Chapter 1: Regrets

18 4 0
                                    

Chapter 1: Regrets


Totoo ba talaga yung love?
Is there such thing as destiny? Meant to be? Right people, wrong timings and vice versa?
Or we just had too much romanticization about them because of our desires of having 'happy endings' with the ones we love the most?

Hindi na kasi ako naniniwala sa pag-ibig. Parang hirap na hirap na akong maniwala muli dahil sa nangyari. Ngayon, para sa akin, ang pag-ibig ay tila nabubuhay lang sa talinhagang ginagamit natin sa bawat naisusulat na tula. Hindi totoo at isang kathang isip lamang.

Hindi ko na alam.

Siguro, masyado lang natin pinapakomplikado ang salitang pag-ibig.


"Akala ko wala na akong nararamdaman para sa kanya..."

"Akala ko wala na akong pakialam...

Pero bakit ganun? Hinahanap ko siya ngayon dito. Nagbabakasakaling mapipigilan pa siya."

(Busy people chattering around.)

"Basti!"

Biglaan akong pinapapunta ni Marah sa isang Milktea shop na lagi naming pinupuntahan sa may Rotonda. Nagmadali pa nga ako dahil sobrang urgent daw ng sasabihin niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang nya sabihin sa akin sa chat at kung bakit kailangang personal pa. Pwede niya rin naman sa'kin sabihin sa bahay kasi magkasama lang naman kami kanina.

Tapos mamadaliin niya ako ngayon! Hmp!

"Saan ka na? Dalian mo," iritableng utos ni Marah na nasa kabilang linya.

Buti na lang ay agad akong nakasakay ng jeep.

"Bayad po."

"Saan to?"

"Sa may Rotonda kuya."

Hindi gaanong marami ang mga estudyanteng sumasakay pero traffic.

"Teka lang, medyo ma-traffic dito palabas ng España." Galing pa kasi ako sa dorm na tinutuluyan namin malapit sa UST.

"Sige, sige." Kung bakit ba naman kasi kailangang sa may Rotonda pa kami magkita. Eh pwede namang dito na lang since marami namang milktea shops dito around U-belt.

Kung sa bagay, maaga kasi siya umalis kanina para makipagkita kay Ced.

Napakalayo ng tingin ko. Pinagmamasdan ko ang kalsada mula sa pwesto ko sa loob ng jeep na sinasakyan ko.

Ilang saglit pa ay bumalik ako sa ulirat at tanaw ko na ang mall sa may istasyon ng tren.

"Medyo malapit na ako. Saan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Sa Serenitea. Bilis. Baka di mo maabutan."

"Ang alin?"

"Basta."

Pagkababa ko ng jeep ay nagmadali akong pumunta sa lugar kung nasaan siya.

Ang nasa isip ko ay baka ang hindi ko maabutan is promo ng Serenitea. Malay ko bang may promo Serenitea ngayon eh kakamilktea ko lang kahapon.

Yes, milktea na ang dugo ko.

Hingal na hingal akong pumasok sa Serenitea. Tagaktak ang pawis ko at buti na lang hindi halata sa t-shirt ko na kulay dilaw na basang-basa na ako ng pawis.

"Hooh! Ano ba kasing sasabihin mo?" iritableng tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang pawis ko. Kasama niya pala ngayon si Ced.

"Oh akala ko ba sa isang linggo pa gala nating tatlo? Di pa ako tapos sa worksheet ko eh haha!" dagdag ko.

When It Fell Apart - "Pag-Asa" Where stories live. Discover now