Chapter 33 Eat

526 8 0
                                    

Chapter 33

Eat

Hindi pa din nagising si Papa sa mga sumunod na araw. The doctor told us it would make him five or more days to wake up, pero sa mga oras na dumadaan mas lalo lamang akong kinakabahan sa pwedeng mangyari.

I just want him to wake up, and if something else is wrong, we'll deal with that later. Hindi ako aalis dito sa tabi ni Papa, ni Mama, kahit ano pa ang mangyari.

"Kumain ka muna Aio..." tumabi sa akin si mama sa couch, "Hindi ka pa kumakain ng maayos."

"Ayos lang ako Mama. Kayo po ang dapat kumain..."

Napansin ko ang malungkot niyang mga mata sa akin, habang ako ay nanatili ang tingin sa harap, kay Papa.

"Hindi matutuwa ang Papa mo sa ginagawa mo..."

I sighed and looked down, fighting my tears.

"Namimiss ko na si Papa..." I uttered quietly.

Mama hugged me and rested her chin on my shoulder. Her touch feels warm over my skin, making me feel secure and a bit sad.

"Lagi naman nandito si Mama. Alam ko, namin ng Papa mo na hindi ka maayos nitong mga nakaraang linggo pero hanggang ngayon, hindi ka nagsasabi sa amin?"

Umiling ako, iniisip palang ang mga bagay na ayaw ko nang sabihin pa sa kanila. The cold air feels colder as my stomach turns for feeling scared of everything.

"Parehong pareho kayo ng Papa mo. Sinasarili ang problema. Paano ka matutulungan ni Mama?"

"Si Papa lang naman po e. Ang kulit kulit kasi ni Papa ayan tuloy..."

My mom touched my face making me turned to her. Pinahid niya ang luhang lumandas sa aking pisngi bago ngumiti sa akin ng malungkot.

"Nagusap na ba ulit kayo ni Javier?" maingat at mabagal niyang tanong.

I looked away, "Mama..."

"Hindi mo naman pwedeng takbuhan lagi ito Aio..." I cried just by thinking of him.

Ilang araw na siyang tumatawag at nag t'text sa akin pero ni isa doon ay hindi ko sinagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Natatakot din ako sa sasabihin niya sa akin, kahit ano pa iyon.

Nakatulugan ko ang pagiyak sa couch. Hindi ako nagsalita kay Mama dahil ayaw ko nang sabihin pa sa kaniya ang nasa isip ko. Ayaw ko nang dagdagan pa ang nararamdaman at iniisip niya ngayon.

Kaya ko naman sarilihin, I've been doing that for the past years, iiyak lang ako pero kakayanin ko pa din naman.

It was the sixth day when Papa woke up. Ako ang unang nakakita sa kaniya nang magmulat siya ng mata. I was busy talking to him even when's still asleep, nagulat ako ng makita siyang nagmulat ng mata.

"P-Papa..."

Hindi mapakali ang kaniyang mata, at halatang nag aadjust at nasisilaw. Nang tumama sa akin ang kaniyang mata ay nahigit ko ang aking hininga. I was about to asked if he's oaky when he groaned loudly that made me jump.

Humawak siya sa kaniyang ulo habang dinadaing ang sakit. Naestatwa ako doon at narinig ko nalang ang pagpasok ng doktor at ilang nurse. I froze there, watching my father twisting in pain. Mabilis na tumulo ang aking mga luha habang hawak siya ng mga nurse sa balikat at pilit na pinapakalma.

I was catching my breath, nararamdaman ang panlalamig ng kamay at batok pati ang kabigataan ng ulo. Nakita kong mas lumapit si Mama kay Papa habang humahagulgol sa iyak, kasunod si Kyle.

I blinked slowly, feeling heavy and more unaware of what's happening. Si Kyle ang huling nakita ko bago ako pumikit at nawalan ng lakas sa katawan.

Flowers and Bullets (Macimilian Series #2)Where stories live. Discover now