Chapter 4: Baggage

10 2 0
                                    

Chapter 4: Baggage




*fizzing sound*

Binuksan ko ang binili kong root beer sa convenience store kanina at ininom iyon. Nandito ako sa field ng UST, mag-isa. As ususal, alone time na naman para kahit papaano ay makapag isip-isip. Nakaupo ako sa damuhan, medyo gilid na bahagi ng quadrangle, habang pinagmamasdan ang mga couples na naghaharutan.

'Sana all!'

Nakaturn off din ang cellphone ko para walang makaiistorbo sa meditate 'kuno' session ko.

Alam ko namang nandyan sina Marah, Kade, Rio, mga kaibigan ko, na mapagsasabihan ko ng problema kaso minsan kasi mas gusto kong sarilihin na lang muna.

Hindi dahil nahihiya ako mag-open

O kaya naman ay natatakot ako dahil baka nakukulitan na sila sa akin,

Kung hindi, gusto ko lang i-figure out ang mga bagay-bagay nang ako lang.

'Ako na lang muna, sa akin na lang muna.'

At kapag hindi ko na kaya, lumalapit na ako sa kanila.

Alam kong matagal na kaming wala ni Basti, pero hindi lang naman iyon ang iniinda ko. Dumagdag pa kasi itong mga taong 'to na wala namang ibang ginawa kung hindi husgahan ang bawat galaw at desisyon ko. Sa tingin naman nila ay nagpapaawa ako at hindi ko inintindi si Sebastian. Wala naman na akong magagawa kapag ganoon na ang tingin ng isang tao, nakakapagod na rin mag-explain. Pero nakakafrustrate dahil hindi rin naman nila ako inintindi.

They won't really understand unless they experience it.

Ewan ko ba, 2 years ago na since nag-umpisa yang mga nanggaganyan sa akin and hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin.

Ang dami kong bagahe, sa totoo lang.

Akala ko nga titigil na sila eh, pero hindi. Kung hindi ako makamove on, aba sila rin! Mas lumala pa sila dahil sinisiraan nila pati ang business namin ni Rach.

Pilipino ako, pero sobrang pikon na ako sa ugali ng kapwa ko Pilipino. Ang hilig manghila pababa, ang hilig makisawsaw sa hindi naman niya problema.

Problema ko 'to, okay? Bakit nakikisali ka? Gusto mo palit na lang tayo eh para hindi ka na nakikisawsaw pa dyan.

'Pwede bang hayaan niyo na lang akong problemahin ang problema ko at problemahin niyo ang inyo?'

Nakakapagod maging katulad ko at sa tuwing may naaachieve ako ay naiisip ko kung may magkakagusto pa ba sa akin. Frustrating...

Nakakapagod.

Uminom ulit ako ng root beer. Dapat pala alak na lang binili ko, kaso baka may makakita sa aking staff dito at isumbong pa ako sa dean.

"Hayy naku Venice..." sabi ko sa aking sarili.

"Magiging okay ka rin," isip-isip ko habang nakatingin sa ulap na medyo kulay kahel. Mukhang uulan pa ata.

Tumayo ako at pinagpag ang mga damong sumabit sa pantalon ko. Uuwi na ako bago pa ako maabutan ng ulan.

Kaso kung minamalas ka nga naman, bigla namang bumagsak ang ulan. Mukhang narinig yata ako ng langit ah.

Hinayaan ko na lang na mabasa ako, ganoon din naman dahil wala akong dalang payong.

Bigla kong naramdaman na hindi na ako nababasa. Pag-angat ng ulo ko, payong ang nakita ko.

"Kanina pa kita hinahanap. Bakit ba hindi kita ma-contact?" Lumingon ako at nakita ko si Kade. Tumingin lang ako sa kanya at hindi ako sumagot.

"Huyy! Ano? Oks ka lang ba? Tara na! Baka mabasa pa plates ko,"dagdag niya. Hindi ko alam kung ano nang takbo ng isip ko, pero bigla na lang akong napayakap sa kanya.

When It Fell Apart - "Pag-Asa" Where stories live. Discover now