, "Sabi mo panoorin kita?"

"I did. I forgot your stare is actually distracting."

Natawa nalang ako sa kaniya at hindi na pinansin pa ang sinabi niya. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at sa niluluto niya. Nagprisinta akong tumulong pero hindi siya pumayag kaya itinuon ko nalang ang aking oras sa panonood sa kaniya.

Hindi ko alam kung gaano iyon katagal but he was able to cook steak, the only one I recognize from the other cuisine. Hindi na pamilyar iyong iba dahil parang hindi ko pa iyon na try. O nakita ko na sa mga restaurant or nakain sa ilang party ng kompanya pero hindi ko na matandaan.

He can't hide his grin when he looks at me. Tinaas ko naman ang aking kilay, nagtatanong kung bakit ganoon siya makatingin.

"I'm quite good right?"

"Hindi ko pa nga natitikman."

His smile widens and walk closer to me. Dahil nakaupo ako sa highchair ay halos magpantay kami. Naramdaman ko kaagad ang malakas na kabog ng aking dibdib sa simpleng paglapit niya. Kumurap ako at pilit kinunot ang aking noo.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon