Chapter 3: Opportunities

12 4 0
                                    

Chapter 3: Opportunities


(music on earphones)

"Ipikit mo man ang iyong mata, di pa rin naman mag-iiba. Nabalutan ng poot ang puso mo."

Napakaluwag ng kalsada at daanan paakyat sa istasyon ng tren. Isa na namang mahaba-habang akyatan ito. Medyo maaga pa, alas nwebe pa lang ng umaga at maaga na iyon para sa akin.

Sakto! Hindi mahaba ang pila sa booth.

"Kulang na ba ang mga ulap sa langit at buwan di ka na babalik sa lilim ng ulan?"

Sunday ngayon at medyo kaunti lang ang mga taong pasakay ng tren. Sa totoo lang, napakasaya bumyahe mag-isa. Hindi naman sa ayaw ko ng kasama, pero minsan kasi mas nararamdaman ko ang sarili ko kapag ako lang. Mas may time para makapagnilay-nilay at makapag isip-isip.

(Ting!) Hudyat na magbubukas na ang pintuan ng tren.

"Magandang araw sa inyong lahat! Isang mahalagang paalala na huwag po tayong sumandal sa pintuan ng tren upang maiwasan ang disgrasya. Maraming salamat po!"

At dahil maluwag nga, nakaupo agad ako sa may bintana.

"Sa bawat saglit handang masaktan kahit di mo alam"

Byahe x soundtrip = heaven

"Subukang muli at pagbigyan ang ating nakaraan, kahit di mo na alam..."

Nakakatawa lang talaga kapag bumabyahe ka mag-isa. Ako lang ba iyong tao na kapag nakaearphones at nakatingin sa bintana, feeling mo nasa isang music video ka? Hahaha! Ganoon na ganoon kasi ako lalo na ngayon. Tamang senti lang habang ang nakikita ko sa labas ng bintana ay ang araw at mga buildings.

"...Ang nakaraa'ylimutin na, umaasang di ka na mawawala
Sadyang mahirap lang ngumiti ngayon, minahal kita mula noon, ibalik na ang tibok ng puso mo."

At syempre, kapag mag-isa ako, naaalala ko si Basti. Alam ko namang masakit pa at hindi ko maloloko ang sarili ko.

Sa bawat kanta na naririnig ko, siya at siya lang naman ang naaalala ko.

Masakit pero naniniwala akong matatapos din itong delubyo sa puso.

*messenger notification*

Rach messaged you:
"Saan tayo magkikita?"

"Sa Coffee Project na lang, sa Vista."

"Sige. Papunta ka na ba?"

"Oo pero nasa may Pasay pa lang ako eh. Chat kita kapag malapit na ako dyan."

"Oki. Ingat ka!"

Si Rach ay classmate ko noong Junior High School. Isa rin siya sa mga nabiktima ng mga lalaki mula sa Mabini. Matagal naman nang natapos ang mayroon sa kanila ni Rake and I'm telling you, hindi talaga siya deserve ni Rake. Nakamove on na siya roon at parang wala na lang sa kanya iyong nangyari.

Ewan ko ba? Bakit ba kami nagpabiktima sa mga taga Mabini?! Dapat talaga sinunod na lang namin ang warning sa amin ni Ma'am Elize na huwag magpapaligaw sa kanila.

May sumpa talaga mga lalaki from 10-Mabini.

Ayan tuloy Venice, heartbroken ka ngayon hahaha!

"Subukang muli at pagbigyan ang ating nakaraan, kahit di mo na alam..."

Ano kayang mangyayari sa reunion naming magkakabatch ano? Ano kayang magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya ulit doon?

Ayy sus Venice Allison! Napakatagal pa noon.


When It Fell Apart - "Pag-Asa" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon