Chapter 7: Changes

4 1 0
                                    

Chapter 7: Changes

Hindi ko lubos na akalain na iyon ang magiging dahilan para maging memorable ang Paskuhan ko ngayong taon.

Kanina ko pa iniisip kung paano ko haharapin si Kade sa mga susunod na araw.

May mga pagbabago for sure, ‘di naman maiiwasan yun.

“Sorry kung nasira ko yung expected mong Paskuhan-”

“Ha? Hindi ah. At least naging honest ka sa feelings mo.”

“Salamat Ven.”

“Kaso kasi…”

“Don’t worry, hindi naman kita minamadali. Take your time. Maghihintay ako.”

“Ayun nga eh. Hindi ako sure kung may mahihintay ka.”

“Okay lang Ven. Rerespetuhin ko naman kahit ano pang maging desisyon mo. Basta ang akin lang, nasabi ko na,” a tone of relief broke in his voice.

“Salamat. Na-aappreciate ko naman.” Ngumiti ako sa kanya.

“Uyy! Picture tayo,” sigaw ni Marah.

“Sige, tara!”

“Uhm Marah, picturan mo rin kami ni Ven.”

“Sure.”

“Arghh! Ang awkward.”

Ang walang kamalay-malay na Marah ay hindi na-notice na nagconfess sa akin si Kade. Hindi niya rin napansin na medyo nag-iba ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Umupo ako sa tapat ng working table ko at imbis na buklatin ang libro ko para Good Governance ay nagcellphone muna ako.

@kakeshiKade:

“At least nasabi ko na sa’yo. Yung pakulo kong picturan ka kunwari, trip ko lang talaga para mahuli ko kung ano magiging reaction mo.”

Pagkascroll ko ay nakita ko ang picture ko. Ang isa nakangiti, samantalang ang isa bakas na bakas ang pagkakagulat.

‘Myghaddd! Sorry…’

Well, yung pag-amin nya, I find it cute. Talagang sinadya niyang hulihin ang magiging reaction ko, Siguro, para may mabalikan siyang memory kapag inalala niya kung papaano siya umamin sa akin. Kaso, magiging painful memory yun sa kanya kapag ni-reject ko siya.

Lumingon ako sa desk ko at may napansin akong poster na nakalagay sa wall ko.

‘Ayy shet! Meron nga pala akong gustong salihan na book/story contest. Muntik na mawala sa isip ko.’ Kinuha ko ang poster at binasa ang mechanics. Meron pa naman akong 20 days bago ang submission. Sana umabot pa. Pero, wala pa akong naiisip na concept.

‘Hmp! Mamaya na nga ‘yan. Magrereview muna ako.’

“Venice!”

“Oh?” Lumapit sa akin si Chienna at sabay kaming bumaba ng building,

“Ikaw lang yung nakapasa kanina sa test. Sana all. Paano ba maging tulad mo?” tanong niya sa akin.

“Baliw! Tyamba lang yung kanina no.” Down na down talaga sya sa score nya.

“Grabe ang talino mo! Naiisip ko na talagang magshift ng course eh.”

“Hoy Chi! Halos isang taon na lang at makakagraduate na tayo. Ngayon ka pa susuko dyan.”

“Eh kasi naman. Hindi ko talaga ma-gets. Nagrereview naman ako. Binabasa ko naman yung mga sources ni Prof. pero iba naman yung lumalabas sa exam.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When It Fell Apart - "Pag-Asa" Where stories live. Discover now