Chapter 5: Kade

11 3 0
                                    

Chapter 5: Kade




11 am kami magkikita ni Ian. Sabi niya, bago raw kami manood ay kakain muna kami sa labas. Tatanggi pa ba ako? Syempre hindi. 'Hahahaha!'


Suot-suot ko ang yellow shirt ko na may print ng 'growling tiger'sa gitna bilang suporta sa papanoorin naming laro mamaya. Nag-ayos din ako ng sarili ko. Lagay lagay ng kaunting powder at velvet matte tint galing syempre sa Pinky Peppers.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko maintindihan kung satisfied na ba ako sa hitsura ko o hindi.

"Maganda ka na Venice, tama na yan," sabi ni Marah na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko.

Nginitian ko siya at kinuha ang shoulder bag ko.

"Weh? Sure ka?" tanong ko habang inaayos ang bag ko pababa ng hagdan.

"Oo nga. Jusmiyo! Trip na trip ka nun di ba last year pa, kaya kahit ano pang ayos mo maganda ka na sa paningin niya." Sumunod siya sa akin.

"Wahahaha! Dahil dyan sige dadalhan kita ng maraming takoyaki mamaya saka milktea." Lumingon ako sa kanya at nadatnan ko siyang nakapamewang.

"Sabi mo yan ah." Sabay palo ng pwet ko.

"Di ka talaga sasama?" Tinanong ko pa rin siya kahit obvious naman na di siya sasama dahil nakasando pa siya at pajama.

"Tsss...date mo yun at saka may exams kasi kami bukas. Need magreview ng lola mo."

"Aww, okay sige sige. Bibilhan na lang kita ng treat mamaya since di pa pala kita nalilibre galing dun sa napanalunan ko sa JPIA."

"Yeheyyy! O siya sige, enjoy your kalandian today okay? Goodluck! Ingat ka."

"Salamat! Ingat ka rin." Nakalabas na ako ng gate kaso tinawag niya ulit ako.

"Hoy!!!"

"Po?"

"No kissing, no tatsing okay?"

"No kissing, no touching...hmmm..." Pang-aasar ko sa kanya.

"Aba talagaa!" Kinuha nya ang tsinelas nya at akmang ipapalo sa akin.

"Hahaha joke lang! Aba syempre naman. Iniingat-ingatan ko itong perlas ko no." Sabay turo sa aking eme.

"Good good. Sige na bye na!"

"Bye! Review well."



Hinintay ko si Ian sa isang cafe sa may P.Noval. Sabi nya kasi doon na lang daw kami magkita. Ilang saglit pa ay dumating na sya.


"Hi!" bati niya. Ang gwapo niya lalo kapag nakangiti siya. Hindi maipagkakaila na galing siya sa isang mayaman na pamilya. Dagdag pogi points pa na napakabango niya.

Ang gwapo niya rin sa green shirt nya na may 'green archers.' Mukhang mapapana ata puso ko ngayon.

"Hi!" Ang pabebe ng bati ko. Unusual sa isang Venice! Grrrr!

Tumayo ako.

"Uhm, okay lang ba kung sa MOA na lang tayo kumain? Nagbook na kasi ako sa isang restaurant doon."

Shet! Di ko naman expected ito.

"Ahh sige okay lang."

"Di ka pa naman gutom?"

"Hindi pa naman."

"Good. Sige wait, upo ka muna dyan ulit. Bili lang ako ng milktea natin. Anong flavor gusto mo?"

When It Fell Apart - "Pag-Asa" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon